I think therefore I am.
It means that if I think I can, I can. O if I think I could be someone else, I will be. But in my case, it is somehow literally happening.
Of all people, believe it or not, I have a special ability. Hindi ko alam kung bakit ako meron akong special ability. Nalaman ko lang to noong 10 years old ako. At kung tinatanong nyo kung anong special ability ko, kaya ko lang namang sumapi sa ibang tao pero limited lang. Within 5 minutes ko lang yun kayang gawin.
Almost 7 years ko na ginagamit ang special ability na to kaya medyo gamay ko na. At eto rin ang ginagamit ko upang makamit ko yung mga gusto ko.
Simpleng simple lang para sakin ang maging Top 1 lagi sa klase. Tuwing araw ng examinations, hindi ko na kelangang mag-aral. Ang kelangan ko lang gawin ay sapian ang mga matatalino kong kaklase para masaulo ko ang mga sagot nila at yun din ang masasagot ko. Kahit kelan ay di pa ako sumablay. Sinisigurado ko muna na tama ang gagayanin kong sagot kaya lagi akong nakaka-perfect score. I told you. Di kelangan ng sipat at tiyaga, instinct at ability lang ang kelangan. Pero sakin lang ang appropriate ang rule na yun.
Ang ability ko ring to ang ginamit ko upang makapasok sa school na gusto kong pasukan. Pero di katulad ng mga simpleng examinations ang ginawa kong taktika sa para entrance examination ng school na papasukan ko for college. Kinailangan kong magresearch para dito. Kinikilala ko lahat ng mga matatalinong nagbalak din na mag-take ng entrance examination. Nagsearch ako sa lahat ng schools na may mga estudyanteng magte-take ng kaparehong entrance examinations. Pati yung mga students na possible na makasabay ko sa schedule ay sinearch ko.
At nung dumating na ang araw ng entrance examinations. Basic. Halos lahat ng matatalino ay nakasama ko sa room kaya naman simpleng sapi lang at voala. Top 1 is yours truly.
"Goodmorning. I'm Kara Patria Cabrera. 17 years of age. It's an honor to be your classmates." And I gave them my prettiest smile. Kindly take note that I have dimples kaya mas lalong gumanda yung ngiti ko.
After ng introduction ng klase namin, nagsimula na ang klase. Buti na lang sa tabi ng bintana ang upuan ko. Wala naman talaga akong balak makinig or magpokus sa klase kase di ko naman yun kelangan. I can be the Top 1 for the whole year without even blinking.
Minsan napapaisip pa rin ako kung bakit ako may special ability. Hindi naman sa ayaw ko nito. In fact, thankful ako sa special ability na to kase madami akong nagagawa ng walang kahihirap. It's just kinda weird.
Natapos na ang school hours at papalabas na sana ako ng gate para umuwi nang biglang may lumapit saking lalake.
"H-hi Ms. Kara. P-pwede ba kitang makausap?" Sa tingin ko freshman lang din to. At pupusta ako, may gusto to sakin.
"Sige. Ano yun?" With flip hair and beautiful smile pa yan mga friendship.
"N-nakakahiya mang sabihin sayo p-pero kung free ka ngayon, p-pwede ba kitang m-mayayang kumain sa labas? M-my treat." Wow. First day of school pa lang tapos may ganito agad. Well, actually he's cute, not bad. But....
"I'm glad that you asked me. But kindly understand that I prioritize studies more than anything. Kelangan ko pa ring magreview sa bahay pag-uwi ko kaya sana maintindihan mo." And i flashed my apologetic smile.
"Ah o-okay lang. S-salamat and sorry." Then tumakbo na sya palayo.
Magrereview pag-uwi? What a lame excuse. I don't need that. He's just not my type. Kung makikipag-date lang din naman ako, syempre dun ako sa gwapo, matalino at mayaman. And he's none other than Clark Kent Cornejo. Ang balita ko'y kahit freshman pa lang sya, kinukuha na agad syang varsitt ng basketball team ng school na ito. And he's my target. Kelangan kong planuhin kung paano nya ako mapapansin.
---
Vote, Comment, Follow
© jenwilgrid
YOU ARE READING
Alethea
Mystery / ThrillerTeenagers with special abilities. It depends on the I if it will stay as the I or be the Other || © jenwilgrid