STARTING LINE

297 12 6
                                    

This chapter is dedicated to her. Why? It's because she really helped me a lot plus she gave me inspiration. So thank you. Oo nga pala, she also has her own sets of stories and they all are superb! Try reading them also. Hohohoho. Enjoy.

---

Rafael

It's been four months since our class started and lunch time namin ngayon.

Balak ko sanang kumain kasama yung mga tropa ko kaso lahat sila busy.

"May kailangan pa akong tapusin na school papers. Hindi ako makakasabay sa inyo. Kailangan ko ring kausapin si Matt." Pagdadahilan ni Carlo.

Si Carlo kase ang president ng Student Council namin.

"Pero sino makakasama ko?" tanong ko sa kanya.

"Andyan pa naman si John." Sabi nya at umalis na.

Agad ko namang pinuntahan si John atsaka tinanong din siya.

"Sorry. Monthsary kase namin ngayon ng girlfriend ko. Gusto daw nya akong masolo. Hahaha. Kaya di ako makakasabay, baka patayin pa ako kapag tinanggihan ko sya." Sagot naman ni John sakin.

Palibhasa napakasadista nung girlfriend nya, under tuloy sya ngayon. Hahaha.

"Edi wala akong makakasabay ngayon? Pwede bang sumabay na lang ako sa inyo. Sige na." tanong ko with matching puppy eyes. Hahahaha. Malay mo naman umepekto.

"Yak naman. Lumayo ka nga sakin Rafael. Hindi pwede, papatayin talaga ako ni Anne." sagot niya sa akin habang umaaktong parang nasusuka.

"Hoy lalake. Bakit ang tagal mo?" dumating yung girlfriend nya.

"E-Eto na nga, papunta na nga ako s-sayo eh. D-Diba Rafael?" sinabi nya at binigyan nya ako ng say-yes-or-I-will-kill-you look.

Pinandilatan naman ako ni Anne.

"H-Ha? Pero nakita kong kinakausap mo pa sila Rose eh. Ewan ko lang." painosente ko.

Agad namang sumama ang tingin ni Anne kay John. Nanlaki ang mga mata ni John at dahan-dahan syang umiling.

"ARAAAAAY! Patay ka sakin mamaya Rafael." sigaw ni John nung hinihila sya ni Anne sa tenga palayo.

Buti nga sayo. Hahahaha. Nagsinungaling ako.

Sa barkada kase, si John ang binansagang Casanova. Kaya nga gulat na gulat kame ng tumagal sila ni Anne ng siyam na buwan. Di kaya tinakot lang sya ni Anne o kaya naman ginayuma? Siguro mga ganun lang talaga ang mga tipo niyang babae. Umiling na lang ako at napatawa.

Si Matt naman nasa detention kaya nga sya kakausapin ni Carlo. Wala eh, bad boy.

Instant loner tuloy ako ngayon. Tss.

At dahil gusto kong magemote, napagdesisyunan kong sa rooftop na lang kumain.

Walang masyadong umaakyat dito. Five floors kase ang building namin, nakakalula daw masyado. Mga weak. Hahahaha.

Pagpasok ko ay nalaglag na lang ang panga ko sa naabutan ko.

May isang babaeng mukhang tatalon. Bigla naman akong napatakbo at binuhat sya pababa.

"Diyos ko! Miss, hindi ko alam kung gaano kalaki yang problema mo pero hindi sagot dyan ang pagpapakamatay." Sabi ko habang hingal na hingal pa.

Kinabahan ako dun, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bigla namang kumunot ang noo ko dahil napansin kong parang nagpipigil siya ng tawa.

"Anong problema?" pagtatanong ko.

"Hahahahahahahahahahaha!" at humagalpak na nga siya sa tawa.

Naku! Mukhang malaki nga ang problema nito, nababaliw na eh. Okay Rafael, hindi pa huli ang lahat para tumakas. Tumalikod na ako at aalis na sana ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko, kinilabutan naman ako. Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko sa kanya.

"Hahahahaha—Hindi ako tatalon, manong!" sabi niya habang pinupunasan pa yung luha na epekto ng sobrang pagtawa niya.

"Ang lamig kase ng hangin at ang ganda pa ng tanawin. Hahahaha. Kaya ayun napaakyat ako sa railings." Sabi niya sakin at ngumiti siya ng pagkalakilaki.

Tapos bigla niyang tinignan yung wristwatch niya.

"Patay! Late na pala ako. Sige manong, alis na ako. Hahahahaha. Nakakatawa ka talaga." Sabi niya at nagsimula nang tumakbo paalis.

Bigla naman siyang bumalik.

"Uy! Tuna sandwich ba yan?" tanong niya at napatango na lang ako ng wala sa sarili.

"Tamang-tama! Gutom na ako, akin na lang to manong ah?" sabi niya sabay hablot nung sandwich ko kahit di pa ako pumapayag.

Umalis na nga siya habang tangay-tangay yung sandwich ko. Ako? Ayun nga-nga parin.

What the hell just happened?

Grabe na talaga mga tao ngayo-- Wait ano daw?

Kumunot ang noo ko. M-Manong? Bigla naman akong nakaramdam ng pagkainis.

Hay. Wala na rin naman akong kakainin kaya bumaba na lang din ako.

She's such a weirdo. Napailing na lang ako.



The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon