Kiko's Point of View
The Next Day
63Days Left.
Kahit antok na antok ako ay gumising ako ng maaga para sa school. Hinanap ko agad Ang Timer Key Chain ko para Tignan kung ilan na lang ang Nakalagay...
63Days
13hours
7Minutes
Hayyyy...
Ang dami ko nang hindi napapansin sa topic simula nang maging babae ako. May pailan-ilan akong na-miss na subject at mga mababang mga grades. ayos lang, malapit na naman ang bakasyon kaya hindi ko sila ikakabagsak :P
Nagtungo ako sa CR at naghanda ng malamig na pagpaligo. Yes. Malamig, Hardcore ako e
++++++++++++++++++++++++++++++++
School
*Yawn* ahhhhaaayyyyy... Ang aga aga ko ata masyado. Konti pa lang ang tao. Ewan ko ba. Napag-isip isip ko na wala akong balak maging babae forever kaya kailangan ko nang kumilos habang hindi pa huli ang lahat.
Dumiretso ako sa Oval at doon luminga-linga. Hindi ko makita ang nais masipat ng aking mga mata. Asan kaya siya?
6am pa lang kasi ng umaga. Wala pa siguro talaga yon.
Sayang Effort eh 10am pa ang pasok ko T^T
"Who's with you?" Tanong niya habang nagpupusod ng Buhok
"Ahhhh--- Wala"
Ang galing galing mo talagang Manggulat Miss McELroy! Kung saan saan na lang bigla susulpot to eh. May Lahi atang Kabute -.-
"Can you join me for breakfast? "
Tumpak! Eto ang hinihintay ko syempre pa-chix muna dapat. Ang Obvious ko naman kase masyado.
"Tara."
Tumayo ako sa pagkaka-indian sit ko at sinundan siya.
"What brought you here Miss dela Torre?"
"Ahm... May balak kasi akong mag-tryout"
"Di'ba you're a player from our Basketball Team na?"
Nagtataka man ay sinagot ko siya.
"Yes."
Hindi na siya nag tanong pa. Nakarating kami sa Canteen at umorder siya ng makakain.
" You kinda lose weight, you should try this one. It's one of their popular Meals here." And hand me two Ceasar salad and Burrito saka Mango Juice.
"Ang dami naman nito. Di ko kayang ubusin to"
Nginitian lang niya ako at nagsimula na sa pagkain. Kakaiba talaga siya sa kahit sinong babae. Yung Tipong, maganda na nga pero misteryosa. Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, masasabi ko na talagang ang laki ng ipinagbago niya. Yung dating madaldal at maitim na Bata, ngayon tahimik at maputi na. Hindi pa rin malinaw sa'kin kung bakit hindi niya ako natatandaan. Kung sa bagay, Mga bata pa naman kami nung Mga panahon na yon. Kalimot na Pala niya ako. Naputol ang pag-iisip ko nang tapikin niya ako ng bahagya sa balikat
"We'd better get going" at hinila ako sa kaliwang kamay.
Hindi ko pa man tapos ubusin ang kinakain ko, pero dahil sa tila nagmamadali siya ay tumayo na rin ako. Naglakad lang kami hanggang sa makapunta kami sa Oval.
"Wait me here."
"Okay"
Tumakbo siya papunta sa CR, ako naman ay naghihintay dito sa bench sa pathway.
"I want you to have this"
Hingal na hingal man ay tumayo siya sa harapan ko at iniabot sa akin ang Isang naka gift wrapped na kasing laki ng notebook. Sobrang natuwa talaga ako kung ano man ang nasa loob nito hahahaha!! Nang akmang bubuksan ko na ay pinigilan niya ang mga kamay ko.
"Open it when you got home. Please???" At nagpakawala ng NAPAKA-CUTE NA PUPPY EYES. Who can't resist? Well! Not me
Magkalapit ang mga mukha namin at naamoy ko ang hininga niya. Mabango pa rin katulad ng dati. Parang nag-gargle siya ng mouthwash sa bango samantalang ako nakakahiya, kumain ako ng kung ano-ano err. Naputol ang moment namin ng tawagin siya ng team mate niya...
"McELroy! Captain's Office, now!" Sigaw ng babaeng half tan and kulay at mukhang may ibang lahi rin.
Tumingin siya rito at sumenyas, "Be there in a sec" at ibinalik muli ang pagkakatingin sakin. "See yah" at hinawakan ang pisngi ko.
Tumakbo na siya bago pa man ako makasagot at nilapitan niya ang babaeng tumawag sa kanya, I saw the other girl kissed her in the Cheeks, arrrgg! Smack lang yun pero grabe! Ang landi lang! Tsk tsk tsk
Naiwan akong naka-nga nga sa bilis ng pangyayari. Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa kay Janica, Mas mahihirapan na akong makabalik sa pagiging lalaki ko at mukhang basted na yata ako T^T ni hindi pa nga nakakaporma :(
BINABASA MO ANG
Taking it Reverse ( GirlxGirl)
Science FictionAn average guy dreams of becoming a Hot, handsome and 'IT' guy all his life,but destiny isn't for him. Until One day, He met a strange woman asking for a pencil. As an exchange, The Old Woman asks him ANY wish using her Reverse Book. Without Any hes...