Gusto kita pero... (One Shot Story)

58.3K 2.1K 807
                                    

Kung naghintay ka lang at kung naisip ko lang na naghihintay ka.

Kung binagalan mo lang at kung binilisan ko lang.

Kung naglakad ka lang at kung tumakbo lang ako.

 

Iba kaya magiging sitwasyon natin ngayon?

 

**

"Huy Louie! Sigurado ka ba sa gagawin mo?!" 

"Pupuntahan ko ba kung hindi? Mga G*go!"

 Hindi ko na maintindihan ang pinagbabasa kong novel dahil sa ingay nila. Pero hindi lang dahil sa ingay na gawa ng bibig nila kundi sa ingay ng puso ko.  Andito na naman kasi sya. Ang lalaking dahilan kung bakit ako pabalik balik sa tambayan na ito.

Gusto ko lang naman marinig ang baritonong boses nya. Gusto ko lang sya masilayan araw araw. Kaya ito ako, naging ugali na ang pagpunta dito. Dito na nga ako minsan nag-aaral o kaya nagpapahinga twing break. Nakakapawi kasi sya ng pagod at stress eh ^__^V

Yaan nyo na ako, sa loob ng 4 na taong pagtingin ko mula sa malayo... masaya na ako. Marami din akong nalalaman tungkol sa kanya sa loob ng apat na taon na yun. Pero ang kaisa isang tanong ko na hanggang ngayon ay di ko alam ang sagot eh kung bakit allowed syang mag-civilian.

Sa University na ito, allowed lang mag civilan pag wash day pero pag hindi, dapat naka uniform ang lahat maliban sa mga estudyanteng parte ng Varsity, Dance Troupe, mapiling Student Assistants, at kung ang status mo ay married. Kaya hindi ko alam kung san sya kabilang dyan at allowed syang mag civilian?

"Excuse me Miss," Naging estatwa ako sa kinauupuan ko nang makita ang isang pares ng rubber shoes sa harap ko. Alam na alam ko kung kanino to eh. "Ikaw si Sheena dba?" May nagpaputok lang ata ng fireworks sa loob ng dibdib ko at sa sobrang lakas, nabibingi na ako.

"A--ah, oo." Tumingala ako para makita ang mukha nya. Hindi ito nakasimangot, ni hindi nakangiti. Neutral lang ang expression ng mukha nya.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?" Kinabahan ako sa tanong nya. Mag uusap kami? Para saan? Andaming pumasok na mga tanong sa isipan ko nang biglang syang magsalita ulit. "Please? I really need to talk to you." Ang pagsusumamo nya ata ang nakapaOO sakin sa hinilingin nya. 

Iniwan ko muna ang mga gamit ko. Wala namang magnanakaw dito at madalas ko na din yang magawa kaya walang problema.

Nasa likod lang nya ako habang nakasunod. Para nga akong buntot eh. 

Kinabahan ulit ako nang maalala ang itsura nya kanina. Kitang kita ko sa mata nya may gusto talaga syang sabihin sa akin. Pero ano? Ito kaya ang unang pag uusap namin. 

Una? Hindi kaya ... ? 

Gusto ko mang ngumiti sa naiisip ko pero pinigilan ko na. Baka masaktan lang ako sa pag-asang sasabihin nya na pareho kami ng nararamdam para sa isa't isa. Pinaalala lang naman ulit ng utak ko na may kasintahan na sya... at dapat noon pa, itinigil ko na ang kabaliwan ko sa kanya.

Gusto kita pero... (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon