Chapter 15

5 0 0
                                    


Pinilit ako ni Joaquin na kainin yung kalamares. Kalamares pala tawag dun but I refused. Merong part na walang galamay but still I refused because it's still the same.

Di niya na ako napilit kaya binilhan niya nalang ako ng kikiam and palamig na white. He said that it's buko juice but I don't care! I want it to be named palamig na white.

After there, I decided na umuwi na. I told him na ako nalang and sapat na yung ginawa niya sakin for this day but still, hinatid parin niya ako. So stubborn!

Ngayon nasa harap na kami ng gate "Thank you sobra Joaquin" I told him

"Wala yun basta bayaran mo yung ginastos natin kanina. 103 din yun kasama pamasahe"

Hinampas ko siya sa braso "Grabe ka! Kaya pala pinabayaan mo akong makatatlong round ng Kikiam kasi pagbabayarin mo ako?" Kanina kasi sabi lang siya nang sabi na kumukha pa ako ok lang daw yun

"Aba! Hindi mo ako ATM ha!"

"Bukas na! Badtrip ka umuwi ka na nga!"

Papapasukin ko pa sana siya sa bahay eh kaso nambwisit siya nagbago tuloy isip ko

"Yes boss! Bye!" he winked at me and gave me a flying kiss

"Bakla!" sinigaw ko sakanya. Mukha kasi siyang bakla nang ginawaq niya yung flying kiss. Laughtrip nga eh!

Nagulat ako nang bigla siyang bumalik "Tinawag mo ba akong bakla?"

"You know what I do to girls who call me that?"

Then it hit me! Wag niya sabihing hahalikan niya ako?

He grinned but even before he consumed fully the space between us, I immediately kicked his *toot*

"Go do it you ass at di lang yan makukuha mo" pagbabanta ko sakanya then I slammed the gate. That guy! Ok na eh nagbago an tingin ko sakanya. Nabawasan na yung pagkaasar ko sakanya binawi niya naman agad!

Narinig ko pa siyang sumisigaw-sigaw sa labas habang papasok ako. Bahala siya jan!

~~~~~~~~~~~~~

I'm eating breakfast with Nanay and Tristan right now.

"Galing ditto si Joaquin kahapon?" tanong ni Tristan

"Well, yes" I answered not looking at him

"Bakit di mo sinabi sakin? Saka anong oras bakit di mo man lang pinapasok?" Nanay asked. Para namang napakaimportanteng tao nung maniac na yun tss

"Di naman po siya nagtagal ok lang yun"

"Kahit na"

"Ano bang ginawa niya Trina?" Tristan asked

"Hinatid lang ako"

"Ikaw na bata ka umamin ka nga! Anong score sainyo ni Joaquin?" pag-aakusa ni Nanay

Napatingala ako sakanila. Di makapaniwala "Ano bang nasa isip mo Nay? Kilabutan ka nga po!"

"Oh bakit gwapo naman si Joaquin, may dimples tapos mabait" pagtatanggol pa niya

"Ewan ko po sainyo" iiling-iling ako habang kumakain. Marami pang sinabi si Nanay ngunit hindi ko na siya pinansin at nanahimik nalang.

Masakit pa naman puson ko. Tumayo na ako at nagpaalam kay Nanay, sumunod din naman si Tristan. Pansin ko mula kahapon tahimik lang siya. Nagkibit-balikat na lamang ako

Pumasok ako ng kotse niya. I checked my notes yesterday. When I opened my bag I saw again Joaquin's hoodie. Nilabhan ko na ito. Nilagyan ko pa ng fabric conditioner para wala siyang masabi.

Caught in the middleWhere stories live. Discover now