BID

2 1 0
                                    

MISHELL'S POV

Isa-isa nang pinakikilala ang mga kasama sa biding. Sinabi sa akin ng mga namamahala sa amin na ako ang huling ilalabas dahil ako ang pinaka bago sa lahat.

Kaba.

Takot.

Pinaghalo-halo yung nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang umakyat ng entabladong 'yon.

Maliit lang ang entablado, kasyang-kasya lang ang mga nagtatanghal.

Maraming tao ngayon ang nagpunta dahil alam nilang may magaganap na ganito ngayong gabi.

Labing dalawa kaming aakyat sa entabladong iyon. Ngunit iilan pa lamang ang natatawag.

Nanginginig na ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung makakayanan ko pang tumayo mula sa pagkakaupo ko.

Hindi ako handa sa mga ganito.

"Sweet Desiry" tawag ng emci sa nasa unahan ko, "Anyone from can take her home. And now the bidding is open. Let's start with five thousand pesos" dagdag pa nito, at ang babaeng nakasalang ngayon sa entablado ay nag sisimula nang gumiling sa isang pole na nasa gitna nito.

Marami din ang nag nanais na kunin sya. Umabot ang halaga nito sa isang daang libong piso.

Kung saan-saan naglalakbay ang aking utak. May pumipigil sa akin na gawin ito ngunit hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko dahil kapag iyon ang pinairal ko, maghihirap lamang ang aking pamilya.

Sawa na akong makita ang aking ina na mahirapan nang dahil sa sakit nya.

At ang kapatid ko naman ayokong makita syang pumapasok sa eskwelahan ng walang baon at hindi man lamang kumakain.

Ang sakit para sa akin na makita silang nasa ganong kalagayan.

"Mystique Sui generis" bigkas ng taga pag salita, batid kong ako ang tinutukoy nya kaya naman kahit nahihirapan ang tumayo dahil sa panlalambot ay napilitan na rin ako at pumadok sa entablado.

Gaya ng iba habang ako'y kanyang ipinakikilala pinilit kong gumiling sa harap ng pole. Balot na balot ako ng kaba dahil sa bawat giling na ginagawa ko ay maraming naghihiyawan. Hindi ko inaasahan na ganito karami ang pupunta ngayon. Halos mapuno ang bar na 'to ng dahil lamang sa bidding na gaganapin.

"The bidding is open. Lets start with Twenty thousand pesos" sabi ng emci.

Eto na.

Wala nang atrasan.

Nagpatuloy ako sa pag giling kasabay ng musika.

"One hundred thousand pesos" banggit ng isang lalaki, batid kong ito'y nasa higit 30 ang edad.

"100,000 pesos, anyone? May mas tataas pa ba?"

"200!" Sigaw nung isa.

"200,000 thousand pesos! Meron pa ba?"

"250!" Palaki na nang palaki ang perang kanilang binibitawan.

"400!"

"500!"

Sunod sunod na ang sigaw ng mga lalaki sa loob ng bar.

Unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata.

"600!" May isa pang sumigaw batid kong matanda iyon at may lahi dahil sa tono ng pananalita nito.

"Anyone? May mastataas pa ba doon?" Muling tanong ng emci.

Wala nang sumagot pag katapos n'on kaya naman tumulo na ang luha sa aking pisngi.

Pagkatapos nito ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Isang matanda ang nakakuha sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last ChanceWhere stories live. Discover now