No One's POV
Mag-aalas sais na nung makarating ng Pinas ang magkakaibigan ng hindi kasama si G. Dumiretso agad sila sa guild at sinimulan ng mag-impake. Pagkatapos nilang ligpitin ang kani-kanilang gamit ay lumipat na din sila agad sa isang bahay sa Tagaytay na pagmamay-ari ni Sheena.
Kinabukasan, naisipan naman nila Rhi, Chynna, Abby, Bianca, Patty, Kat, at Jake na pumunta sa pinakamalapit na mall para bumili ng food supplies at iba pang kailangan sa bahay. Sina Chynna at Jake ang nakatukang bumili ng tools at iba pang kailangan sa pagkukumpuni ng bagay bagay tulad pako, screw driver, lagari, at iba pa. Sina Bianca at Patty naman ang bahala sa mga extra kurtina, bedsheets, punda, kumot, at unan. Habang sina Rhi, Abby, at Kat ang namili ng mga food and cleaning supplies. Mag aalas dose na ng tanghali at medyo gutom na rin si Kat kaya nagyaya na itong kumain. Hindi naman sila nag-usap ng mga kaibigan na magkikita nalang somewhere at sabay sabay kakain kaya naisip ng tatlo na baka nagsikain na rin ang iba.
Pumasok sila sa isang mamahaling restaurant at dun naisipang kumain. Nagpaalam saglit si Kat para mag-CR kaya naiwan sina Rhi at Abby sa table. Mayamaya'y tinawag ng isang waiter ang atensyon ni Rhi. May nagpadala daw sa kanya ng bulaklak at kelangan daw nya i-receive at pirmahan ang receiver slip sa may counter. Nagtaka naman ang dalawa dahil wala namang iniexpect na padala si Rhi kaya kunot noo silang nagkibit balikat nalang. Tumayo na si Rhi at pumunta na sa counter. Mayamaya pa'y bumalik na rin si Kat galing CR.
"Oh asan si Yoyon?" Tanong ni Kat kay Abby.
"Andun sa counter may nireceive lang na bulaklak." Sagot ni Abby habang busyng busy sa cellphone.
"Kanino daw galing?" Usisa ni Kat.
"Ewan. Baka kay G." Di pa din tumitingin si Abby kay Kat.
"Asan na ba yun? Ba't ang tagal? (tingin ni Kat sa counter) Oh wala naman ah! Sabi mo sa counter! Pinaglololoko mo ata ako eh!" Sabi ni Kat.
"Anjan lang yun! (silip din ni Abby sa counter pero wala si Rhi) Asan na yun?" Kinabahan naman bigla si Abby. Di nya alam bakit sya kinakabahan pero may kutob syang masama. Kaya agad syang lumapit sa counter para magtanong.
"Excuse me, may nakita po ba kayong maputi, matangkad, at magandang babae? May nagpadala po kase ng bulaklak sa kanya at kelangan nya daw i-receive dito sa counter."
"Hmmm magandang babae? Ahhh. . .oo Ma'am meron. Pumunta sya dito kanina pero sabi nung delivery boy dun nalang daw nya i-receive sa labas kasi marami daw yung pinadala kaya lumabas din yung tisay." Inosenteng sagot ng ate sa counter.
Patakbo namang lumabas sina Abby at Kat para hanapin si Rhi.
"Teka teka Abbs! Ba't ba kanina ka pa di mapakali? Ano bang nangyayare sayo?" Tanong ni Kat.
"May kutob akong di maganda, Friend. Kinakabahan ako. Di ko alam bakit." Alalang sagot ni Abby habang mabilis pa ring naglalakad para hanapin si Rhi.
"Kinakabahan saan?"
"Hindi saan Kat. Kanino. Kinakabahan ako para kay Yoyon. May kutob akong may di magandang mangyayare kay Rhi. Kaya tulungan mo nalang ako ditong hanapin sya."
Isang oras na ang nakalipas simula nung pumunta si Rhi sa counter at halos isang oras na din syang hinahanap nina Abby at Kat. Tinatawagan nila ito sa cellphone pero di ito sumasagot. Patuloy lang sila sa paghahanap at patuloy din sa pagtawag ng biglang. . .
*Ring ring. . .ring ring. . .
Nilingon naman ng dalawa ang pinanggagalingan ng tunog. Gulat na gulat ang dalawa ng makita ang cellphone ni Rhi sa ilalim ng nakaparadang itim na van. Alalang alala na ang dalawa kaya tinawagan na nila ang mga kaibigan.
YOU ARE READING
RASTRO: Connection After All [COMPLETED]
FanficSTORY TEASER: As saying goes, opposite attracts. So does that mean its contrast repels when it comes to love? Would you give your best and risk it all to get what your heart really wants?