"Who You?" (Part Two) written by warriorwizard
"Ate! Grabe tignan mo oh, dali!" tinawag ako ni Jam na kasalukuyang nakaharap sa computer, mukhang importante kaya pumunta ako kaagad. "Naka-1million views na yung kanta natin na 'Officially Missing You' dito sa Youtube!"
"Wow! Talaga?" hindi ako makapaniwala kaya tinignan ko ng maigi yung screen. Totoo nga, halos 1 million views na nga, simula noong i-request kasi ng bestfriend nitong si Jam na gumawa daw kami ng account sa youtube kasi magaganda naman daw yung boses namin at baka ma-discover pa kami ay ituloy-tuloy na nga namin ang pag popost ng mga covers. "Na-eexpose na rin yung beauty ko sa wakas!" I said tapos umupo na ako at kinuwa yung earphones ko at sinaksak sa iPod.
"Expose expose ka dyan! Nako ate tigil-tigilan mo ako!" pagkakasabi niya with a sarcastic tone. Ito talagang kapatid ko. Sanay na sanay na talaga siyang ganyan ako.
"Haha che! Aminin mo na kasi na ako yung pinaka maganda, magaling kumanta, maarte, at fashionista mong ate." sabi ko sakanyang habang nakatingin sa iPod ko. Nag brobrowse kasi ako ng mga kanta.
"Oo na lang." sabi niya na hinde man lang tumitingin sakin. Tutok na tutok siya sa pag co-computer.
Patuloy pa rin ako sa pag browse ng iPod ko hangga't sa nakita ko yung kanta na Already Gone by Kelly Clarkson, nilagay ko muna yung earphones ko sa magkabilang tenga ko at saka plinay ang kanta. Hindi ko rin alam kung bakit ito yung napli ko, siguro dahil na rin sa lyrics. Yung tipong nakakarelate ako. Bawat linya, may gustong iparating..
Naalala niyo pa ba si Manager Lee? Oo siya nga. Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makaget-over sakanya. Ang huli lang talaga namin memories eh yung katext ko siya, huli na nga yun pero ang worst pa rin ng experience ko. Ayun, wala na rin akong balita sakanya. Hindi na rin siya nagpaparamdam eh. Saka okay na yun atleast nakaka move on ako ng paunti-onti. Pero gusto ko sana siyang makita.. makita lang para mag sorry doon sa inasal ko sakanya. Alam kong hindi tama yung naasal ko sakanya doon sa text. Ipinapangako ko na sincere naman yung gagawin kong sorry sakanya. Pero bakit ganoon siya? Ang unfair din niya. Ni hindi man lang niya nabanggit na aalis na pala siya papuntang ibang bansa. ni hindi man lang niya inexplain kung bakit, basta ayun lang, mawawala na lang siya bigla na parang bula, tapos. Ganoon ganoon na lang. Hayy.
Sa dalawang taon na nakalipas madaming nagbago.. (Pero yung ganda ko, ganoon pa din. Kasama na yun!) Ayun.. Patuloy pa rin kaming kumakanta sa restaubar na pinapasukan namin ni Jam kahit iba na yung manager at kahit may pasok kami. 6pm to 9pm pa rin naman kaya walang problema, hindi naman siya nakaka-affect sa studies namin.. Actually yun nga inspiration namin eh. Graduate na akong College at eto naman si Jam ay graduate na rin ng 4th Year High School.
Hangga't sa dumating yung araw na napag pasiyahan namin ni Jen na sumama na kayla mama't papa doon sa ibang bansa. At ngayon dito na kami maninirahan. Siguro ito na nga yung time para tumira na kami dito, hindi ko na rin feel doon sa Pinas kahit sabihin na natin na ang daming memories na nangyari doon, kahit na may part time kami sa restaubar at kahit na may friends akong naiwan. Siguro na feel ko na rin yung time na hinahanap-hanap mo yung pagmamahal ng magulang mo. Iba kasi sila mag-alaga dba? Buti na nga lang at naayos kaagad yung passport namin ni Jam kaya madali kaming nakaalis kaagad. Noong sinundo nga kami ni mama't papa sa airport, unang kita ko pa lang sakanila hindi ko na mapigilang umiyak. For almost how many years ba naman kasi namin silang hindi nakasama. Pero masasabi kong malaking achievement sa buhay ko na naging independent kami dalawa ni Jam.
""Ate, okay ka lang?" base sa tono ng boses ni Jam ay mukhang nag aalala ito. Napagtanto ko na nakatulala pala ako. Kaya binalik ko yung atensyon ko sa realidad.
BINABASA MO ANG
Who You?
Short Story"Who You? ― Isang tanong na nagpabago sa buhay ko." --Jen Garcia