Chapter Four

153 7 1
                                    

Kasalukuyan kami kumakain sa cafeteria ni Chelo ng bigla akong natigil sa pagnguya ng biglang may tumabi kay Chelo.  Tiningnan ko siya mula ulo hanggang sa tray ng pagkain na dala niya. 

"Bakit? "

Napakurap ako ng ilang ulit sa tanong niya.  Tinatanong niya pa.  Baka nakalimutan niya ang ginawa niya kanina sakin. 

"Hoy!  Ano ba problema mo sakin kanina? "

Komprunta ko sa kanya.  Siya naman ngayon ang tumigil sa pagkain at napatingin sa akin. 

Napasmirk pa siya na ikinainis ko lalo.  Ang sarap niyang batukan ngayon eh.  

" Wala ka talagang alam..  "

Pabulong ma sabi niya.  Bubulong na nga lang madidinig ko pa. 

" Paano ko naman malalaman kung hindi mo sasabihin ? And ke bago bago mo pa nga lang dito nagsisimula ka na ng gulo.  "

Hinarap ko ang burger sa harap ko at kinain ito. 

" I should be the one asking you..  "

Ngumuya pa ako ng ilang beses bago ko naintindihan ang sinabi niya. 

" Yun lang ba ang ikinaismid mo kanina?  Sana tinanong mo nalang ako pagkatapos ng klase kesa naman nadisturbo mo pa si Ma'am.  "

" Kaya nga magtatanong ako diba? "

Ayst..  Ayan tuloy Lorainne nabara ka.  Si Chelo sa gilid niya ay tatawa tawa pa.  Para siyang nanunuod ng isang movie na pinipigil niya lang matawa. 

" Oh ano na?  Magtatanong ka ba o hindi? "

Kung hindi siya magtatanong aalis nako. 

Tumingin muna ito kay Chelo, si Chelo naman ay bahagyang nagtaka. 

Tinanguan ni Zues si Chelo na dahilan para ngumiti ang loko at nagulat nalang ako ng tumayo si Chelo at nagpaalam na may naiwan siya sa room. 

Aist. . Pwedi naman siyang umalis na hindi na niya kailangan magpalusot. 

-____- ano ba kasing katanungan ng lalaking to at kailangan niya pang palayasin si Chelo?

" Here..  A protection.  "

Protection? Nagtataka akong napatingin sa maliit na kahon na kulay pula na inilapag niya sa mesa. 

" You should wear it.  Dahil nasa delikado kang sitwasyon.  "

"Huh?  Tinatakot mo ba ako? "

Maangas na tanong ko na bahagya niyang ikanatawa. 

" Bakit mo kailangan makipagusap kay Chelo na andito na naman ako? "

Napakunot noo ako sa sinabi niya. 

"First of all,  hindi kita kilala para makipag usap sayo.  Pangalawa,  sino ka para utusan ako.  Pangatlo,  anong protection ba sinasabi mo?  "

Ibinalik ko ang kulay pulang kahon s harapan niya. 

" I am Zues , kilala mo ko . Ako ang nagligtas sayo sa bingit ng kamatayan noong nahulog ka.  Sino ako para utusan ka?  Well,  binabalaan lang kita.  This is a warning..  That protection may help you in different ways,  lalo pa at magiging 16 years old ka na.  "

Tumayo siya at binuksan ang kulay pulang kahon.  Kinuha nya doon ang bracelet na silver at inabot niya nalang basta ang kamay ko na nakapatong sa mesa. 

" Wear this my girl..  Ito lang tanging maibibigay ko na protection sayo.   Laban sa kanila.  Please be safe.  At wag kanang makipagusap sa Chelo na yun..  "

the Chosen [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon