Present Time (3)

491 23 22
                                    

Chapter 3
"His presence"


"Good morning, Manong!" masayang bati ko sa security guard ng institution na pinagtuturuan ko. Pa-tatlong taon na akong nagtuturo dito sa St. Anne University at ang tinuturo ko dito ay Creative Writing for Grade 12 students.


Ngumiti naman si Manong guard at sinaluduhan naman ako, "Good morning din po, Ma'am!" I casually tapped my id and proceed to the faculty room. It was only 7 o'clock in the morning, and the teachers are busy in grooming their selves.


"Ayan pala si Katie!" Announce naman ni Olivia– ang best friend ko pamula college at kasamahan ko sa PLPH. Ngumiti naman ako sa kanya at umupo na ako sa table ko.


"Congrats nga pala sa book mo!" She happily exclaimed and she show to me a copy of my third published book. Tumawa naman ako nang bahagya at umiling.


"Pwedeng pa-sign?" Innocently she asked, looking like a 6 year old kid who wants to buy a candy to her mom. I gradually grab her copy of my story to sign it.


As I grabbed my pen from my colored purple tin pen holder that is placed on my table, "Siya nga pala, bakit wala ka kahapon? Hindi tuloy masyadong masaya kahapon sa after-party!" I asked as my lips pouted.


She gave me an apologetic smile as her left hand was placed on her neck, "A-Ano... Kailangan ko kasi tapusin itong lesson plan. Alam mo naman, palaging cram."


I rolled my eyes as I finished on signing her copy, "Ayan kasi, wag masyadong manood ng mga Netflix shows habang nanggagawa!" Sabi ko sa kanya habang binalik na ulit sa kanya ang book. 


"You can't blame me, you know that watching Lucifer is my escapade from this shitty society." Seryosong sabi niya sa akin habang kinukuha na niya ang kanyang kopya. Napabugtong hininga na lang ako sa kanyang sinabi and I can't blame her, the more we stay here... the more we sense the corrupted system in this school.


Sasagot pa sana ako sa kanya, nang biglang nag-ring ang bell ng school. Hudyat ng kailangan na naming lumabas at samahan ang mga estudyante dito para sa Flag Ceremony. I was about to leave the faculty room, when I received another text coming from Vhaldwin. Oo sinave ko ang number niya dahil siya nga ang anak ng may-ari ng mga books na pinublish nila.



From: Vhalds
You're already there?



Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Ano na naman ang kailangan niya sa akin? Tsk. I rolled my eyes at nagpatuloy sa paglalakad. 


Natawa naman si Olivia sa akin, "Girl... ba't ka naman nagagalit diyan? Wala pa namang pasaway na estudyante ang nang-aasar pa sayo."


Hindi na lang ako umimik, at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Tumawa na lang siya sa akin at inakbayan ako habang papunta na rin sa Gymnasium.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hug Series: Just One Hug (revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon