The New Junior

42 3 0
                                    

KENNETH'S POV

Sunday na pala ngayon. Ngayon daw ako ipapatransfer nila Kuya sa bago kong school. Andami ko na kasing major cases dun sa dati kong school kaya pinagpasiyahan nila akong ilipat sa ibang school.

Mamimiss ko yung mga kabarkada ko dun, syempre mamimiss ko din yung mga kabugbugan ko doon noh. Pero kung tatanungin niyo kung may girlfriend ako. Ahmmm ex oo meron pero di ko siya mamimiiss kasi naman ang dami niyang nilalandi. Kahit ilang beses niyang sabihin na mahal niya ako di na ako maniniwala.

Andito na ako ngayon sa bago kong school. Kausap ni Kuya yung administrator.

" Psst. Neth halika, you need to fill up this form." Tawag sakin ni Kuya.

Edi eto na nga nagsusulat na ako. Ang daming forms ah. Tinatamad

pa naman ako magsulat hayss.

"Mr. Mendez, halika po kayo sumama po kayo sakin. Itotour kopo kayo sa buong campus." Sabi nung tour guide. Nakakapag

   taka lang ang, nasan na kaya si Kuya?

"Pssst" Sabi ng tao sa likod ko, lumingon ako

tas si Kuya ang nakita ko. Kuya sumama ka na samin sabi ko sakanya.

Pero tumawa lang siya. "Hintay nalang ako dito sa gate ahh." Sambit niya. Tsss kuya talaga kahit kelan oh napakakj.

Wow! ang ganda pala dito sa school nato hahaha sana may

  makabugbugan ulit ako pabirong sabi ko sa tourguide.

"Bawal po yan dito Mr. Mendez, kundi baka po maexpell kayo

sa school nato" Sabi nung tourguide.

Haha sus yun lang pala, kaya di ko na siya sinagot. Habang nag iikot kami may nadaananan kaming bulletin board. Makikita dun

   sa bulletin board ang mga mukha ng estudyante per section at year.

  Kaya naman tinignan ko yung mga mukha ng mga magiging

kabatch ko.  Kaso di ko na nakita lahat kase tinawag nako ng kuya ko.

Nakauwi na kami dito sa bahay, tas napaisip ako. Nako monday na nga pala bukas, magsisimula na naman pasukan.

Hay katamad.

Makatulog na nga ng maaga.

When You Hold My HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon