2

71 5 0
                                    


Jean's POV

Kasalukuyan ako ngayong naka upo sa bench habang naka tulala. Nandito ako ngayon sa rooftop. Bakit sya nandito? Bakit kung kailan okay na ang buhay ko saka sya mag papakita? Bakit may mga taong kung kelan mo kailangan saka sila mawawala? Tapos kung kelan okay kana at hindi mo na sila kailangan saka sila lilitaw at guguluhing muli ang iyong isipan?

Ang dami kong gustong itanong sakanya. Ano ang dahilan niya? Kung bakit niya ako iniwan? Kung bakit di niya ako kinontak? Bakit di sya nag paalam? Bakit sya nandito? Bakit nagpakita pa sya sakin?

"Talia..." speeking of devil. Lumingon ako sakanya ng walang emosyon. Hindi sya karapat dapat pakitaan ng anumang emosyon dahil wala syang kwenta.

"Wag mo na ulit akong tatawagin na 'Talia'." Tumayo ako at hinarap sya. "Elena ang pangalan ko at hindi Talia. Bakit ka nandito?" Double meaning ang gusto kong iparating sakanya. Malaman nya sana.

"P-pinapatawag ka ng CEO. Pero pwede ba tayong mag usap Tali-- Elena? Please." Sabi niya na may nag mamakaawang mata. Pero hinding hindi na ulit ako aasa at magtitiwala sa mga salita nya. Once is enough.

"Mauna na ako sa Office ng CEO. Sige bye." Umalis na ako pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Please mag usap tayo..." inalis ko ang kamay nya at humarap sa kanya.

"Marami pa akong gagawin. Di mo ba nakikita. Magiging busy ako. Kailangan ko ng pumunta sa CEO at baka mawalan pa ako ng trabaho." Yan ang last kong binigkas bago ako tumalikod. Kasabay ng pagtalikod ko ang pag balik ng mga memories at ang pag bagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sinungaling ka. Sabi mo di mo ako sasaktan. Di mo ako paiiyakin. Lahat ng mga pangako mo ay napako. Kaya hindi na ako nangangako dahil dyan. Because promises are meant to be broken.

《=《=Flashback 3 years ago《=

"Talia... Ano kasi..."

"Ano? Alam mo ang cute mo." Sabi sabay pisil ng mag kabila niyang pisngi. Para kasi syang bata na may gustong sabihin pero di niya masabi.

"Cute lang?" Nag tatampong saad nya.

"Syempre gwapo rin." Niyakap niya ako at niyakap ko rin sya pabalik.

"Pangako ko sayo, di kita paiiyakin. Di kita sasaktan."

~~~~~~~

"JEAN! ANO BA! TUMIGIL KA NA NGA KAIIYAK! WALA NA SIYA!!! INIWAN KA NA NIYA!!! KAYA PWEDE BANG TUMIGIL KA NA!!!" Sigaw saakin ni Bea.

"Hindi yan totoo Bea. Baka m-may mahalaga lang siyang pinuntahan at hindi na sya naka pag paalam." Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Bea at padabog na lumabas ng kwarto ko. Nag hintay ako ng 1 taong at kalahating buwan. Pero walang Kaiden na bumalik. Walang Kaiden na nag tumawag o maski nag txt..... Walang Kaiden....

=》Present Time

"Ouch!" Napaupo ako dahil sa lakas ng impack. Napatingin ako at nakita ko nanaman tong lalaking to. Well, sya lang naman yung naka bungguan ko kaninang umaga.

"Tsk." Yan lang ang sinabi nya at umalis na. Aba! Ang yabang ng lalaking to ah!

"Hoy! Mister! Hindi ka ba mag so-sorry?" Lumingon siya at para bang namamangha na ewan. Inalis niya ang shades niya kasabay ng pag-ihip ng hangin. Para tuloy nag slow motion na nasa commercial Napahanga ako sa kulay blue niyang mata. Ang ganda ng mga mata niya...

"No. Hindi ako mag so sorry because in the first place hindi ako ang tatanga tanga kundi ikaw. Second, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. At pangatlo, hindi ako nag so sorry dahil wala yan sa dictionary ko." Aba't ang yabang nito! Okay na sana. Gwapo na sana siya eh. Mala demonyo naman ang ugali!

What a CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon