Suot ako ang maikling damit na dapat hindi ko naman suot. Bakat ang kurba ng aking katawan dahil sa sobra itong hapit. Inayos nila ang itsura ko para aa gagawing BID ngayong gabi.
Oo, isa akong GRO.
Baguhan palamang ako. Ito nalang ang natitirang paraan para maipagamot ko ang nanay ko at mapag aral ko ang kapatid ko.
"Ayusin mo ang pagsayaw mo pag akyat mo ng entablado" sabi sa akin ng nag make up sakin.
Pagtango nalang ang naisagot ko dahil binabalot na ako ng kaba. Hindi ko man kayang gawin 'to, pero para sa pamilya ko gagawin ko.
"Maganda ang kurba mo siguradong marami ang maglalabas ng pera para makuha ka" dagdag pa ng namamahala sa amin.
"15 minutes nalang aakyat na ang mga kasali sa bid" sabi ng emci para sa gagawing bid ngayong gabi.
Pinagsuot nila ako ng sandals na may takong.
Wala na akong alam na ibang paraan para lamang kumita ng malaking pera ng agaran.
Puno man ng kaba ang aking kalooban, nananaig naman ang matinding pangangailangan.
Wala na kong magagawa.
Isasa isip ko nalang na pagkatapos ng gabing ito ay tapos na ang paghihirap ng aking ina at nakapag- aaral na rin ang akin kapatid.
Ako si Mishell Javier at ito ang aking istorya.