"Who You?" (Part Three) written by warriorwizard
"Girl! Welcome back sa Pinas!" salubong ni Charlene.
"Babaita na miss kita!" bigla akong hinug ni Sarah.
Remember yung dalawa kong super hyper na bestfriend? Wala atang tatalo sa kakulitan!
"Aww! Buti naman na miss niyo ako." pag jo-joke ko. "Namiss ko din kayo." I said tapos hinug ko silang dalawa. Aww.. group hug!
Sinalubong ako nina Sarah at Charlene dito sa airport. Hello Philippines! Garcia family is back! Ohh, I mean Jennylyn Garcia is back!!
Bumalik na kami sa Pinas after 4 years namin pag sta-stay doon sa States. Actually kung ako nga yung papapiliin, gusto ko na talaga mag stay doon.. pero wala na kasing work sina Papa't Mama doon, bale mag bu-business na lang kami ng Mini Mart/Grocery Store dito, may naipon naman sila mama't papa kaya yun ang gagamitin na puhunan, etc, saka wala na naman kaming kailangan gawin doon, graduate na itong si Jam kaya naisipan na namin bumalik dito. Mag a-apply naman kami sooner or later.
"Pa, Ma," nilipat ko yung tingin ko kayla mama, tapos binigyan nila ako ng weird na look. "Mauna na po muna kayo, mag bo-bonding pa po muna kasi kaming tatlo eh." binigyan nila ako ng ngiti at tumango sila.
"Jen, anak, yung pera mo ingatan mo ah. Ulyanin ka pa naman." sabi ni Mama.
"Ma," binigyan ko siya ng seryosong tingin. "Matanda na po ako. Alam ko na po ang tama sa mali." tumawa na lang si mama pagkatapos ko sabihin yun.
"Osya osya, umalis na kayo, baga gabihin pa kayo." sumingit si papa sa usapan. "Basta 'wag kayong magpapagabi girls ah?" dagdag ni papa.
"Yes po." sabay na sabi nina Sarah at Charlene habang naka salute position yung kamay nila.
"Ay, papa, mama!" biglang napunta lahat ng tingin kay Jam, bigla-bigla na lang kasing nagsasalita. "May gala din po pala kami ng friends ko." nagbuntong hininga sila mama't papa. Then, nag pasya sila na payagan na rin itong si Jam.
"Mauna na kami girls. Magpapahinga pa kami ng dad niyo." pagpapaalam ni mama.
"Bye bye!" sabay namin sinabi ni Jam. Nag wave sila ng hands ganun din kami. Tapos umalis na sila mama't papa. Pagkaraan ng ilang minuto nagpaalam na din ito si Jam na aalis na.
"Bagets na bagets talaga itong si Tita Winnie." sabi ni Charlene sabay ngiti.
"At ang hot din ni Tito Mark." sexy voice na sabi ni Sarah.
"Nako girls, ngayon alam niyo na kung saan ako nag mana." I said tapos nag winked sakanila. "Tara na nga!" dagdag ko.
***
"Ano, masarap ba?" pagtatanong ko sa dalawa. Tumango silang dalawa at nag thumbs up. Hindi na nila magawang makapagsalita dahil kain sila ng kain. Wala eh, mukhang nasarapan.
"Manong isa pa nga pong fishball." nagbayad si Charlene kay manong tapos tumusok siya uli ng fishball.
"Gosh! Ang sarap pala nitong kwek-kwek, Jen!" ngumiti na lang ako sa sinabi ni Sarah. Tapos kinain ko yung binili kong kikiam.
Akala niyo pupunta kaming mall para doon kumain sa mamahaling restaurant at mag gala 'no? Pero viola! Nasa Luneta Park kami ngayon. Niyaya ko sila dito mamasyal para maiba naman. Saktong pag dating nga namin may nagbebenta ng fishball kaya bumili na rin kami. First time nga nila tumikim ng ganyan kaya sarap na sarap sila. Mga rich kids kasi itong mga 'to! Hindi gumagala-gala sa mga park, laging nasa mall.
BINABASA MO ANG
Who You?
Short Story"Who You? ― Isang tanong na nagpabago sa buhay ko." --Jen Garcia