CHAPTER 9 / FLASHBACK

66 4 1
                                    

Ano kaya ang nangyari sa Sethine Loveteam? Magkakasundo kaya sa practice ang Past Learners? Ano kaya ang magiging reaksyon ng Royalties pag binigay na ni Kristine ang tickets? Yay! Chapter 9 here :>

_____________________________________________________________________________

THIRD PERSON'S POV

Nakauwi na si Kristine sa bahay nila at ganoon din naman si Seth. Wednesday ngayon at may pasok kaya maagang gumising si Kathryn. Bago pa ito tumayo ay nag stretch muna.

"Gooooood Morning Philippinesss!" sambit nang dalaga at bumaba na para kumain.

"Good Morning Mama! *kiss sa pisngi*  Good Morning Papa!  *kiss sa pisngi*" sabi niya sa kanyang mga magulang at dumiretso na sa kusina.

"Anong nangyayari sa anak natin?" nagtatakang tanong ng ina ni Kathryn.

"Baka nasiraan na ng ulo? *batok* ARAY!" agad itong binatukan ng asawa.

"Baka naman gusto mong ikaw ang siraan ko ng ulo?"

"Sorry na hehe kasi naman ang saya saya ng anak natin baka gusto ng mag-asawa"

"Aba anong asawa asawa? Wala pa ngang boyfriend asawa agad?"

"Baka may boyfriend na yung anak natin"

"Hoy kung ano-anong pinagsasabi mo diyan *hampas* gusto mo na ba mag-asawa ang anak natin? *hampas* at gusto mo din magkaboyfriend? *hampas* walang kwenta kang ama *hampas"

Parang aso't pusa ang mag-asawa habang naghahampasan at nagkukulitan. Jusko PBB TEENS ang lolo't lola mo! Habang si Kathryn naman ay nakangiti parin at hinuhugasan ang platong kanyang pinagkainan. Matapos niya itong hugasan ay nagtungo na ito si itaas at naligo na.

Maya maya lamang ay natapos na din siya sa kanyang paliligo at nagbihis para makapasok na. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ang saya niya ngayong araw na ito.

"Lalalala~" sambit niya at bumaba na sabay beso sa kanyang mama at papa.

"Anak ingat ka ah! Galingan mo sa school!" sabi nang ina ni kathryn at tuluyan na ngang umalis ang dalaga.

Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa school at bumaba na ng sasakyan. Pinagtitinginan na naman siya ng mga kalalakihan dahil sa taglay nitong ganda. Karamihan din sa lalaki ay nagkakagusto sa kanya. Naglalakad siya papuntang classroom nang biglang…..

"A-A-RAY!?"

KATHRYN'S POV

"A-A-RAY!?" napahawak ako sa ulo ko dahil may babaeng nakabangga sa akin.

"Miss pwede ba dahan dahan ka naman sa paglalakad mo! Nakakabunggo ka na oh?!" aba! at ako pa ang may kasalanan?

Hindi ko maiangat ang ulo ko dahil masakit parin ito mula sa pagkakauntog sa ulo niya.

"Hoy babae kung sino ka man mahiya ka sa pinagsasabi mo kasi ikaw yung hindi nakatingin sa daan okay?!" pinagtitinginan na kami ng tao but I don't care!

"Kayo! Anong tinitingin tingin niyo diyan?! Layas! Chupi!" pinaalis niya yung mga taong nagtitinginan sa amin pero nanatili parin akong nakayuko.

"At ikaw naman sorry kung hindi ako nakatingin kanina kaya nabangga kita. I'm busy with my fansclub kasi. I'm really sorry okay?" teka? ano daw? fans club? namimiss ko tuloy yung fans club namin dati :(

"Okay lang sorry din ahh kasi nag-init agad ang ulo ko" and this time inangat ko na ang ulo ko,

and WHUUT?! (O.O)

PAST LEARNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon