Chapter Twelve

25 0 0
                                    

Mejo maaga ako pumasok para malaman kung pano ggawin ko. Suspended kasi ako. Ang konti ng pumasok. Ang sarap kaya pag ganun! Kaya lang suspended ako e. -.- naka 10 lates kasi ako. Nag flag na. Dun ko napansin na konti lang pala talaga kami. Kala ko kasi maaga pa. Tas nagtaka ako. Fieldtrip nga pala namin kahapon. @.@ Haha! Tas sinabihan ni sir na hatid ako ni Xandre sa office. Hinatid nga ako. Parang timang naman. Iniiwan ako. Ambilis maglakad. Pwede namang sabay kami. Tss. 

2 days akong suspended. Nakakainis kasi napakainit. Akyat-baba. Utos dito, utos don. Nagugulat yung mga teachers pag nakikita ako. Lahat sila tinatanong 'suspended ka?'. Ambaet ko kasi e. Haha!  Umaakyat ako sa room para mag lunch. Iniiwasan ako ni Xandre. Nababakla? Am. Pero nung pangalawang araw ako na mismo yung pumansin.

"Hoy" lumingon siya na parang nagulat. Feeling ko nga bumebwelo to e. Haha!  

"Oh? Kamusta? Ano ba ginagawa mo dun?" sinabi niya habang kinukuha ko yun requirements ko sa bag.

"Pinapapahirapan ako." umalis ako't pinasa na yung requirements na kinuha ko sa bag ko.

Pagbalik ko nakaupo si Joseph. Pinapaalis ko. Ayaw. Umalis ako para maghanap ng ibang upuan. Pero wala talaga e. Pagbalik ko pinaalis na niya si Joseph. Natuwa ako kasi nasa mata niyang gusto niya ko makatabi. Kaya lang napakainit kaya hinila ko yung upuan ko't tumapat sa aircon sa likod. Sabi din kasi ni mam na sa likod lang ako dahil hindi pa tapos ang klase. 

Natapos din ang pag hihirap!

Tinext ako ni Ian. 'buti po tapos ka na sa suspension mo.  ayaw ko pong nakikita kang nahihirapan e. Kung pwede lang po kita tulungan. Wag na po kaseng mag puyat para hindi na po ma late ah? ' inaamin ko natuwa ako. Pero nagtext din si Xandre 'Buti tapos ka na masuspend kung pwede lang ako sumalo ng pagkasuspend mo eh' kilig. Yung isa naglalagay ng period saka smiley, yung isa naman lalakeng lalake magtext. Wala lang. 

Marami-rami ng nagsasabing ang haba ng hair ko. Ewan ko ba sa kanila. Lakas trip. Di naman ako kagandahan at di rin naman sila kagwapuhan. Pero I guess love isn't about what's on the outside but the what's on the inside that counts. Err. Look at me, di naman ako madrama dati. Beyen. -.-

Sabado nun. Kakatapos ko lang masuspend. Gumala ako kasama sila Mila, Chris, Rea (taga'ibang section; gf ni Chris), Jun, Tricia, Zia at Xandre. Di kami ganong naguusap ni Xandre.

Tas nagpapicture kaming sa studio. Nakapwesto ako sa gitna ni Jun at Xandre.

Tas naglaro kami ni Mila ng air hockey sa Timezone. Si Tricia may nakunan na nakangiting pinapanuod ako ni Xandre. Lel. Tas may photobooth don. Pinapicture kami ni Xandre. Pinaakbay nanaman sakin. Inalis ko. Sabi ko mag peace sign na lang siya. Ayaw niya. Tas binalik yung pagkakaakbay nung sinabi niyang 'ayoko'. Sabi ko, bili na. Inalis ko ulet. Binalik niya at sinabi ulit na 'ayoko nga'  inaasar ako nila Mila saka Tricia. Aakbay si Tricia kay Mila sabay sabi ng 'ayoko nga e' tas nagtatawanan sila. Tss. Tapos nag k-hub kami. Kami lang halos kumakanta ni Zia, nagwawala na kami ron.  Tas binulungan ko si Zia na pilitin niyang kumanta si Xandre o sumabay sakin. Nag iinarte. Panay ubo at hawak sa lalamunan niya. Pero sumabay siya pero napakahina tas saglit lang. Nakangiti akong kumakanta habang pinapanuod ko siyang sumabay sa pagkanta ko. Crazy For You by Spongecola yung kanta. 

Pagkatapos nun, umuwi na kami.

Minahal kita noonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon