Prologue

64 3 0
                                    

This story is dedicated to my dear loka-lokang best friend Vazhti_Hong. Heyow biatch, I already have an advance birthday present for you! 💕

I hope you’ll all like it! Thank you in advance, guys and I’m sorry for adding an another on-going story.

_________ × 🌸 × ________

CRUMPLED PAPER: PROLOGUE

I.

SEUNGJI

“Ji,” Isang napakahina at marahan na tapik ang aking naramdaman na dumampi sa kanang balikat ko na tila paralisado na’t hindi na makagalawa pa dahil sa sobrang pangangawit nito. Ito rin ang naging dahilan ng unti-unting pagbalik ko sa reyalidad at paglalaho ng panaginip ko.

I somnolently opened my eyes as a tired yawn escaped from my lips.

“Tanghali na ba? Nandyan na ba si Tita?” Sunod-sunod ko kaagad na tanong nang tuluyan na akong makabalik sa wisyo’t magising ang diwa ko. Nang tumunghay ako at tumingin sa taong gumising sa akin ay mabilis akong dinapuan ng pagtataka at kaba nang makita ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya.

“Maaga pa at wala pa si Tita pero. . . Seungji, gising na siya.” Teka. Sino? Sino sa kanila?!

Ngunit hindi ko na nasabi pa o naitanong ang mga katanungan na ‘to dahil sa labis na pagkagulat at kaatatan na nananalaytay ngayon sa katawan ko.

Mabilis na namilog ang mga mata ko at kusa na ring tumayo ang katawan ko mula sa pagkakaupo bago iika-ika pang nagtungo sa isa sa mga kamang kasalukuyang nasa harapan namin upang ako na mismo ang tumuklas kung sino sa kanila ang nagkaroon na ng malay sa isang araw nilang pagkatulog.

Napakalakas at bilis ng pagpintig ng puso ko habang tinititigan ko ang dalawang tao nakahiga at laman ngayon ng kama. Ang isa’y mahahalata mo talagang kritikal o nasa panganib ang kondisyon at ang isa nama’y puro sugat, bali, saka gasgas lamang sa kanyang katawan ang natamo.

“H–hey. . .” Bahagya akong napapitlag nang marinig ko ang isang garagal at malalim na boses mula sa isa sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko na namataan ang kanyang mga nakamulat na matang mistula bang naguguluhan at nangangamba sa mga nangyayari, doon na rin kumalma ang puso ko’t dismayado na lamang na napabuntong-hininga nang malaman na siya pala ang nagising subalit sa kabila ng aking pagkadismaya ay agad naman akong nagpunta sa tabi niya.

“Tumawag ka na ba ng doktor, Soonyoung?” Aligaga kong tanong kay Soonyoung na ngayo’y pinupukulan ng matatalim na tingin ang lalaking kababalik lamang mula sa kanyang mahabang panaginip.

“Yeah,” Tanging pagdadabog at pagkairita lamang ang mararamdaman mo sa boses ni Soonyoung nang sagutin niya ako. “Tulog na tulog ka kasi kanina kaya hindi na muna kita ginising nang magpunta sila rito.” Ani pa niya atsaka iniiwas na sa lalaki ang kanyang mga mata.

Tumango-tango na lamang ako bago ibalik ang aking atensyon sa kanya.

“Whe– where am I?” Paos na paos ang kanyang boses na halos parang bulong na lamang ang kanyang mga binitawan na salita. Kaagad na nangunot ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay ko sa isa’t isa dahil sa katanungan niya.

Crumpled Papers: Supersede (Seventeen Joshua)Where stories live. Discover now