Chapter II

4 1 0
                                    

Parang isang apoy sa sobrang daling pag kalat ng balita ng magiging premyo ng tatanghaling panalo sa darating na program ng eskwelahan.

Kanya kanyang komento naman ang mga estudyante dahil sa kakilanlan ng club.

"tama lang sa kanila iyun, ang yayabang kasi" isa sa pahayag ng nag kukumpulang mga estudyante sa gitna ng campus. At sinangayunan naman ng karamihan sa kanila.

"hinaan niyo nga mga boses niyo, baka may makarinig sa mga pinagsasabi niyo" saway ng isa sa kanila sa estudyanteng nag salita kanina.

Dahil sa pag saway nito sa kanila , ay sandali silang napatigil. Ang Sinisters na kasalukuyang paparusahan ng punong guro nila ay kilalang sinusuportahan ng Club B.

"nakakatakot ang itsura ni Jay kanina. Buong club ay nag wi-welga sa harap ng building office ng Stakeholders Officials. Sa ngayon ginaganap ang meeting ng officials kasama si Jay" lahat napa simangot sa narinig nila. Malaking bagay sa mga estudyante pati na ang officials stakeholders ang bawat hakbang ni Jay Lopez, hindi lang dahil sa apelyedong daladala nito kundi dahil sa tinik nitong mag pa takbo ng eskwelahan.

"ano ba yan, siguradong makalulusot ang Sinisters. Bat kasi andun si Prizzy".

Ang Senior Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon