"Who You?" written by warriorwizard
"Pwede na kayong mag simula bukas." pagkakasabi ni Manager, tapos nagsalita uli siya. "6pm until 9pm kayo mag wo-work. pero dapat before 6pm andito na kayo. Gets?"
"Yes sir! Thank you po uli!" sabay namin sinabi ni Jam, yung nakakabata kong kapatid. Pero infairness ang gwapo at ang bata pa nitong manager, mga nag ra-range yung edad niya siguro sa 19 hanggang 21 years old.
Andito pala kami ngayon sa restaubar na pinag apply-an namin. Nag apply lang naman kami bilang singer dito, duo kami actually ng kapatid ko. Kaysa tumunganga kasi kami sa bahay ay napagpasyahan namin maghanap na lang kami ng summer job, atleast sa ganitong paraan ay may libangan kami at yung kikitaing sweldo namin dito ay ipapambili ng mga luho namin.
Well hindi naman sa pagmamayabang o ano. Pinakanta lang naman kami ni Manager Lee, walang interview interview na naganap, then tadaaaa! Pasok na daw kami. Oha oha. Siguro qualified na yung kagandahan namin ni Jam kaya no need na. Saka totoo naman eh! Haha.
"Geez! Ang gwapo naman ni Manager Lee!" pagkakasabi ko kay Jam habang naglalakad kami papunta sa terminal ng jeep. "Kaya wala akong dahilan para umabsent." kinikilig pa rin ako dito. Hihi. Bagay naman kasi kami e! Ay joke lang yun.
"Ayan na naman si ate! Porket gwapo lang, crush na agad?" pagkokontra na naman ng kapatid ko.
"Ang sakit naman! Libre lang naman siya maging crush kaya go lang. Haha."
"Kahit na ate! Haynako. Sakay na nga lang tayo ng jeep para makauwi na. Atleast yun totoo." haynako. Ito talagang kapatid ko, lagi na lang kontra sakin. Huhu. Masama ba mag ka-crush?
At ayun na nga. Sumakay na kami sa jeep, matapos din ng ilang minuto ay nakauwi na rin kami sa bahay. Kailangan mo pa kasing mag lakad papasok ng subdivision para makapunta sa bahay namin, sa kanto ka lang kasi ibababa ng jeep.
As usual. Walang tao dito. Kaming dalawa lang ng kapatid ko. Nagtratrabaho kasi sila mama't papa parehas sa ibang bansa eh, pwedeng-pwede na nga kaming sumama sakanila pero ayaw namin kasi gusto namin tapusin yung pag-aaral na lang dito.
Tutal kumain na naman kami ng dinner sa labas ni Jam kaya matutulog na lang ang proproblemahin namin. Kinuwa ko muna yung phone ko sa kwarto at bumaba din kaagad sa sala. Pag ka-open ko ng mga messages ay tumambad sakin ang 30 unread messages. Ganito ba ako namimiss nina Charlene at Sarah? Grabe yung pambubulabog ah. Mabasa na nga lang.
From: Charlene
Porket may boyfriend na hindi na namamansin. Ganyan tayo eh!
sent 3 hours ago..
From: Sarah
Oy babaita! Sabi sakin ni Charlene may boyfriend ka na daw ahh. Yieeee. Pakilala mo samin ahh!
sent 2 hours ago...
From: CharleneBasta Jes pag sinaktan ka niya, dito lang kami.
sent 1 hour ago..
From: Sarah
Bui! Bui! Pag sinaktan ka lang ng jowa mo, isang text mo lang sakin andyan na ako, ha!
sent 30 minutea ago..
WHAT THE EFF?! Anong pinagsasabi nitong mga ito. Porket hindi lang ako nag reply ganyan na sila? Hahaha! Laughtrip naman. Iilan lang yan sa mga nabasa ko pero yung iba hindi ko na pinagkaabalahan basahin, mga kalokohan lang naman nitong dalawang ito. Hayy. Miss ko na nga sila.
BINABASA MO ANG
Who You?
Short Story"Who You? ― Isang tanong na nagpabago sa buhay ko." --Jen Garcia