Kasalukuyan akong nagsu-surf sa internet nang biglang tumunog ang aking laptop. Indikasyon na may email o notification na dumating. Tinignan ko ang ibat-ibang tabs sa aking browser. Ang dami ko kasing binuksan na tabs kaya mahirap alamin kung anong site ang may tumunog. Pagkabukas ko sa huling tab, message lang pala sa facebook. Actually group message iyon.
Binuksan ko ang chatbox at binasa ang message.
***
Jamie: Hello, Dahlia'zters! Long time no see. Kumusta na kayo? Na-miss ko talaga kayo kaya plano kong magreunion tayo! Total, summer naman at ngayon lang ang panahon para magkasama-sama ulit tayo kasi palagi tayong busy because, you know na, busy sa school. What can you say?
***
Si Jamie ang president ng class namin noon.
Tumunog ulit ang chatbox at may bago na namang message. Taray. 'Di pala masyadong busy 'tong mga 'to.
***
Fiona: Sige! Game ako diyan! Na-miss ko rin kayo!
***
Si Fiona talaga, hindi pa rin nagbabago. Partygirl pa rin at hyper.
***
Edric: Sama ako! @fiona babes, namiss rin kita. Mwuah. :-*
Fiona: Eww. kadiri ka Ric. Like yuck.
***
Natawa na lang ako sa dalawang ito. Nung highschool pa lang, ganyan na sila. Di talaga nagbabago. Palagi talagang nag-aasaran.
Marami ring nagsabi na sali sila.
***
Eliza: Ako rin! Yay!
Vince: Me too! :)
Jamie: 29 down, 11 more to go.
Me: Count me in. :)
***
Wala eh, miss ko na rin sila.
Haaay. Mga ilang taon na rin nung huli kaming nagkita-kita. Masyado kasi kaming busy kasi may kanya-kanya na kaming trabaho. Pero may communication pa rin naman kami sa isa't-isa. At kung sinabi kung isa't-isa, talagang isa't isa. Kaming lahat talaga.
***
Jamie: Ok, 30 na. May sampu pang kulang. Ako na ang bahala sa lahat at sasabihin ko na lang sa inyo kung agree ba kayo sa place na pinili ko. Out muna me. :P
***
Halos nag-ok naman lahat. Tapos ayun, yung iba nagchi-chicka lang sa group message about kung ano na ang buhay ngayon. Ang dadaldal nitong mga ito. Haha. Dahil sa kanila, tuloy-tuloy lang na nagbe-beep ang laptop ko.
Ini-mute ko na lang ito at nakisali na rin sa pagchi-chicka sa kanila.
Mga isang oras rin akong nakatutok sa laptop ko. Excited na ako sa reunion. Sana makita ko ulit silang lahat. Buti na lang talaga at summer ngayon kaya minsan, free kami. Yung iba naman, kahit may trabaho, magle-leave muna daw para lang sa reunion namin.
Aww ang sweet nila. Kakatouch lang.
Hindi nagtagal at tumunog ang cellphone ko at may message na dumating.
BINABASA MO ANG
Bloody Games: The Reunion [Hiatus]
Mystère / ThrillerAre you ready to play their sick game called "Death"? book cover by : @IAmGlenJen