ONE MISTAKE

15 1 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang away namin ni Hades. At sa loob ng dalawang linggo wala akong ginawa kung hindi magmuk-mok sa kwarto ni Hera, ang anak ko----ang anak namin.

Kuhang kuhang niya ang mukha ng papa niya. Ang ganda ganda ng anak namin. Dalawang taon pa lang siya pero nakikita ko na magiging model ang anak ko. Sana ma appreciate ni Hades lahat ng ito.

Napatingin ako sa tiyan ko.

"Baby sana makuha mo rin ang mukha ni papa ah" napangiti ako sa aking naisip

"Demi sige na mamasyal ka na ako nalang ang magbabantay kay Hera" napalingon ako sa pinto at nakita si manang Lis na naka dungaw  at may hawak na gatas.

Si manang Lis at ako lang ang madalas dito sa bahay. Umuuwi lang naman si Hades kapag dumadating ang pamilya niya.

"Ahm! Sige po manang. Salamat po" Sabi ko sa kanya. Sabay halik sa pisngi niya

"Oh sya! Sige na. Ikaw talagang bata ka"

••••••••
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako dito sa bar....ang lugar kung saan dinala kami ng tadhana .

Parang bigla na lang pumasok sa isip ko na pumunta rito, para balikan ang mga ala alang... masakit at hindi maganda.

Simula ng nabuntis ako kay Hera hindi na ako bumalik pa rito.

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang pinagkaiba nito ngayon. Naglakad ako bahagya sa parte ng bar kung saan madilim at maingay. Wala akong balak uminom ngayon kaya umupo nalang ako, babalik rin naman agad ako.

"Demi?"tiningnan ko ang lalaking tumawag sa akin.

Hindi ko masyadong maaninag ang muka niya kaya lumapit ako ng kaunti.

" OMYGAHD! Ty ikaw na ba yan?"

Sh*t bumalik na pala siya bakit hindi ko alam.

"The one and only Tyrian Angelo Hernandez"sabi niya sa tonong nagmamalaki at unti unti akong niyakap.

"I miss you baby" ang mga salitang yun ang tuluyang nagpabigay sa aking mga luha at unti unting binabalikan ang nakaraan

"I miss you too"tugon ko at niyakap siya pabalik.

Sana siya nalang.

Akala ko kami na talaga nakalimutan kong madaya nga pa makipaglaro ang tadhana...

Ako ang unang bumitaw sa yakap naming dalawa at inaya siyang umupo.

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Tila nawala ang ang ingay na nakapalibot sa amin.

"Im sorry" pagsisimula niya at umayos ng upo.

Tiningnan ko ang ekspresyon ng kaniyang malamlam na mata~~seryoso ito.

"Bakit nag ka ganito tayo?" Umiwas ako ng tingin at yumuko.

Hindi ko rin alam kung bakit napunta kami sa isang komplikadong sitwasyon.

"Demi alam mong mahal na mahal kita" huminga muna ito ng malalim bago ulit nagsalita at tumingin sa mga mata ko this time hindi na ako umiwas.

"Baby Im sorry for leaving you alam kong may pagkakamali rin ako, baby Im sorry" ang mga salitang iyon ay sapat na para muling bumuhos ang aking luha.

Masakit na nakikita ko siyang nahihirapan pero mas masakit na ako ang dahilan.

"Alam mo na ang lahat?" Tanong ko kahit halata naman.

"Im sorry Ty I disappointed you. Believe me hindi ko ginusto ang ng lahat ito Im so sorry Ty , iba na kasi ang sitwadyon ngayon " mahina kong sabi.

"No baby dont blame yourself parehas lang tayong may kasalanan"tugon niya naman agad.

Kaya mahal na mahal ko itong lalaking to ~~ dati.

Sana maibalik ang panahon na masaya kami habang bumubuo ng pangarap.

Pero hanggang SANA na lang ang lahat.

"So paano mo nalaman? Dahil ba narinig mo rin ang balitang isa akong p*ta?" sabi ko sa mahinahong tono.

HOLYF*CK mahinahon yun.

"Hindi ka p*ta baby nilinis ko na ang pangalan mo." Sabi niya sa tonong medyo iritado.

Pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko.

"Kanino mo nalaman ang LAHAT?" Pinagdiinan ko talaga ang LAHAT.

"Well may tainga ang lupa may pak pak ang balita" sagot niya sa tanong ko at mahinang natawa.

Sino naman kayang anak ni ursula nagpakalat? Leche siya. Gusto ko pa naman sana na kapag nagkita kami ni Ty ay magandang balita ang ihahatid ko sa kanya. Dahil sa loob ng limang taon ngayon lang ulit kami nagkita. God knows how much i miss him.

"I miss you Ty." wala sa sarili kong sabi.


"I miss you too baby ko" tugon niya at saka lumipat ng upuan at muling niyakap ako.

Kung lambingin niya ako ay parang wala akong asawa.

Kung sa bagay si Hades nga lantaran pa.

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang mag vibrate.

'Ija umuwi ka na dadating daw sila mr. and mrs. De Silva' text ni manang Lis.

Tiningnan ko ang oras at saka huniwalay ng yakap kay Ty.

" Im sorry Ty kailangan ko munang umuwi." At inabot sa kanya ang kard na may laman na number ko.

"Tawagan mo lang ako kapag gusto mo ng kausap" at hinalikan siya sa pisngi. At nagmamadaling tumakbo.

Shet! Bakit ko ginawa yun?  aish! Ang cute kasi eh!

Bwiset may anak na ko lahat lahat nag lalandi pa rin ako.

Akmang lalabas na ako ng pintuan ng biglang may humatak sa akin

"AAHH" sigaw ko at nagpupumiglas sa hawak niya.

"Stay away from him Demi. Ayokong nakikita kita kang nakikipaglandian naiintindihan mo?"- Ani ng boses na kilalang kilala ko

"Hades..."

A MistakeWhere stories live. Discover now