No One's POV
Dalawang araw na simula nung dinala nila Rhi, Tito Grae at iba pa sina G at K dito sa ospital. Pero hanggang ngayon di pa rin nagigising si G. Nakalabas naman agad si K after a day at nakapagpacheckup naman na sina Chynna at Jake sa mga natamo nilang sugat at bugbog sa katawan. Nacheck na din sina Rhi, Abby, Bianca, at Kat.
Nandito sina Rhi, Tito Grae, Chynna, Abby at Bianca sa room ni G. Nag-uusap ang mga ito. Napansin naman ng mga kaibigan si Rhi na tulala na nakatitig lang sa hindi pa rin nagigising na si G.
"Pssst! Miss mo na sya noh?" Sabi ni Bianca. Lumingon naman si Rhi sa bestfriend nya.
"I. . .I admit. I missed her. I missed her a lot." Sagot ni Rhi na binalik ang tingin kay G.
"Alam mo Hija, sobrang nag-alala yan sayong pamangkin kong yan nung nakuha ka ni K sa runway fight nila. Gusto ka nga puntahan agad agad eh kahit nalason na't lahat lahat. Kahit di pa nakakabawi ng lakas gusto ka ng iligtas." Nakangiting sabi ni Tito Grae kay Rhi. Napalingon naman ang dalaga sa matanda at ngumiti rin.
"Oo nga Rhi. Buti nalang nagawa pa naming pigilan yan eh! Kung nakita mo lang sana ang mukha nyang si Tsong!" Natatawang kwento ni Chynna. "Sabi pa nga nya babawiin ka nga daw nya anumang mangyari kahit buhay nya pa daw ang kapalit." Dagdag ni Chynna.
"Alam mo Hija. . .ngayon ko lang yan nakitang masaya at ganun kadeterminado si G nung makilala ka nya. Itong dalawang to kasi (sabay ginulo ang buhok ni Chynna at inakbayan) parang mga anak ko na to. At alam ko kung may nagbago ba sa buhay nila. Eh mga wala naman tong mga pakialam mga to eh! Walang ginawa kundi lumaban sa underground. Pero mukhang nakahanap na ng katapat tong si C kay Abby at si G naman sayo. Hahamakin ang pag-ibig masunod lamang." Nakangiting sabi ni Tito Grae. Nagtawanan naman ang iba. Napangiti lang si Rhi tsaka binalik ang tingin kay G.
"Masaya sana noh. Masaya sana kung. . .wala kaming koneksyon sa isa't isa." Makahulugang sabi ni Rhi.
"Bestie, connected naman talaga kayo ni G. Ang lakas kaya ng connection nyo. Pati kami nahahawa." Nakangiting biro ni Bianca sa bestfriend. Pero imbis na matuwa si Rhi ay mas lalo pa itong nalungkot. "Oh ba't mukhang Biyernes santo yang mukha mo? What's with the face?" Takang tanong ni Bianca.
Hindi naman malaman ni Rhi kung sasabihin sa mga kaibigan ang nalaman nya kay Rhex at Ross na. . .na magkapatid sila. Kaya tumahimik nalang sya at patuloy na tinitingnan si G.
Mayamaya pa'y gumalaw ng bahagya si G kaya patakbong lumapit si Rhi kasunod ang iba.
"G. . .(himas sa pisngi) Are you okay? Anong nararamdaman mo?" Alala at seryosong tanong ni Rhi. Ngumiti naman sa kanya si G bago sumagot.
"Hmmm. . .nararamdaman ko? Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko." Hinawakan ni G ang kamay ni Rhi na nasa pisngi nya tsaka hinalikan ito.
"Yun oh! Bumabanat na!" Basag trip ni Chynna.
"Hi Tsong! Hi Tito! Abbs! Biancs!" Mahinang binati ni G ang bawat isa bago binalik ang tingin kay Rhi. "Hi Love!" Malapad na nakangiti ito kay Rhi. Mukha namang nagulat ang dalaga at nabato ata sa kinatatayuan. Nung makabawi ay gumanti naman agad ito ng ngiti.
"Hello G! Kumusta ka Hija?" Lumapit si Tito Grae at yumakap sa pamangkin.
"Ito Tito mabuti naman. Inlove pa rin!" Nakangiting sabi ni G sabay lingon kay Rhi. Nag-iwas naman agad ng tingin si Rhi sa kanya. Napansin naman iyun ng iba. Kumunot naman ang noo ni Bianca sa tinugon ng bestfriend nya.
"Hey. . .what's wrong? May problema ba?" Hinila ni G si Rhi sa tabi nya at pinaupo ito. Nilagay nya ang isang kamay sa beywang ng dalaga tsaka hinilig ang ulo sa balikat nito. Hindi naman maintindihan ni Rhi ang dapat maramdaman. Naglalaban ang utak at puso nya sa mga ginagawa ni G sa kanya. Nag-alala naman si G nung hindi sumagot si Rhi kaya nag-angat sya ng mukha at tiningnan ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/129459031-288-k840924.jpg)
YOU ARE READING
RASTRO: Connection After All [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSTORY TEASER: As saying goes, opposite attracts. So does that mean its contrast repels when it comes to love? Would you give your best and risk it all to get what your heart really wants?