Chapter I

17 2 0
                                    

Maririnig sa bawat hallway ang malakas na tunog ng school bell na pumailalim sa ingay likha ng seksyon 3-D na pinangungunahan ng tawa ni Kramp.

"p*ta that girl yesterday in the party looks like she's going to pass out when Samuel stare at her!!" " Imagine how she looks like an idiot waiting for the dumbass to look at her, but that's how she only end up" tawang tawa si kramp habang ikinukwento niya sa iba ang nangyari kagabi sa party niya mismo. Ang mga kasama naman ay nakikisali naman. Samantalang inis na inis ang mga babae nilang kaklase lalo na si Andy na matagal ng may gusto sa tinutukoy ni Kramp. Napapairap na lang ito dahil wala naman itong magagawa.

"oh! ayan na pala ang gago ei!" napatigil lahat sa pag tawa at tumingin sa kadarating lang na nakabusangot na Samuel.

Dirediretso lang itong umupo sa upuan niya tsaka pumikit. Nag mistulang nag po-pose ito na parang kukuhanan ng litrato.

Hindi naman nag paawat si Deiyo at kinuha ang malapit na upuan tsaka ipinuwesto paharap kay Samuel na hanggang ngayon ay nakapikit.

"pre, gising gising din uy! balita namin may binasted ka nanaman kagabi a. Chicks ba?" pangungulit na tanong niya pa at sinundan ng bungisngis ng iba.

Kumunot ang nuo ni Samuel na nag padagdag pa sa mag kasalubong na kilay nito.

"Bimble Gorge 4-A" alam ni Kramp na walang balak sabatan  ni Samuel ang kaibigan kaya siya na ang sumagot sa tanong nito. Tuwang tuwa naman si Andrea sa narinig. Inis na inis din kasi siya sa babaeng iyon dahil panay landi siya kay Samuel at ginagamit niya ang pagiging mataas na pinuno nito sa militarya.

"oh talaga? pre patulan mo na. Lumalapit na mismo ang grasya o. Kaya pala panay daan iyun dito" dugtong pa ni Rogue. 

Napatikhim na lang si Kramp sa sulsol ng kaibigan. Malabo naman kasi iyon kasi may ibang kinahuhumalingan ang lalaki na miski siya na kaibigan ay hindi alam kung sino. Masyadong malihim kasi ito lalo na pag dating sa ganitong mga bagay bagay.

"patulan? patulan mo na." kunot noong pabalang na sagot ni Samuel. " wooah! that's my men!" kantiyawa ni Deiyo na nag pa halakhak sa kaklase nila.

"Cangfiago!" matigas na boses ang umalingawngaw sa bawat sulok ng room 3-D.

Tamad na tinapunan ni Samuel ng tingin ang may ari ng boses nito. " kailangan mo Giovani?"

maangas na umupo lang si Alexir Giovani sa upuan nito at ipinatong ang dalawang paa sa desk.

Saktong pag kaupo ng lahat ay siya namang pag pasok ng kanilang guro. Dirediretso lang ito papunta sa harap.

" next week will be the event wherein a selected students from each section will be selected that will represent our school." walang prenong ekplinasyon ng kanilang guro. Sa kabilang bahagi naman ay parang wala silang gurong nakikita na nag sasalita sa harap nila.

Sanay na sanay naman sa eksenang ganito ang guro kaya imbes na sumigaw at pag sabihan ang mga ito kung gaano sila ka bastos ay mas pinili na lang niyang mag patuloy sa sinasabj niya na alam niyang makakakuha ng atensiyon ng mga ito.

"ayon sa Principal natin, ang mananalo na seksyon sa taong ito ay may pag kakataong maging kaagapay ang Sinisters" dahil dito lahat ng mata ay natuon sa guro habang si Samuel ay halos mag dugtong ang dalawang kilay nito sa narinig.

Ang Senior Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon