Chapter Seven

30 2 0
                                    

Kiko's Point of View

64Days Left

Around 6:45 na rin nang umuwi si Janica, kaya dali-dali akong bumalik sa Tabing Ilog.

Manang?

Lola?

Tita?

Magic Fairy?

Black Lady?

Grandma?

Lola!! Bakit ba ayaw mo magpakita kung kailan kailangan kita?

7:05...

7:19...

"5minutes pa. Lalabas din si Lola."

7minutes...

"3minutes pa Kiko, magpapakita rin yan"

12minutes...

"Hayyyyy.."

Wala na akong nagawa kundi ang magpakawala ng isang buntong hininga Wala. Naghintay ako sa wala Naghintay ako na lumitaw ang tao o lamang lupa na mukha namang walang balak lumabas. Naglakad na ako pauwi. Masakit ang mga binti ko, ang Balakang ko, Balikat ko, pati ang Ulo ko. Kailangan ko na lang sigurong magpahinga

Nakarating na ako sa bahay around 8pm. The usual. Nanonood sila ng TV.

"Kiko bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Bati sakin ni Mama pagpasok ko ng Bahay.

"Busog po ako Ma, akyat na ako"

Gutom na gutom talaga ako ngayon pero wala akong gana sa sobrang pagod.

Inihagis ko na kung saang lupalop ng kwarto ko ang Bag ko, at tumalon sa kama.

"Ahhhhh... Bakit ako pa." Habang nakatingin sa ceiling Fan sa itaas.

Bakit ako pa yung may ganitong problema. Ang dami-dami kong tanong kay Lola.

"Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha mo dyan?"

"Ay Kabayong tatlo ang hinlilit!" . Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang boses na 'yon.

"Lola ano ba! Nakakagulat ka ha!"

"Wag ka nga. Di'ba hinahanap mo'ko? Mukhang ayaw mo naman akong makita, kaya aalis na ako."

Nag-drama pa.tssss

"Teka La, ang dami ko kasing tanong sa inyo. Saka bakit ba ang hirap niyong hanapin."

Talaga naman. Walong araw na akong pabalik-balik sa tabing Ilog pero ni kulangot niya wala akong nakita. Hinatak niya ang Swivel Chair ko at binigyan ito ng ookupa rito.

" Ano bang gusto mong malaman?"

"La, bakit parang walang nagbago? Bakit ako pa rin si Kiko Dela Torre ng Maritime? Bakit kilala ako nila Mama at Papa kahit babae na ako? Bakit ka--"

"Hep! Hep! Isa-isa lang. Mahina ang kalaban."

Patience Kiko, matanda ang kausap mo...

Taking it Reverse ( GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon