TRACK 2

119 11 14
                                    

Thanks for the heads up in the last chapter! It really means a lot to me that somehow, someone is enjoying my story. So I dedicate this chapter for you. By the way, the song for this chapter is "Don't walk away" by Miley Cyrus. Feel free to listen to it. ^^

---

Rafael

Pag ako talaga hindi nakapagpigil! Napailing na lang ako at nakinig na ulit kay sir.

Hindi na nya ako ulit inistorbo hanggang sa matapos yung klase, siguro nahalata niya yung pagkainis ko.

Tuwing tinitignan ko naman sya ay nakatingin din sya sakin at ang laki laki pa ng ngiti. Kinikilabutan ako sa babaeng to.

Ano kayang tinira nito, nakakatakot na. Mamaya kung ano pang gawin sakin nito eh.

Nagring na ang bell. Alam nyo kung anong ibigsabihin nun? Uwian na, alam nyo kung anong ibigsabihin nun? Makakalayo na rin ako sa presensya ng babaeng to. YESH.

Agad akong tumayo at inayos ko na yung mga nagkalat kong gamit. Makakalayo na rin ako sa kanya.

Nakangiti ako ng biglang may nagabot sakin ng notebook ko, pinasok ko iyon sa bag.

Sumunod naman yung libro ko, pinasok ko ulit habang ang laki ng ngiti ko.

“Thank you.” Sabi ko ng inabot naman nya yung ballpen ko.

Mayamaya natapos na ako sa pagaayos ng gamit ko, ang laki pa rin ng ngiti ko.

Bigla naman akong natigilan, wait parang may mali.

Dahan dahan akong humarap sa may likuran ko.

“Waaaa!” napasigaw ako sa sobrang gulat.

“Waaaa!” napasigaw din sya buti na lang at kami na lang ang tao dito sa room.

Anak ng pating naman oh. Anlakas parin ng tibok ng puso ko dahil sa pagkakagulat.

“Ano ba papatayin mo ba ako sa gulat?” sabi ko.

Wala akong magagawa magugulatin talaga ako.

“Hahaha. Ako nga yung nagulat eh. Bigla bigla ka na lang sumisigaw.” Sabi nya sakin.

Hindi ko nalang sya pinansin at lumabas na ako ng room para umuwi na pero bigla syang humabol.

“Oy, libre mo naman ako oh.” Sabi nya sakin tapos bigla syang humawak sa braso ko.

“Ano ka sinuswerte? Hindi pwede, uuwi na ako.” Sabi ko sa kanya at binawi ko yung braso ko mula sa pagkakahawak nya.

“Grabe tinulungan na nga kitang magligpit ng gamit mo eh. Wala ka bang utang na loob?” pagdadahilan nya.

“Wala akong sinabi na tulungan mo ako.” Sabi ko at lalo pang binilisan ang lakad ko.

Binilisan din naman niya ang lakad niya, nakalabas na kami ng school pero sumusunod parin siya.

"Sige nanaman oh. Bahala ka diyan, hindi kita lulubayan hangga't hindi mo ako nililibre." sabi niya at napatigil naman ako.

"So what's it gonna be, big guy?" sabi niya at tinaas baba niya yung kilay niya habang unti-unting lumalaki yung ngiti niya.

"A-Y-O-K-O." sagot ko, akala niya panalo na siya. Haha! In her dreams.

Bigla namang nawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi, I smirked. Buti nga sayo!

Nagsimula na ulit akong maglakad sa may gilid ng kalsada, medyo binilisan ko ang lakad ko pero sumusunod pa rin siya, nakakainis.

"Oy! Wait lang. Ang bilis mo naman! Rafael, hintay! Ililibre mo pa ako!" tawag niya sakin, buti na lang at walang masyadong tao.

Hindi parin ako tumigil, bahala ka sa buhay mo.

"Akala mo ah! Mahahabol din kita at pag nangyari yun, hinding-hindi ka na makakatakas pa o makakatakbo!" sigaw pa niya pero hindi parin ako nagpaapekto.

"Hoy, Rafae--" bigla siyang tumigil.

Napatingin naman ako sa kanya, nadapa siya. Agad naman akong napatakbo papalapit sa kanya. Nagkalat yung gamit na bitbit niya kanina.

"Ang lampa mo naman." sabi ko habang sinisimulan kong pulutin yung gamit niya.

"Tss. Ikaw kase eh. Ayaw mo kong hintayin." sabi niya at pinulot naman niya yung mga gamit na malapit sa kanya.

Malapit na kaming matapos at kumokonti na lang yung kailangan naming pulutin hanggang sa isang libro na lang ang natira. Pupulutin ko na sana yun ng sumabay siya kaya naman biglang nadikit yung kamay niya sa kamay ko.

Nagkatinginan kame, naging siryoso agad ang mukha niya at ganun din naman ang akin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa libro. Napatingin ako sa mga mata niya, dahan dahan akong lumapit…

AT BIGLA KONG HINILA YUNG LIBRO MULA SA KAMAY NIYA. Napangiti naman siya.

Akala niya ah. Ako ang pupulot nito! Mwahahahahaha. Bigla din naman niyang hinila yun. Napatingin ako sa kanya at hinila ko ulit yun.

"Ako na." sabi niya at hinila ulit.

"Ako na lang." sabi ko ulit sabay hila.

"Hindi, ako na!" sigaw niya.

"Ako na sabi eh!" sigaw ko rin.

At nagpatuloy ang hilahan namin hanggang sa 'pshch'. Napunit yung libro niya.

"Noooooo!" sigaw niya at tumingin sakin ng masama.

"Wala akong kasalanan ah, sabi ko ako na eh." pagdadahilan ko.

"Hmmm. English pa naman tong napunit." sabi niya habang iniiscan yung punit na libro.

"Lagot ka kay sir! Isusumbong kita!" pagpapatuloy pa niya at bigla siyang nag-lagot sign sa kamay niya.

Naramdaman kong bigla akong namutla.

"W-Wala akong kasalanan!" sabi ko at naglakad na ulit.

"Hahahahahahaha!" bigla na lang siyang tumawa ng malakas at humabol sakin.

Tumigil naman ako para titigan siya ng masama.

"Easy. Don't worry. I don't plan on reporting you-- KUNG ILILIBRE MO AKO." pagpapatuloy niya kaya lalong sumama yung tingin ko sa kanya.

Ngumiti lang siya then she mouthed "One, zero."

Pagkatapos nun ay nauna na siyang naglakad-- no she was actually hopping while humming happily.

Alam na niya na I can't say no dahil patay ako kay sir. Badtrip naman oh, how the hell did I get into this? -___-"

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon