CHAPTER 29

1.6K 40 0
                                    

JESSA POV

Nasa tawid ko siya kaya ngumiti siya sakin at lalapit na sana siya sakin kaso.......

"BLAAAAAAAAKE!!!!!!!" Sigaw ko dahil.....dahil......Mygod. Napatakip agad ako sa bibig ko. Pero Agad rin akong kumapit sa kanya. Inuyog ko yung balikat niya.

"Blake. Blake. Blake, gising!!!!" Sigaw ko. Nakita ko na marami na ang lumapit samin.

"Tawag kayo ng Amublansya!!!!" Sigaw ko. Jedrick....Nasan ka na ba?? Pero naalala ko. Tumingin ako sa kotse pero wala na dun at tumakbo na yung kotse. Tumakbo ako para habulin yun pero hinde ko nakaya. May nakita ko sa may paanan ko na bracelet kaya kinuha ko iyon at nilagay sa bulsa ko. Bumalik ulit ako kay Blake hanggang dumating na yung ambulansya at dadalhin na nila si Blake sa hospital. Nag stay muna ako para hintayin si Jedrick at sakto naman na dumating siya.

"Anong nangyare?" Tanong ni Jedrick.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Sa CR. Naihi ako eh." Sabi ni Jedrick.

"Nahablot phone ko at hinabol ko yung magnanakaw kaso naunahan ako ni Blake at nahuli niya yun. Tatawid na sana siya papalapit sakin kaso....nabangga siya ng kotse." Sabi ko na ikinagulat ni Jedrick.

"Umalis lang yung kotse pero sigurado ako....sigurado ako na babae yung nagdra-drive. Hit and Run yun, Jedrick!" Sabi ko

"Oo, tama ka. Hit and Run yun. Halika. Punta na tayo sa hospital. Andun na yung kotse." Sabi ni Jedrick at tumango nalang ako.

Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive na si Jedrick papunta sa hospital.

"Jedrick, Pahiram phone mo." Sabi ko at binigay naman niya sakin phone niya at nung binuksan ko yun ay yung wallpaper niya ay....Stolen Shot picture ko habang nagsusulat sa school. Wow. Haha. Pero hinde ko na yun pinansin at tinawagan ko si Maxben. Agad naman niya yung sinagot.

"Hello? This is the-Gwapo-at maraming babae na sumusunod sa kanya-Mabait-Na Maxben speaking." Ay putang ina. Napamura tuloy ako.

"Hello? Hinde ito si Jedrick----" Hinde natapos sasabihin ko dahil sumigaw na si Maxben.

"ANO?!?! NASAN SI JEDRICK?!?! KINIDNAP NIYO BA SIYA PARA LANG MAKUHA NUMBER KO?!?! ANG LAKAS NIYO NAMAN!!!! LUMAPIT NALANG KAYO SAKIN AT WAG NIYO NANG IKIDNAP KAIBIGAN KO!! PAKAUSAP AKO KAY JEDRICK!!!" Sigaw neto sa kabilang linya kaya inilayo ko yung phone sa taenga ko at napatawa nalang si Jedrick. Sisigawan ko rin siya.

"ULOL! AKO TO, SI JESSA MAE PEARL GENTILI! AT KAPAG SABIHIN KO NA JESSA MAE PEARL GENTILI, IT MEANS DYOSA NA GUSTO NG MARAMING LALAKE!!! AND WHEN I SAY DYOSA, LAPIT KA SAKIN PARA LANDIIN AKO, AT MAY POSIBILIDAD NA HINDE KA NA MAKAKABUNTIS NG BABAE DAHIL BABAUGIN KITA!!!" Sigaw ko sa kanya at napatawa ulit si Jedrick.

"A-Ay, ikaw pala Jessa. Bakit?" Tanong ni Maxben sa kabilang linya.

"Kasama mo ba sila Blaze?" Tanong ko.

"Oo. Nawawala nga si Blake eh. Nakita mo ba siya?" Tanong ni Maxben.

"Oo. Andito siya kanina sa palengke pero ngayon nasa hospital siya." Sabi ko.

The Hearthrob Fell Inlove With Little Miss TinderaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon