"Ateeeeeee! Gising naaaaaa!"
Gosh umaga na pala. At hindi ko namalayan na dito pala ako sa sofa nakatulog. So that means hindi rin ako nakakain ng dinner kagabi. Kung anu ano na lang kase ang naiisip ko hays.
"Ateeeee! Gising naaaaaa! Male-late ka na sa school!"
"Oo na. Babangon na." See? Parang mas matanda pa sya kesa sakin.
"Nagluto na ako ng breakfast ate kaya bumangon ka na dyan."
"Oo na PO." Ang swerte ko talaga sa kapatid ko. Feelinf ko di ko alam ang mangyayari sakin kung wala sya. That's why I'm doing my best na makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para makabawi ako sa kanya.
Pagkabango ko, dumeretso na ako sa kusina kase gutom na gutom na rin talaga ako. Naabutan ko naman dun si Riyo na kumakain na rin. Ngayon ko lang napansin na suot na nya rin ang uniform nya tapos naka-apron sya. Ang cute talaga ng kapatid ko. Minsan iniisip ko na sana wag na syang tumanda kase feeling ko talaga madaming magkakandarapang babae dito at ayaw ko namang magkaroon agad sya ng girlfriend. Gusto ko ako lang ang babae sa buhay nya.
"Ate? Bakit ka ganyan makatingin sakin?" Sabay takip nya sa katawan nya. Like duh. Di ko sya pinagnanasaan.
"Baliw. Madami lang akong iniisip." Madami naman talaga. Pero naisip ko rin na hangga't meron akong special ability na ito, wala akong dapat problemahin.
"Gusto mo ba kantahin ko sayo yung 'Magic Song' ko?"
"Sige nga. Para mawala stress ko sa katawan." If you're wondering what's the magic song, it's just simply the magic song.
"I got the magic in me. Every---"
*phone ringing*
Bago pa matapos si Riyu sa pagkanta, bigla na lang nagring ang phone ko. Di tuloy natapos ang magic song ni bebe Riyu.
"Ate, sagutin mo muna yan. Mukhang importante e."
Nag-nod lang ako then tumayo muna at pumuntang salas para sagutin ang tawag. From unknown number.
...Hello. Kara speaking. Who's this...
....Good day Ms. Kara. I'm the secretary of the student council. Mind if you come to our office this morning? We just want to talk about important things with you...
Ano kayang meron? Wala naman sigurong masama no?
...Okay. I don't mind at all. I'll be there in a few minutes...
*end call*
Bumalik na agad ako sa kusina para magpaalam kay Riyu. Mukha rin kaseng importante yung sasabihin nya, though wala akong ideya. Nagmadali na rin ako papuntang school kase male-late na rin ako.
Pagdating ko sa school, dumeretso na agad ako sa student council office. Di muna agad ako pumasok. Iniisip ko munq kung bakit ako pinatawag dito. Like second day pa lang ngayon ng pasukan. Tapos ipapatawag ako dito? Bakit kaya? Siguro kukunin nila akong officer no? Sana nga ganun.
Bago pa man ako makakatok sa pinto, nagbukas na agad ito at bumungad na agad sakin ang isang lalakeng matangkad na nakasalamin.
"I'm glad you're here. Come inside." Pumasok na rin naman agad ako bago pa nya maisip na kaladkarin ako papasok.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Mukha talaga syang office. May magandang desk sa dulo ng room na para bang desk ng isang CEO ng company. Then my nakaset up na armchair sa gitna. It kinda weird at parang may nararamdaman akong di maganda sa set-up na yun.
"Take a sit Ms. Kara." Then turo nya dun sa may armchair. Umupo na rin naman agad ako katulad ng sinabi nya. Ano bang meron? Hindi maganda ang nararamdaman ko.
Nakita ko naman syang may kinuhang papel mula dun sa desk at ibinigay nya yun sakin. Pagtingin ko sa mga papel, kinilabutan na ako. No way. Hindi to pwedeng mangyari.
"W-what's this?"
"That's an exam na gusto kong sagutan mo ngayon dito. Just you and me in this room. Katulad lqng yan ng entrance exam nyo pero iniba rin namin ng konti. If you truly are the Top 1. Walang kahirap-hirap mo yan masasagutan."
"Haha. Anong kalokohan to? Hindi pa ba sapat yung result ng entrance exam? Bakit ba kelangan pa ng ganito?" I tried to make myself calm but gosh, pinagpapawisan na ako. How can I do it now? Here?
"Nabalitaan kase namin na nagcheat ka lang daw kaya ka naka-perfect score. So if you want to prove as wrong, answer that exam here. We'll give you a chance to defend yourself through that exam. If you'll get atleast 90% of the items right, then you deserve to be the Top 1. But if not, we're sorry to say that you don't deserve to be in this school."
"That's insanity. Hindi to pwede. You just can't accuse me without sufficient evidence."
"No more talking. You have 45 minutes to answer the exam. Your time starts now."
There's no way I can do this. Alam nyo naman kung paano ako ngaing top 1 diba? Isip Kara. Kelangan mong isipin kung anong dapat mong gawin. Napansin ko naman na may hawak ding papel yung president ng SC. I have to try. Kung ang hawa nyang mga papel ay katulad ng exam ko ngayon, then I have a chance. Kelangan kong sulitin ang 5 seconds. Huminga muna ako ng malalim at ginawa ko na ang plano ko.
The next thing I knew ay nasa katawan na ako ng president at pagtingin ko sa papel na hawak ko, napamura na lang ako. Wtf. Puro sexy pictures lang tong hawak nya. Pinagpupunit ko yun sa sobrang inis ko. Napatingin na lang ako sa katawan kong walang malay. Ganun kase ang epekto nun sa katawan ko kapag sumasapi ako sa ibang katawan. Nawalan na ako ng pag-asa.
Nawala na rin ang epekto nung pagsapi ko at nakabalik na ako sa katawan ko. Nakita ko naman yung itsura nung president at mukhang nagtataka rin sya kung bakit punit punit na yung hawak nya kaninang papel.
"Got you!"
Ha? Ano to? Bakit may camera na nakatutok sa mukha ko?
---
Kindly read my other stories. "Mission Accomplished" and "Black Rose"
Vote, Comment, Follow
© jenwilgrid
YOU ARE READING
Alethea
Mystery / ThrillerTeenagers with special abilities. It depends on the I if it will stay as the I or be the Other || © jenwilgrid