CHAPTER 8

2.3K 30 0
                                    

JESSA POV

"Your too late Fiona. Dahil sising sisi na ako na minahal kita. Sana hinde nalang ikaw yung minahal ko. Sana.......Si JESSA NALANG MINAHAL KO." Sabi ni Jedrick na ikinagulat ko.

"J-Jessa? Was that the bitch that was with you yesterday?" Tanong ni Fion kaya sumilip na ako sa kanila at nagulat ako nung itinulak ni Jedrick yung upuan sa gilid niya.

"Don't you ever call her bitch because she is not like you. Your the one who's deserve to be called a bitch. Not just a bitch. But a FILTHY BITCH." Sabi ni Jedrick at nakita kong pababa na siya kaya bumaba na ako dun. Pagkababa ko dun nagulat ako nung may tumulak sakin sa Music Room at yumakap sakin. Tiningnan ko kung sino yun at....Ano ba na naman kailangan neto?

"Ano ba na naman kailangan mo, Dwayne?" Tanong ko sa kanya habang kumakalas sa yakap niya.

"Don't be like this, please. I miss the old Jessa." Sabi ni Dwayne.

"Your the one who made me change." Sabi ko.

"Then, I'm sorry. I didn't mean to..." Sabi niya.

"Ha! You didn't mean to? Abot nga labas ng Condo mo yung ungol mo eh!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya.

"I was drunk. Please listen to me. Please. Hear my explanation." Pagmamakaawa niya sakin.

"Hear? Handa na akong pakinggan yung explenasyon mo noon pa! Pero ba't ka umalis nang hinde nagpapaalam manlang sakin?!!" Sigaw ko sa kanya at umalis na ako na umiiyak. Narinig ko yung pagtawag niya sakin pero hinde ko na yun pinansin. Nagulat ulit ako nung may tumulak na naman sakin sa isang pader at ikinulong ako sa mga braso neto.

"J-Jedrick...."

"Shhhhh....They're watching." Sabi ni Jedrick at dahan dahan naman akong napatingin sa kabila namin at nakita ko si Fiona na maiiyak na at si Dwayne na nakatikom yung kamao niya at kung makatingin siya kay Jedrick ay parang gusto niya nang patayin eh.

"Eh anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Just go with the flow." Sabi ni Jedrick at agad niyang hinawakan yung bewang ko gamit yung dalawang kamay niya dahilan para maglapit yung katawan namin. Lumapit yung mukha niya sakin at pumikit nalang ako.

Pero....Bakit walang lumapat na malambot? Dinilat ko yung mga mata ko at nakita ko si Jedrick na nakangiting nakatingin sa mga labi ko. Aish! Napaka assuming ko naman! Akala ko ba naman hahalikan ako! Grrrr!

"Your so cute, babe. Com'n let's go." Sabi ni Jedrick at umakbay siya sakin at humawak nalang ako sa bewang niya para mukhang romantic. Eeeeewwwww. Nung makalayo na kami sa kanila ay bumitaw ako sa pagkakahawak sa bewang ni Jedrick pero tinulak niya lang ako papalapit sa kaniya.

"Ano ba??" Bulong ko sa kanya.

"May mga styudante na nanonood." Sabi ni Jedrick.

"Ano naman?!" Galit na pabulong na tanong ko sa kanya.

"Kapag lumayo ka sakin, iisipin nila na hinde talaga tayo mag shota. Magiging obvious na nagpapanggap lang tayo at pwede kumalat yung chismis na yun at baka makarating yun kay Dwayne at kay Fiona." Sabi ni Jedrick at napaisip naman ako. Palihim naman akong tumingin sa paligid at Yes. May mga styudante na nakatingin samin.

"Girlfriend ba siya ni Papa Jedrick?"

"Sa tingin ko girlfriend eh. Nakaakbay kasi."

"Tss. Mas maganda ako sa kanya."

"Didn't know that Jedrick's type of girls are ugly."

Usapan nila. Wow ah! Mapanget?! Ako?! Agad akong humarap kay Jedrick.

"Baby, sinong pinakamagandang babae sa mundo??" Halos pasigaw ko na tanong kay Jedrick para marinig nung ibang tsismosa diyan. Halatang gulat na gulat si Jedrick.

"S-Syemre ikaw yun, baby. Wala ng iba. Ang ganda ganda mo." Sabi ni Jedrick.

"Sino naman yung pinakamamahal mong babae sa mundo?" Tanong ko at napatahimik naman siya. Problema neto?

"Ikaw." Seryosong sabi sakin ni Jedrick na ikinagulat ko.

"H-Ha?" Tanong ko.

"Ikaw mahal ko." Sabi ni Jedrick. Teka, pinapaselos ko lang naman pala yung mga styudante ah. Baka go with the flow rin siya.

"Sabi ko na nga ba ako mahal mo eh! Baby, mahal rin kita! I promise di kita iiwan!" Sabi ko at may pataas pa akong kamay eh. Pero yung isang kamay ko naka cross sa likod. Hinde yun totoo. Mukhang napansin ata niya.

"Tss. Hinde naman yan totoo, Baby eh." Sabi niya. Panggapan lang to. Nadidiri kasi ako sa pagtawag niya saking baby eh. Eeww.

"H-Ha? O sige. I promise. Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?" Tanong ko. Lumapit naman siya sa mukha ko at umatras naman ako.

"Kiss me, then." Sabi ni Jedrick na ikinagulat ko.

"H-Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Kiss me." Sabi niya at hinalikan ko naman siya sa pisnge niya. Ano ba yan. Nakakairita. Bakit hinde sa lips? Teka...Ano ba yang iniisip ko? Ewwww.

"Ok na yan." Sabi ko at nung tumingin ako sa kanya, Wew. Namumula yung pisnge.

"Jedrick, nagmumukha kang kamatis." Sabi ko at natauhan naman siya sa sinabi ko,

"A-Ah. Halika. Punta ulit tayo sa park. Gusto kong kumain ng Ice cream eh." Sabi ni Jedrick at hinila niya ako papunta sa kotse ko. Siya yung nagdrive papunta sa park.

*

Pagkadating namin sa park ay bumaba na ako at umupo sa isang bench.

"Flavor?" Tanong sakin ni Jedrick.

"Vanilla nalang sakin." Sabi ko at tumango naman siya at pumunta siya sa bilihan ng ice cream. May napansin akong bata kaya lumapit ako sa kanya.

JEDRICK POV

Pagkatapos kong bumili ng ice cream ay papunta na sana ako kay Jessa pero wala siya dun sa bench. Tumingin ako kahit saan at nakita ko di makalayuan si Jessa nakaluhod para maabot yung bata lara makausap siya. Lumapit ako para makinig sa pag-uusapan nila. Yung bata umiiyak.

"Bata, nasan mommy mo?" Tanong ni Jessa sa bata. Napangiti naman ako.

"N-Nawawala po ako eh." Sabi nung bata.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Jessa sa bata.

"Ken Cada po." Sabi nung bata. Teka, Cada? Anak ba siya si Maxben? Imposible naman.

"Hello. Ang Pangalan ko ay Jessa Mae Paerl Gentili. Tawagin mo nalang ako na Ate Jessa." Sabi ni Jessa sa bata. Haha.

"Hello po, Ate Jessa." Sabi nung bata habang nakangiti. Si Jessa naman natawa.

"Halika, hanapin na natin Mommy mo. Pasama tayo kay Kuya Jedrick." Sabi ni Jessa na ikinagulat ko. Ako?

"Sino pong Kuya Jedrick?" Tanong nung bata at napatingin naman ako sa ice cream. Wow. Hinde pa tunaw ah. Lumapit ako sa bata at binigay sa kanya yung Strawberry Ice Cream. Para sakin sana yun eh. Favorite ko Strawberries no!

"Ako si Kuya Jedrick. Pangalan ko ay Lian Jedrick Agustin." Sabi ko.

"Mag shota po ba kayo?"

The Hearthrob Fell Inlove With Little Miss TinderaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon