Chapter Nine

33 0 0
                                    

The day after..

Pagkatapos ng rosary. Yumuko ako sa desk ko. Tapos umusod ako kay Anne.

"Pinagtatawanan ka ni Xandre oh" tumawa rin siya.

Napaisip ako kung bakit. Yun pala, akala niya nahihiya ako kasi yung kahapon nga. E hindi naman e. Sobrang antok ako. Pero nahiya rin ako kaya kay Anne lang ako nakaharap.

"Bat pareho kayong nakaharap sakin" tumawa.

"Ha? Naka harap si Xandre?" tanong ko ng mahina.

"Oo" tumingngin ako ng onte. Nakaharap nga tas nakatakip yung bibig nya ng dalawang kamay. Nangingiti. Kinilig ako. Di ko alam kung bakit. 

Time na ng Filipino, manunuod na ng Noli Me Tangere. Himala di siya umalis sa pwesto nya. Dati kasi ganun e. Pupunta siya sa gitna tas uupo sa lapag. Di kasi niya makita. Pero ngayon talaga hindi.  Loko naman tong si Joseph, nasa lapag siya malapit sa row namin.

"Pao" tumingin ako 

"Patawag nga si Xandre" Sumunod naman ako. Tumingin ako kay Xandre.

"Xandre" tumingin siya. Parang gusto niyang umiwas pero nahuli ko na yung mata niya. Nagkatitigan kami. Feeling ko napatagal, parang huminto yung oras at pag ikot ng mundo? Ok ang OA ko. Tas tinaas niya kilay niya. Inalis ko na yung tingin ko.

"Tawag ka." Tinuro ko si Joseph. Pero di siya pinansin neto. 

Lumabas tuloy na niloloko ko. Tss. Pero ang ganda pala ng mata niya. Brown pala. Di ko kasi masyadong napansin. Nung time lang na yon talaga.

Pagkatapos non recess na. Tinawag ni Tom lahat ng lalaki. Ang hindi lang kasali si Jun saka Xandre. Pero malapit sila. Tas hanggang sa narinig ko na lang na sinigaw nila yung pangalan ni Ian tas sabay'sabay nilang tinaas yung kamay.

"Oh bukas ah!" Sigaw ni Tom.

'Bukas? Anong meron bukas?' tanong ko sa sarili ko. 'hala! Fieldtrip! Baka may kababalaghang gawin tong mga to ah?' Pero hinde, hindi ako magffeeling. Tinanong ko kay Terence kung ano pinagusapan nila. Ayaw sabihin. Tinanong ko kay Chris kung ano yon. Wag na lang daw ako maingay. May surpresa daw si Ian sakin bukas. Kingineng yan. Ayako! Ano gagawain ko? Eto namang si Lia sabi si Xandre din daw. Tas pinakwento ko kay Lia kay Xandre yung plano ni Ian.

Kinausap ko si Raine nung uwian.

"Raine" sinabi ko sa malungkot na tono.

"oh Pao?, ano problema mo?"

"Sabi nila may surprise raw si Ian saka Xandre sakin bukas? Ano gagawin kooo? Ayako kayaaa."

"Wag kang mag expect." seryoso niyang sinabi. "Baka mamaya joke lang yun." tumawa siya.

"Sana nga. Ayako kaya?"

biglang sinigaw ni Raine kila Kate na "Oy! Ang haba pala ng hair neto?"

"Oo! Nako! Sobra! Kung alam mo lang! Pinag aagawan yan!" binatukan ako ni Raine.

"Aray?" habang hawak ko yung binatukan niya.

"Sorry! Ingget e? Haba kasi ng hair. Buti ka pa!" tas kiniss ako. 

"Magtigil ka nga."

Xandre's POV

Kinausap ako ni Lia pati Kate. Tungkol kay Pao. 

"Xandre. May plano si Ian para kay Pao bukas. Ano balak mo?" Di ako makaimik. Di ko alam. Parang alam ko ayaw naman ni Pao dun. Sabi pa nila Chris 'epal' daw tawag niya don. "Bahala ka pag naunahan ka. Pagsisisihan mo Babe! Kung ako sayo.. Di nako magpapakatorpe. Kikilos nako! Bahala ka talaga." niyugyog ako ni Kate.

"Oo na! Wala namang kwenta yon. Epal lang." tumawa si Lia. 

"Bahala ka na nga. Goodluck sayo."

"Ge." umalis sila

Pano to? Manliligaw ata si Ian kay Pao. Ano gagawin ko? Kahit na ba alam kong hindi niya sagutin yon dapat may gawin ako. Kaya lang di ko alam talaga? Wala naman akong experience pa sa mga gantong bagay e. Sa bagay. Si Ian din naman.. Pano na to? Ang OA naman kasi ng mga kaibigan namin. Sabihin wag magpakatorpe. Malay ko ba kung ano gagawin ko? Haayy. Bahala na nga. 

Pao's POV

Pumunta kami ni Riza sa SM para bumili ng baon. Kasama sila Tom, Miguel at Ian. Di ko pinapansin si Ian. Nakakapagtaka na sumama pa siya kung wala naman siyang bibilin. Nakabili na pala siya ng baon e. Sa bagay ako din, kaya lang parang kulang kasi yung pagkaen. Tas nagpunta kami ng blue magic. Bibili raw ng panregalo si Tom para sa girlfriend niya. Nung nandun na kame.. Pinagantay lang kami sa labas? Tas pumasok kami. Tas may binulong si Tom kay Riza. Nakahalata nako. Tas tinanong niya kung ok na ba yung stufftoy na hawak niya. Tas tinanong din ako. Sabi ko hindi. Bakit raw. Tas nakangiti akong umiiling. Tas lumabas na kami ni Riza. Sabi pa sakin anliit na raw ng bigay ni Tom sa gf niya. Dati raw malaki e. Wushuuu. Tas pagkalabas nila, biglang sabi ni Ian siya na raw yung nagbubuhat. Tas umuwi na kami. 3 kami ni Riza saka Ian. Sila lang yung naguusap. 

Tas nung pababa na si Ian.

"Bbye Pao" may tapik pa sa kamay ko.

"Ah, so sakin hindi ka magpapaalam?" pabirong sinabi ni Riza. Ngumiti lang si Ian. "Aba't hindi na talaga nagbbye?" tumawa ako. 

Naalala ko bigla yung mga dati naming pinaguusapan sa text. Naubusan kami ng topic kaya tinanong ko kung may naligawan na ba siya dati. May balak raw siya, kaya lang parang may iba na. Tinanong ko kung sino yung 'lucky girl' na yon. Secret daw muna.. Bawat araw humihingi ako ng clue. Nakwento ko kay Anne yon. Ako daw yon. -_- Ang last clue niya MATABA. E lagi niya kong inaasar? Kinabahan nako. Friday night.. Sabi niya 'may tatanong po ako sayo bukas' pinilit ko siya na sabihin na niya sa gabing yon. Tinanong niya kung sure raw ba ko. Nag dalawang isip ako, pero nag oo nako para mas mabilis na.. Bawat send niya isang word. 

May

Pag-asa

PO

Ba

Ako

Sayo?

=)

Mejo naluha ako kasi parang ang saket. Minahal ko to noon e. Tas sasaktan ko lang ngayon? Sinabi ko na lang na 'SORRY'. Ano raw ibig sabihin ko dun, sabi ko alam na niya. Sakit nun! </3 tas to make sure. Tinanong ko, 'so, ako pala si "lucky girl"?' opo raw. After kaya ng ilang days nung sinabi niya yon iniiwasan ko. Tas may time pa na palabas ako. Malapit siya sa pinto kasama si Chris. Bigla ako kinalabit, di ko pinansin kasi akala ko si Chris. Aasarin lang ako kay Ian. Yun pala.. Si Ian yung kumakalabit. Tas pag harap ko gulat ako.

"naiilang ka raw saken ah?" tanong niya na nanginginig.

"De ah" halatang fake answer yung tono. Haha. Lumabas nako.

Minahal kita noonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon