Chapter III

4 1 0
                                    

Nasa gitna ng tulog pa si Prizzy ng tumunog ang alarm clock nito sa side table bandang kaliwa ng kaniyang kama. Mahirap siyang magising tuwing umaga kaya sini-set niya ang kaniyang alarm clock dahil ayaw niyang nahuhuli sa klase.

Pilit na tumayo ito at nag punta sa sariling banyo kahit tamad na tamad ito. Kung sa eskwelahan buhay prinsesa ito, sa bahay wala silang kasamang kasambahay na mag aalaga sa kanya nais lang kasi ng kaniyang pamilya na maging normal ang kanilang pamumuhay.

Pag katapos nitong mag babad tsaka ito nag suot ng uniform na naayon ang kulay sa club niya.

Si Prizzy ngayon ang kasalukuyang  President na ang Officials mismo ang pumili. Iba ang pamamalakad sa eskwelahan nila, ang bawat piling leaders ay mga officials ang nag talaga ngunit ang bawat miyembro naman ay pili ng pinuno nito.

"tsk. Ok lang kaya ito? di naman ata bagay. Wag na lang" nasa harap ngayon ng salamin si Prizzy at nag mistulang kinakausap ang sarili. Gusto kasi niyang mag lagay ng kulay pula na lipstick. Pero dahil sa imahe sa school dapat pati gamit niya ay ayon sa kung anong kabilang siya. Hindi naman hirap dun si Prizzy, dahil wala siyang kailangan ibago sa sarili.

Pag kababa niya sa kuwarto niya dumiretso na siya sa kitchen saka nakitang nakaupo na ang kaniyang ama habang hinihintay ang mama niyang gumagawa ng pagkain nila.

Ang mama niya ay kilalang fashion designer habang ang ama naman ay surgeon doctor sa sariling mismong hospital. Iba ang pag papalaki kay Prizzy ng magulang, hindi dahil kaya nilang ibigay sa anak ang mga luho nito ay basta na lang ibibigay sa anak. Kailangan munang pag hirapan ni Prizzy ang mga bagay na gusto niyang makuha.

" oh? sweetie. Take a seat already, so we can now start our breakfast" pagbaling ng ina sa kanya ng mapansin nila ang kaniyang prisensya. Agad naman itong umupo sa harap ng nila at nag simulang kumain. Nag hari ang katahimikan sa hapag, ayaw na ayaw kasi ng kaniyang ina na may nag sasalita habang kumakain sila.

"Daughter, the headmistress of your school called in my office yesterday and she said your club got involved into a conflict that will not be tolerate by the school administration. So, tell me what these conflict she's talking about?" striktong pahayag niya sa anak. Magaspang man ang tono ng pananalita nito bakas naman ang pag alala niya sa mukha.

"ang mga kamiyembro ko po kasi dad, may ginawang gulo before summer. It's not that big to be bother about, sadyang nalaman lang ng ibang school kaya para hindi gaanong mapahiya ang reputasyon ng eskwelahan kailang gumawa ng aksyon" kwento nito sa magulang na nakatitig sa kanya. Tiwala naman sila dito, hindi kasi ugali ng anak na makipag away.

"8 po  ang simula ng first sched ko, kaya maaga akong aalis." pagkatapos nitong mag paalam saka ito lumabas ng village tsaka nag hintay na masasakyan na taxi papuntang eskwelahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Senior Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon