This chapter is dedicated for one of those people who encouraged me in writing this story. A very great person, in and out. Arigatou Gozaimasu! \m/
---
Rafael
Tumunog na ang bell. Simula na rin ng klase.
“Andyan na si Sir!” sigaw ng isa kong classmate na nagmimistulang look-out.
Kaya nagsiupuan na yung iba kong classmates.
Pumasok na si Sir Corn. Sinubsob ko yung ulo ko sa desk ko, ang corny talaga ng pangalan nya. Hahaha. Gets nyo?
“Meron akong bad news and good news. Anong uunahin ko?” tanong ni sir.
“GOOD NEWS PO.” Sagot ng mga classmate ko.
“Good news, may bago kayong classmate. Pumasok ka na.” sabi nya at narinig kong may pumasok sa room.
Wala parin akong pakielam. Nakasubsob lang yung mukha ko sa desk.
“Good morning everyone. I’m Charlotte by the way. I’m looking forward on having a great time with all of you.” Bati nung bago daw naming classmate at nag ‘wow’ naman yung classmates ko.
Nacurious ako kaya naman inangat ko yung ulo ko.
Wait she seems familiar.
Ang laki ng ngiti nya tapos iniscan nya yung buong room. Nagulat ako nung biglang huminto yung tingin nya sakin. Inaalala ko parin kung saan ko sya nakita ng biglang mas lalo pang lumaki yung ngiti nya.
BINGO. Oo, sya nga. Sigurado akong sya nga yun.
Itatago ko na sana yung mukha ko kaso kumaway sya sakin bigla.“Manong!” sigaw nya at nagtawanan naman yung classmates ko
Biglang napatingin sakin sila John. Oo, magkakaklase kame.
Binigyan ko sila ng I-don’t-know-what-she’s-talking-about look.
Lumapit naman sya sakin.
“Mukhang magkaklase pala tayo.” Sabi nya habang nakatayo sya sa tabi ko.
“Magkakilala kayo?” tanong ni sir.
“Naku! Hi—“ hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.
“Hahaha. Opo sir. Magkakilala po kame nitong si manong.” Sabi nya,
Bigla namang bumalik ang inis ko sa kanya.
“Hin—“ pinutol naman ako ni sir.
“Tamang tama. Kailangan ko ng tutulong kay Charlotte na magadjust dito sa school since lumipat sya sa kalagitnaan ng year. Kay Rafael ka lang lumapit kung may kailangan ka.” Utos ni sir.
“Aye sir!” sagot nito at nagsalute naman.
Napatawa si sir at sinabing sa tabi ko na rin sya umupo. What a great way to start my day.
“Bad news guys, may pop quiz tayo. Get one whole sheet of paper.” Utos ni sir.
“Ano ba yan.” Sabay sabay na sabi ng classmates ko.
Wala rin silang nagawa. Medyo nahirapan ako sa quiz, napatingin ako kay Charlotte na siryosong-siryoso.
Napangisi ako, siguradong hirap na hirap sya dahil wala sya nung tinuro ito.
Nung natapos na kame sa quiz ay pinapasa na ni sir yung mga papel at nagsimula na ang discussion.
Nakikinig ako kay sir ng bigla akong kinalabit ni Charlotte.
“Pssssst. Rafael. Hoy.” bulong nya sakin pero hindi ko sya pinansin.
Mayamaya binato nya ako ng papel sa ulo.
“Hoy. Psssst.” Bulong nya ulit pero wala parin akong pakielam.
Hindi pa sya nakuntento, binato naman nya ako ng notebook.
“Hoy. Pssssst.” Bulong parin nya hindi ko parin sya pinapansin.
Tiis lang Rafael. Wag mo syang pansinin.Dumaan ang ilang minuto at siguro tinigilan na nya ako kaya naman sinilip ko sya.
Aba! Nakita kong babatuhin na ako ng bag nya. Waaaaaaa!
Hinarap ko na sya, hindi ko na hihintaying pati yung desk nya ay ibato pa nya sakin.
“What?!” hindi ako makasigaw kahit sobra na yung inis ko.
Binaba naman nya yung bag nya.
“Finally!” tapos lumaki yung ngiti nya.
“Ano ba yun?” this better be worth it.
“Ano kase…” pambibitin nya.
“Ano?” sagot ko.
Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay yung sagot nya.
“Ay nakalimutan ko na. Hehehe.” Sabi nya habang kinakamot kamot yung ulo nya.
AAAARRRGGGHHHH! That’s it. Umuusok na yung tenga at ilong ko.
She's so annoying!
BINABASA MO ANG
The Chase
Teen FictionLove is a never ending chase until you find the one who's willing to stop running just for you.