Chapter Six

40 3 0
                                    

Kiko's Point of View

Ang laking kalokohan nung ginawa ko. Kinakabahan kasi ako ba ang dapat iarte ko sa harap niya? Alam ko na mali yon pero hindi ko napigilan.

She's my first Crush.

My first friend.

And my first heartbreak.

Ba naman.

Ang ganda-ganda. Check!

Mayaman. Check!

Matalino. Check!

Mabait. Check!

Perfect in my eyes. Alam ko namang pinag-sakluban ng langit at lupa ang itsura ko. Pero... Pero para i-reject niya ako? Syempre, kasama na sa buhay ko (palagi) na...

First heartbreak.

Ang landi ko! Grade Three pa lang na-broken na ako agad

Back to the topic.

I kissed her. A passionate Kiss. Short but true. I give her that. Tapos akala ko okay na kami.

"Pak!"

She slapped me.

The usual reaction of a person who had been slapped is to run away, and that's what I did. Ikaw ba naman halikan mo ang kapwa mo babae. Malamang sa malamang sasampalin ka nga non.

------------------------------------

Fine. Ako ang may kasalanan. Then I should say my sorry. Yeah. Ganon nga. Tapos kakalimutan ko na lang na walang nangyari. Yes. Back to normal.

"Pre, pwedeng humingi ng pabor?" Kailangang gumana ng puppy eyes ko

"Depende. Wala akong pera ha?"

" Alam ko -.- iba to."

"Alam mo, kung iniisip mo na hihingi ka lang ng sorry sa kanya. Screw that." At tinuktukan ako ng lapis.

"Eh anong gagawin ko? Hindi na ako aasa na makikipag-usap pa siya sakin"

"Aba, kausapin mo. Unang-una sa lahat, siya lang halos ang may malaking tyansa na mai-inlove sayo. Knowing na lesbian siya. You should not hold back Miss Dela Torre"

"Tulungan mo na kasi ako Bobby."

"Paano kita matutulungan? Sige nga? Akala ko ba bestfriends tayo? Yun pala ang dami mo pang nililihim sakin" at umaktong naiiyak na. Syempre biro lang yon

"Kasi hindi mo ako tinatanong"

"O ngayon Mister, este Miss Kiko Dela Torre, baka pwedeng magkwento ka na?"

Eh papasaan pa ba at malalaman rin naman niya.

"Okay ganito kasi yan, Childhood Bestfriend ko yann si Janica. Simula pagkabata hanggang sa lumaki kami, talagang magkasama kami, until our 3rd grade. Umamin ako na gusto ko siya. Tapos nun, iniwan na lang niya ako. Sabi ng mga kapitbahay namin nadestino daw ulit sa Europe yung daddy niyang Canadian, kaya lahat sila nag-migrate na. Yun. Yun ang kwento"

"Oh tapos?"

"Ay wait! Bakit ganon? Parang may mali?ano'ng next subject natin?!"

Taking it Reverse ( GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon