Si Glaiza, o mas kilala sa tawag na G ng kanyang mga kakilala. Laki sa yaman ngunit piniling tumayo sa sariling mga paa. Ulila na ito at lumaki sa piling ng kanyang Tito, ang butihing kapatid ng kanyang amang maagang pumanaw noong sanggol pa sya. Poging maganda na tinitilian ng mga babae nadadaanan nya. Isang siyang street fighter at lumalaban sa mga kalye o sa tinatawag nilang underground ring para kumita ng pera. Seryoso at sobrang misteryoso.
Si Rhian or Rhi for short. Yoyon naman ang tawag sa kanya ng mga malalapit nyang kaibigan. Mayaman at pinipilahan ng mapa lalaki man o lesbian. She's a model and an open bisexual but laro lang sa kanya ang pag-ibig. The Strict Goddess as what her friends labeled her. Basted doon, basted dito. Matalino at inaasahang magmana ng kompanya ng kanyang pamilya.
Poging loyal pero hindi faithful. Yan si Chynna, ang bestfriend ni G. Mayaman ngunit mapagkumbaba. Isa din syang street fighter tulad ng bestfriend nya. Siya ang kabaligtaran ni G. Masayahin at palabiro ngunit walang direksyon ang buhay. Mainit ang dugo nya sa mga pisikal na nananakit ng babae.
Isang sikat na photographer si Bianca. Bestfriend at kababata ni Rhi. Magkasosho sa negosyo ang kanilang mga magulang kaya bata pa lang magkasama na sila. Mahinhin at napakaseryoso. Her actions demand respect.
Si Sheena, cousin of Katrina. Member of the so called Rhian Babies. Sweet ngunit maingay katulad ni Katrina.
Maldita, palaban, at bungangerang pinsan ni Sheena, si Katrina. Nabubuhay ang katawang lupa nya pag nakarinig ng salitang 'libre'. Siya ang tumatayong leader ng Rhian Babies.
Abby, the newest member of Rhian Babies. Simple at parang di makabasag ng pinggan.
_________________________________________________
Author's Note:
Ano kayang mangyayari pag nagkasalubong sa iisang lugar at sa parehong pagkakataon ang mga magkakasalungat na karakter?Abangan mga Tsong! 😁
- J
YOU ARE READING
RASTRO: Connection After All [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: As saying goes, opposite attracts. So does that mean its contrast repels when it comes to love? Would you give your best and risk it all to get what your heart really wants?