TRACK 3

51 1 0
                                    

Rafael

Sinusundan ko lang sya, saang lupalop naman kaya ako dadalhin ng babaeng to.

"Hoy, saan mo ba balak kumain?" tanong ko kase kanina pa kame naglalakad at napapagod na ako.

Napahinto naman siya sa paghohop at napatingin sakin na para bang naguguluhan siya.

"Ha? Bakit ako? Ikaw ang manlilibre diba, kaya ikaw dapat ang magisip kung saan." sabi niya.

Agad namang napahampas ang kamay ko sa mukha ko.

"Kung ganon, bakit ka nangunguna diyan? Atsaka bakit ka lakad ng lakad?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Bakit masama na bang maglakad ngayon? NASAAN ANG KATARUNGAN?!" bigla siyang sumigaw dahilan para pagtinginan kame ng mga tao sa daan.

Agad naman akong nagtakip ng mukha at naglakad na ulit, nagsitawanan kase yung mga nakarinig sa pagsigaw niya. Alam ko namang sumusunod pa rin siya sa akin.

Grabe talaga tong babaeng to, walang patawad. Saan ko naman kaya dadalhin to?

Sa Jollibee? Nah, ano siya sineswerte?

McDo? Hindi rin.

Sa GotoNga? Kaso ang init na eh.

Aha! Alam ko na, kung sa Mental na lang kaya noh? Bwahahaha. Napatawa naman ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisp ng bigla niya akong kinalabit. "Oy Rafael, tignan mo oh." sabi niya habang tinuturo yung dalawang bata na nanlilimos sa may poste ng ilaw.

"Oh anong meron?" tanong ko sa kanya at bigla naman niya akong binatukan.

"Ano ba?!" reklamo ko dahil napalakas yung batok niya. "Anong, anong meron? Ayun oh, may dalawang batang nanlilimos. Libre mo rin sila." sabi niya habang nagpapacute. Yak. Hahahaha.

"Sapat lang yung pera ko para sa ating dalawa atsaka para sa pamasahe ko pauwi. Next time na lang." pagdadahilan ko. "Sooo, may next time pa? Yes naman, ikaw aaaah." pangaasar niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero ano bang pinagsasasabi ko? There's no way na mauulit pa to.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla kong naramdaman na hindi na siya sumusunod sa akin. Napatigil ako, saan napunta yun?

Tumingin ako sa kanan, tapos sa kaliwa, tapos sa - Ah basta, sa lahat na ng direksyon pero wala siya.

Chineck ko na rin yung basurahan, baka lang. Hahahaha. Pero wala pa rin talaga, asan na yung babaeng yun?

Okay Rafael, relax ka lang. Siguro napagod na rin siya sa kalalakad at umuwi na. Pero pano kung hindi? Pano kung napano na siya? Aish, nakakainis.

Nagpatuloy parin ako sa paghahanap kahit wala akong idea kung saan siya hahagilapin. Sakit talaga sa ulo. Binalikan ko yung mga lugar na nadaan namin kanina.

Nagsisimula na talaga akong magalala ng nakita ko siya.

Nakaupo habang kumakain. Halos maubusan na ako ng hininga kakahanap sa kanya tapos siya nakaupo lang at kain ng kain, NASAAN ANG KATARUNGAN?!

Kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya, "Hoy Charlotte, alam mo bang kanina p--" napatigil naman ako ng mapansin kong may iba siyang kasama.

Kasama niyang kumakain yung dalawang batang nanlilimos kanina, at nagtatawanan sila.

Napatitig na lang ako, hindi ko alam kung maiinis ba ako o hahanga.

Napangiti na lang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo.  Iba ka talaga, Charlotte.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon