Chapter 2

9 1 0
                                    


Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa book store para bumili ng sketch pad. Don't get me wrong. Wala akong talent sa pagdodrawing. Wala ring pagka-artistic sa dugo ko. Para to sa kapatid ko, my little brother.


"Ate Karaaaaa!" Sa sobrang pag-iisip ko, kahit di naman talaga ako nag-iisip, di ko na namalayang nakauwi na ako ng bahay.


"Riyuuuu!" Then I hugged him.


He's Riyu Genn Cabrera. 10 years old. Kami na lang dalawa ang magkasama. Namatay kase ang mama namin noong ipinanganak si Riyu. Pagkatapos nun ay pumuntang ibang bansa si papa para magtrabaho, pero simula nun ay di na sya bumalik pa. May iba na pala syang pamilya dun. Pero sinusustentuhan pa rin nya kami ng kapatid ko. Hindi rin kami ganung nahirapan nung una kase nasa poder pa kami ng lola namin. But after 5 years ay namatay rin si lola. Almost 5 years na rin kaming dalawa lang ni Riyu ang magkasama. Kaya malaking tulong sakin ang special ability ko kase kahit papaano makakapag-aral ako ng walang masyadong binabayaran dahil sa scholarship.


"Ate Kara. Gusto mong magmeryenda? Nagluto ako kanina ng turon. Binigyan kase ako ng kaibigan ko ng saging." Inaamin ko po na kahit lalake ang kapatid ko ay mas magaling pa syang magluto sakin. Hanggang prito nga lang ang kaya ko e.


"Aba. Bakit ka naman binigyan ng saging?"


"Actually hiningi ko talaga yan kay Shin. Madami raw kaseng puno ng saging sa kanila. Hehe." Shin ang pangalan ng bestfriend nya. Ibang klase talaga ang kapatid kong to. Mautak na kahit bata pa lang.


"Okay, sabi mo e. Anyways, may pasalubong nga pala ako sayo." Then kinuha ko yung sketch pad na binili ko at binigay sa kanya. "Next time ako naman ang idrawing mo ha?"


"Hindi kita pwedeng idrawing ate. Puro magaganda lang ang dinodrawing ko. Ayaw ko namang mahaluan ang panget ang koleksyon ko. Hahahaha." Aba bastos na bata. Kung panget ako, panget din say kase magkapatid kami.


"Mukhang ayaw mo ata nyang sketch pad."


"Haha joke lang naman ate. I love you." Hinalikan nya muna ako sa pisngi bago sya tumakbo palayo. Ibang klase talaga ang batang yun. Kaya mahal na mahal ko sya e.


Nagtungo na ako sa kusina para kainin yung niluto nyang turon. Kumuha rin muna ako ng isang pitsel ng tubig sa ref at baso bago ako naupo sa mesa para kumain. Alam talaga ng batang yun na matakaw ako kaya tatlong turon ang itinira niya sakin. At syempre, naubos ko naman yung lahat. Hinugasan ko na rin yung pinagkainan ko after kong kumain.


Muntikan ko na palang makalimutang magbihis. Hanggang ngayon kase suot ko pa rin ang uniform ko. Pagpasok ko sa kwarto, laking gulat naman ni Riyu. Actually, maliit lang tong bahay namin. Isa lang ang kwarto, kaya naman sa sahig ako natutulog at si Riyu naman sa kama. Napansin ko na nagdodrawing na sya dun sa bago kong bigay na sketch pad pero tinago nya rin agad yun nung nakita nya ako.


"Ano ba yang dinodrawing mo at tinatago mo pa sakin?" Tumabi ako pagkakaupo nya sa kama at sumandal ako sa balikat nya. Medyo masakit lang sa bato kase mas maliit sya sakin.


"W-wala. Hindi mo na naman kelangang malaman. Tss." Wala raw pero nagsastutter naman sya.


"Siguro crush mo yan no? Ayiii. Patingin na kase." Niyakap ko sya at nagpacute sa kanya. Nakakatuwa kaseng lambingin tong kapatid ko haha.


"Hindi ko lang to crush no? First love ko to." Sabay ngiti nya ng nakakaloko. Napatanggal naman agad ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan sya ng may kuryosidad.


"Anong first love? Ang bata-bata mo pa tapos may nalalaman ka ng ganyan. Bawal yan! Di ako makakapayag!" No way. Akin lang si Riyu. Hangga't wala akong boyfriend, hindi sya pwedeng magkaroon ng first love.


"Hahaha. Nakakatawa ang itsura mo ate. Para kang inagawan ng candy. Ikaw nga tong namimilit sakin kanina kung sinong crush tapos may nalalaman ka pang 'ayiii'. Samantalang ngayon, halos pagsakluban ka ng langit at lupa nung sinabi kong may first love ako."


"Kahit na. Bahala ka nga dyan. Che!" Then nagwalk-out na ako. Napahiya na ako e.


Sa salas na lang muna ako magmumuni. Kelangan ko pa rin munang isipin kung paano ako mapapansin ni Clark. Mas mapapadali ang buhay ko sa college kung magkakaroon ako ng boyfriend na sikat at mayaman. Hindi yung papuchu puchu lang sa kanto.


Ano kayang magandang paraan para mapansin nya ako? Dapat ba madapa ako sa harapan nya? Madali lang yung gawin pero ayaw ako. Magmumukha lang akong isang malaking katangahan sa harap nya.


How can I win him? Any suggestions?


---


Vote, Comment, Follow

© jenwilgrid

AletheaWhere stories live. Discover now