CHAPTER 8 / SETHINE LOVETEAM

64 2 5
                                    

SETH'S POV

First time ko mag POV haha! Lagi na lang ba love life nila? Syempre meron din ako! Di ako magpapahuli pagdating diyan.

Papunta ako ngayon sa mall kasi magkikita kami ni Kristine.Isa siya sa mga fans ko. Sikat kasi ang P5 sa University namin and nagkaroon na din kami ng album kaya sikat na sikat kami. Sa twitter puro 'Kristine Dela Cruz' yung nakikita ko sa notifications ko then one time paulit ulit yung tweet niya.

@imsethgothico Sed sana makita kita :(

@imsethgothico Sed makita lang kita buo na araw ko!

@imsethgothico Sed sana sa birthday ko makita kita :-(

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naicheck ko yung profile niya. Ang ganda niya pala tska simple.

Maya maya pa ay may kumalabit sa akin. Pagtalikod ko wala namang tao kaya humarap ulit ako at OMAYGHAD! Our lips met at nararamdan ko namumula ko kaya tumalikod agad ako.

"S-S-S-O-RRY" Kristine/Ako

"A-ah e-eh i-ih o-h okay lang hehe" sabi niya sabay yuko. Hinila ko naman agad siya papaunta sa bilihan ng damit.

"T-teka san ba tayo pupunta?"

"Basta sumama ka na lang"

"Eh? Saan ba kasi?"

"Ibibili kita ng damit!"

"May damit ako!"

"Ipapamakeover kita para magmuka kang tao"

"Ang sama mo! *hampas*  *hampas*"

Pinaghahampas niya ko habang nasa elavator. Grabe kanina pa kami nag-aaway sa daan. Maganda naman siya eh. Kaya lang hindi siya mahilig mag-ayos kaya ipapamake over ko siya.

"Sir Gothico kayo po pala? Bakit po kayo napadaan?"

"Ayusan mo siya"

"Girlfriend mo sir"

"None of your business!"

"Sabi ko nga sir"

Ilang sandali lang ay tinawag na ako ng nag-aayos sa kanya para sabihing tapos na siyang ayusan. Ano kaya ang kinalabasan?

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagpunta sa kinaroroonan ni kristine at BOOM O_O Dyosa ba 'to?  Grabe iuwi ko na kaya 'to.

"Okay lang ba?"

"A-a-ah O-oo" bakit ba ko ganito eh fan girl lang 'to?

"Di ako sanay sa ganitong ayos"

"Masasanay ka din!  Maganda nga eh" binulong ko lang yung huli.

"Anong sabi mo?!"

"Panget mo sabi ko! HAHAHA!" tapos pinaghahampas na naman niya ako.

Nagugutom na kami pareho sa kakagala kaya naisipan muna naming tumungo sa KFC.

[A/N:Favorite yung KFC hahaha]

DANIEL'S POV

Kanina pa ko nakatingin sa kawalan. Kanina pa ko nakatulala sa bintana. Kanina pa ko nagmumunimuni.

Kanina pa ko isip ng isip.

Ewan ko ba kung bakit ganito. May girlfriend naman ako si Julia. Pero bakit si Kath parin ang hinahanap ko? Pero dapat kong pigilan kasi ayoko nang maulit ang nakaraan.

PAST LEARNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon