Chapter Fourteen

25 0 0
                                    

Kelangan pang bumalik ng school kase di pa tapos sa clearance. Tss. Anu ba yan tatlong subject palang napapapirmahan ko. Pinuntahan ko si Riza sa kanila. Walking distance lang kasi bahay ko sa kanila. Sabay kami pumunta ng school. Nagkkwento siya sa jeep tungkol sa kanila ni Miguel. Nag roadtrip daw sila nung last day. Di sila nakapasok sa SM valenzuela kasi bawal na din dun ang naka uniform ng esma. Korne ah. Tas ako din nagkwento sa kanya nung mag SM Marilao kami. Kinuwento ko yung nung sumandal siya sakin. Bigla syang naging alive. Nag clap once 'oo!' sabay point. Naasar raw siya nung kinuwento sa kanya yon. Di ko nalaman kung bakit e. Bigla na kasi kaming bumaba. Tas kasama na namin si Raine. Kaya di na niya natuloy. Yaan na nga. Atleast nalaman kong sadya niya pala yon. Pero pinalipas ko na lang. Kahapon kasi nagsimba ako, about sa forgiveness yung preaching ni Pastor.  Nagkahiwalay na kami kase kanya'kanya na sa pag asikaso. Pagkatingen ko ng clearance ko puno na. Katuwa. 2 subject na lang tas club. Nagpasama ako kay Kim magpasa, saka inaya ko siyang magpapirma kami ng club. Pareho kasi kami ng club, earth's savers club.

Matapos non nagpaalam nako. Hinanap ko si Xandre. Tinext ko, 'asan ka?' nagreply siya, 'kumakaen ako e'. Ano ba yan! Di man lang ako naisep! Tss. Minus points yun uh. Bumalik siya ng school. Konti na lang yung mga tao. Tas napakainet! Astig, di kame nag usap pero pareho kaming naka yellow. Pareho pa ng design yung bag namin. Umalis nako sa mga kaklase kong babae at lumapet sa kklase kong lalake. Oo, ako pa yung lumapet sa kanya. Nasa blue bench sila. Tumabi ako sa kanya. Dalawang bench yung sakop namin. Dun sa bench na kinauupuan ko, Chris-siya-ako. Tas sa kabilang bench andun si Ian. Naka sandal lang. Di masyadong tumitingin sa side namin. Maya'maya tumayo siya tas umalis. Sumama sa mga kabarkada niya last year. Tas pinaalis nila si Chris. Muka rawng love triangle? Timang ah. Di man lang ako kinakausap. Mahiya naman siya. Nandun ako, ako na yung lumapit tas parang hangin lang ako don? Ang gara sa pakiramdam. Nung una mejo tampo ako. Mejo lang kase alam ko naman na ganun siya. Pero nagtagal.. Parang nawala na. Ewan. Parang gusto ko na lang umuwe?  Dumating na yung mga teachers. Sinundan namin. Napansin ng mga teachers na all boys kame. -_- tss. 

Matapos non, pumunta na kami ng SM. Nagbayad agad siya. Sabi ko pa naman kanina mag ppakapranka ako sa jeep. Hinayaan ko na lang na tahimik kami. Baka kasi mahalata niyang sobra akong kinikilig. Di ko nga mapigilang ngumiti e? Tas habang naglalakad kame, nadulas ako. Ang hangin kase, hinahangin yung buhok ko. Di ko makita yung dinadaanan ko. E umuusod siya kaya umusod din ako. Tas yon. Nyaw. :3

Kumain muna kami ng french fries sa foodcourt kasi may tao pa sa may videoke sa Timezone. Tas kung ano'ano lang pinag uusapan namin. Tas ang cute niya pag bumabanat. Parang bata pero sweet. :'> Tas dapat daw pala di kami bumili nun. Mag diet na raw ako, gaganda raw ako LALO

Tapos nun bumalik na kami. Salitan kami. Siya una. Kinanta niya Love Bug by Jonas Brothers. Ayaw niya ayusin e. Pero may times na inaayos niya. Ganda boses. :> tas ako, realize by colbie calliat. Di ko maayos boses ko. Ewan ko ba? Tas nung tapos na pumapalak pak siya. Galing daw. Lewl, bola much. Tas siya ulet. Daya niya. Rap ni eminem, di naman kaya.  :P Tas ako, You and Me ng Lifehouse. Tas siya, Numb ng Linkin' Park. Matapos nun umuwi na kami. Maaga curfew niya e. Naghahanap ng hug am. Sabi ko na lang 'Ha?' wala raw. Haha! Di pa ko umuwi kasi nagpasundo pa ko. 

Lupet ko no? Di ako nagpaalam na makikipagdate ako tas nagpasundo ako sa SM. XD

Minahal kita noonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon