11

63 4 0
                                    

Kieffer's POV

Nagka tinginan kami ni Kaiden dahil pareho kaming hindi makapaniwala sa nalaman. Ampon si Jhanna pero wala siyang alam? Masakit para sakanya ang katotohanang ito sa oras na malaman niya ito.

"P-paano na yan? Maaring mawala saatin si Jhanna sa oras na hindi siya masalinan ng dugo." Sabi ko habang nakatulala sa sahig na para bang masasagot nito ang katanungan ko. Napahagulgol sa iyak ang ina-inahan ni Jhanna.

"Maski kami mga hijo ay hindi alam ang gagawin. Hindi namin alam..." Tulala pero lumuluha na sagot ng ama-amahan ni Jhanna. Nakakaawa kaming tignan. Si Kaiden na nakasalampak sa sahig na tulala habang lumuluha at ang mag asawang humahagulgol sa iyak. At higit sa lahat, ako na hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit, basta ang alam ko dapat ay hindi mawala saakin si Jhanna. Hindi ko alam.

Ilang minuto kaming ganun hanggang sa tumayo ako na siyang ikinatingin nilang lahat saakin. Namumugto ang mata naming lahat pero alam kong hindi solusyon ang pag-iyak namin dito. Walang mangyayari kung mag iiyakan lang kami at hindi kikilos. Hindi naman patay si Jhanna. Buhay siya at hinding hindi ko hahayaan na mawala siya saamin... Saakin.

"S-saan k-ka pupunta?" Tanong sakin ni Kaiden. Tinignan ko siya sa mata.

"Kakausapin ko ang doctor. Baka may mga pasyente na ka-type ng dugo ni Jhanna." sabi ko lang at dire-diretso na naglakad papunta sa office ng doctor.

Dahil tulala at wala ako sa sarili di ko nakita ang tao na nakabunggo ko nung paliko na sana ako. Tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko. Magso-sorry na sana ako ng mapatigil ako ng makita ang lalaking nasa harapan ko. Malawak ang ngiti niya at agad akong niyakap.

"Inigo! Long time no see! Kamusta ka na?" Matamlay kong sabi kay Inigo. Ngumiti rin ako pero nasisigurado ko na hindi ito umabot sa mata ko. Nilingon niya ako at pinatitigang mabuti.

Inigo Jacinto. Walker's Secretary/Personal Guard. Walker and Lopez are long time friends. Kung hindi nga lang nawala ang prinsesa nila ay malamang ay engage na ako ngayon. Walker royal family or more like Mafia Sacred Royalties. Yep. They are mafia.

"Oo naman. I've always been fine. How about you dude? You look like a sh*t." He look at me as if I already lose my mind. Well, particularly yes. I already lost my mind.

"I'm not fine. Someone is in danger because of me." I said in a matter of fact. I look at him just to see his serious face. "Gotta go now dude. I still need to go somewhere. Somewhere that can save my... Secretary. Special secretary." I was about to walk away when he said something that makes me stop.

"Kieff, always remember that we are still searching for our princess." He said. I stood there for minutes before walking away. Tsk. Sana hindi na nila makita ang nag iisang prinsesa nila. Hinding hindi ako mag papakasal sa prinsesa nila. Kahit pa mamatay ako. Dahil iisa lang ang gusto kong pakasalan.

Jhanna....

Napahinto ako ng bigla ko syang maisip. Bakit nga ba? Di ba dapat ay si Pia ang una kong maiisip. Dahil simula't sapul siya naman ang mahal ko. Pero bakit si Jhanna? Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nag simukang tahakin muli ang daan papuntang opisina ng doctor. Nang makarating na ako sa office ng doctor ni Jhanna ay kumatok muna ako bago pumasok.

"Oh! Ikaw pala Mr.Lopez. Have a seat." Tumayo siya mula sa swivel chair at naupo sa sofa umupo naman ako sa sofa na kaharap ng kanya. "So, Mr.Lopez what brings you here?"

"I want to know if any patient in this hospital have the same blood of Ms. Pinto. I just want know." Tumango naman ito at saka tumayo. Pag upo niya ay may dala syang folder.

"I know that but look. Someone in here have a 99.9% of blood same as Ms.Pinto. Its unbelievable. Right?" Tinignan ko ang chart at oo nga. Totoo ang sinabi ng doctor.

"I want to know who this person is. I want to know if he will----"

"He will agree Mr. Lopez. I already talk to them yesterday Mr. Lopez. But he need a kidney transplant. So in exchange Ms.Pinto need to be a transplanter." He? Meaning its a boy? I don't know why, but for some reason I got irritated all of a sudden.

"He? May I know who HE is?" Pansin kong medyo nagulat ang doctor sa tono ng pananalita ko. But for some odd reason, he smile at me like he found something interesting. I was so eager to know who it was but I don't understand why.

"He is..."

Natulala ako at nag lakad palabas ng office ng doctor. Its not true right? I mean, its not like they have something right? I wish I didn't ask who it was. I wish I just say thank you. But... reality sucks. And now I know.

Third Person's POV
As much as Kieffer doesn't want Jhanna to be involved with that family the worser the condition of Jhanna will be. Kaya walang choice si Kaiden kundi makipag negotiate sa pamilyang iyon. Even the family of Jhanna agree to their condition. Kaya naman agad agad na isinagawa na ang proseso at dumating na nga ang araw na ooperahan na ng sabay ang dalawa.

Habang nasa labas ng operating room ay hindi mapakali si Kieffer. Uupo siya pero mamaya ay tatayo nanaman siya at mag lalakad ng pabalik balik. Siya at ang pamilya lang ni Jhanna ang nandon. Si Kaiden ay umalis upang asikasuhin ang kompanya dahil ng magtalo ang dalawa kung sino ang pupunta sa opisina ay natalo siya kaya naman heto si Kieffer at halos mahilo na ang mga magulang ni Jhanna dahil sa kanya. Ngunit napapangiti paminsan minsan ang mag asawa dahil sa sobrang pag aaalalang ibinibigay ni Kieffer para sa kanilang anak.

Ng lumabas ang doctor mula sa operating room ay nauna pang lumapit si Kieffer kesa sa mga magulang ni Jhanna. Bakas sa mukha nilang tatlo ang pangamba at takot sa mamaaaring sabihin ng doctor. Ngunit lahat sila ay nakahinga ng maluwag ng ngumiti ang doctor.

"Ayos na si Ms. Pinto. We will transfer her to recovery room at kapag nagising na siya ay itatransfer na namin siya sa kaniyang kwarto. No need to worry. Hihintayin nalang na mag kamalay siya." Ngumiting muli ang doctor at magalang na yumuko bago umalis.

Napaupo si Kieffer sa sahig dahil sa sobrang takot na naramdaman niya kanina. Napangiti siya at di kalaunay nauwi sa malakas na tawa. Napailing nalang siya habang naka ngiti parin. Iniisip niya na nababaliw na sya. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari sa kanya. Sobra syang kinakabahan na halos mamatay na sya sa sobrang nerbyos. Isipin palang na mawawala si Jhanna sa kanya ay parang ikahihibang niya. Baka mabaliw siya sa oras na sumama pa ang lagay ni Jhanna. Iniisip niya na baka dahil lang iyon sa konsensya. Tumayo sya at tinawagan ang pinsan niya.

"Kamusta si Jhanna? Kamusta ang operasyon? Okay lang ba si Jhanna? Anong sabi ng doctor? What happened Kieffer?! Dammit why don't you talk Kieffer?! I'm damn worried in here couz! It's not funny—" Yan agad ang salubong sakanya ni Kaiden.

"She's fine." Putol niya sa iba pang sasabihin ni Kaiden. Narinig niya ang pag buntong hininga ni Kaiden na para bang nakahinga na ito ng maluwag. "And how can I answer your goddamn questions if you keep talking and wont even let me—"

"Thanks for the info"

"Yeah. Yeah. Thanks my ass— h-hello? Kaiden? You fucker!" Inis niyang pinatay ang cellphone dahil binabaan siya ng telepono habang nag sasalita pa siya. Pero muli siyang napangiti ng maalala na malapit ng maging maayos ang lagay ni Jhanna. Nakangiti parin siya habang nasa elevator. Minsan ay napapatawa sya ng mahina kaya napapalingon sakanya ang mga kasama niya sa elevator. Ng magisa nalang sya ay napaisip siya na dapat ay bumawi sya kay Jhanna.

Napangiti syang muli dahil sa naisip niya.





Thats all for this chippie. Sorry if medyo matagal ako bago nag ud.  Busy po kasi si Author sa school. Anyway, ano kaya yung naisip ni Kieffer?😉

What a CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon