"oi mga panget kakain na"sabi
Ni casper,nasa may pintuan sya."Oh my gosh,ako? Panget?"sabi ni loraine.
"Oo kayo!"iniinis na naman ni casper si loraine. Akmang lalapitan para sampalin ni loraine si casper.pero hindi ito natuloy dahil kay hailey
"Tara na wag mo na yan pansinin iinisin ka nyan lalo"bulong ni hailey kay loraine.
"Tara na shane"yaya ni hailey kay shane.Nakahiga parin kasi sa kanyang kama si shane.
"Mamaya na hindi pa ako nagugutom"sabi ni shane habang nagseselpon.
"Grabe ka shei ha purket malakas ang signal tsk tsk"sabi ni loraine. Shei ang tawag nya kay shane.
"Uy mga panget sunod nalang kayo sa baba, na-O-OP ako sa inyo"sabi ni casper at umalis.
"Tara na nga kasi shei"hinila ni loraine si shei.
Biglang nawala ang itim sa mata ni shei at lumutang sya kaya't ang cellphone nya ay nahulog sa kanyang kama, nakakatakot ang kanyang itsura. Ang kanyang buhok ay nagsitaasan, ang kanyang kutis ay nagkaroon ng madaming dugo.
Biglang napalayo si loraine,"gosh anong nangyayari sayo shei,ah siguro pinagtitripan mo kami" sabi ni loraine at ngumiti.
"Asan na ba ang tali dyan sa likod mo"lumapit si loraine kay shei at hinawakan ang likod nito. Tinitignan nya kung may tali ba doon para palutangin si shane... Pero wala. Biglang napalingon ang nakakatakot na si shei kay loraine at sinakal. Nakaangat na ngayon si loraine dahil sinakal sya ng nakakatakot na shane."S-shane tama na yan ano ba ang nangyayari sayo"lumapit si hailey kay shane at pilit na tinatanggal ang pagkakasakal sa kanyang kaibigan na si loraine.
"Kaylangan nyang mamatay,sya ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal kong si Carmina"iba na ang boses ni shane, parang dalawa ang nagsasalita,parang babae at lalaki.
"Oo,kaya ako namatay dahil sa maarteng babaeng iyan"sabi pa ni shane.
Tumakbo si hailey pababa para tumawag ng tulong.
"Tulong!.. kiel!,casper!,lo- ay este leonora!.. sinasakal ni shane si loraine para syang nasasapian"si hailey.
Nasamid sila casper at kiel,nakain kasi sila.
"Pinagsasabi mo"sabi ni casper. "Ok lang un si shane ayaw kang kumain".
"Ayan na sya"bulong ng matanda. namilog ang mata nito.
"Sinong sya?"sabi ni kiel.
"Ang aking anak.. si leandro"sabi ng matanda.
"Pero sabi mo wala kang anak"sabi ni casper
"Gumalang ka naman saakin iho"sabi ng matanda.
"S-sige po"nagtatakang sabi ni casper
*Boogsh*
May narinig silang ingay sa itaas.Tumayo ang matanda."lola saan ka po pupunta"sabi ni casper
"Sa puntod ng anak ko at ng kasintahan nya , dadasalan ko sila baka sakaling tumigil sila"sabi ng matanda
Umalis na ang matanda at pumunta sa puntod.
"Teka susunod ako kay lola"sabi ni kiel at tumayo.
Si casper naman ay nanatili lang nakain.
"Ano kakain ka lang dyan?.. abay tulungan mo ako sa taas bwiset!"sabi ni hailey at tumakbo pataas.
"Uy teka!,eto naman"sabi ni casper , tumayo at sumunod kay hailey sa itaas.
-*~oOo~*-
Sa puntod...
Nasa may likod sila ng bahay,sa likod kasi inilibing ang anak ni leonora at ang kasintahan nito. Nakaluhod si leonora at si kiel habang nakapikit. Si leonora ay nagdadasal. Pagkatapos nya magdasal ay nagmulat siya at si kiel. Sinindihan ni leonora ang kandilang itim at May sinasabing hindi maintindihan ni kiel,parang latin spell.
Tumayo ang si leonora at si kiel."Hayaan lamang na nariyan iyang kandila na iyan,huwag na huwag nyong papakailaman"sabi ni leonora kay kiel.
"Sige po"tugon ni kiel.
"Sya tayo na sa silid ng mga babae"sabi ni leonora at nagsimulang maglakad papuntang bahay nya. Sumunod naman si kiel.
~0o0~
Sa kwarto ng mga babae...
Hindi nila magawang itali si shane dahil malakas ito. Si loraine naman ay nakasandal sa kabinet dahil hinagis sya ni shane, may dugo sa ulo nya.
"Ikaw!"turo ni shane kay casper"Ikaw si Victor ang kasintahan ng maarteng babae na si Lorie"sabi pa ni shane.
"N-nag kakamali ka, a-ako si c-casper hindi si victor"sabi ni casper. Nanginginig na ang mga tuhod nito.
Biglang pumasok si Leonora. Bigla namang umupo si shane.
"Anak"sabi ni leonora at umupo sa tabi ji shane. "Itigil mo na ito,hindi sila si Lorie at Victor"
Biglang nagbago ang expression ni shane,sinakal niya si leonora at lumutang sila.
"Anong hindi?!,hanggang ngayon ba naman ay si lorie pa rin ang kakampihan mo ha?!, Nay paano naman ako, paano naman kami ni Leandro"sabi ni shane.
Nagbago ulit ang expression ni shane.
Nabitawan nya si leonora."Ano ba Carmina anong nangyayari sa iyo at nagkakaganyan ka,sinabi na ng nanay na hindi pala sila si Victor at Lorie "sabi ni shane habang nakalingon sa kaliwa. Tila kinakausap ang sarili ngunit hindi dahil dalawa sila'ng kaluluwa na nasa loob ni shane. Tumayo si leonora at lumapit kayla Hailey.
"Anong hindi sila un,tignan mo ang pagmumukha nila!,kamukhang kamukha nila , leandro!"sabi ni shane at nakatingin naman sa kanan.
At bigla na lamang bumagsak sa higaan si shane,siguro ay wala na sa kanyang katawan sina leandro at carmina.
"Sa tingin ko ay wala na sa katawan ni shane si leandro at carmina. Hayaan na lang natin syang magpahinga"sabi ni leonora. "Ako na ang maggagamot kay loraine.. At hailey iha pagkatapos mong kumain ay tulungan mo akong gamutin si loraine, alam kong masakit ang ulo at katawan nya dahil sa pagkakahagis"
![](https://img.wattpad.com/cover/128431245-288-k717536.jpg)
YOU ARE READING
The Haunted
HorrorMaraming sikreto na hindi nila alam. Babala: magulo😅.. pero basahin nyo pa din. Ieedit ko naman yan soon, kapag may time ako