[2] Jedrex Vince Austria

73 4 0
                                    

Inihinto ko ang kotse ko sa parking lot. I open my car's door and slip my body out of the car. Then, I proceeded to enter the mall.

Nagshopping lang ako. Ito kasi ang stress reliever ko. Minsan kung bored at may problema, diretso na ako sa mall.

Mga dalawang oras na paglalakad at pagbibili, nagutom ako bigla at nagpasyang kumain muna. I decided to go to KFC. 

"Ystefani!" habang naglalakad ako papunta sa fastfood chain, may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Tumalikod ako at nakita ko ang isang lalaking ang laki laki ng ngiti. 

Mas lalong hindi na makita ang singkit nitong mata dahil nakangiti ito sa akin. He was incredibly handsome and even if he's a few feet from me, I can still smell his masculine scent.  Simply dressed in some plain grey t-shirt with blue jacket and black pants, he was just incredibly handsome. 

This man really never fails to amuse me.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko. "Ysteffy, nandito ka pala. Akala ko namalikta mata lang ako kanina."

"Hindi, Mr. Jedrex Vince Austria, hindi ako 'to. Picture lang ako no. Tignan mo nga oh, nagsasalita at kumikilos pa nga diba?" sarkastiko kong tugon sa kanya. Mas lalo lang siyang lumapit sa akin at pinisil ang ilong ko. "Huy anoba! Wag ka nga! Masakit uy!" pinipilit kong ilayo ang ulo ko para 'di niya maabot ang ilong ko.

Sa wakas binitawan niya na ang ilong ko. Naku naman, siguro ang pula pula na nito. "Kung 'di lang kita mahal, binatukan na talaga kita nang napakalakas dahil sa pagkapilosopa mo." ngumiti siya at ginulo nang bahagya ang buhok ko.

"Oh ano, kikiligin na ba ako?" natatawa kong tanong sa kanya.

 "Tss. Ano palang ginagawa mo dito?" kinuha niya ang mga shopping bags na bitbit ko. Hindi naman yun masyadong madami kaya magaan lang. Aba gentlema rin kasi itong isang 'to.

"Magsw-swimming ako dito, Jedrex. Ang ganda kasi magswimming diyan sa fountain oh!" tinuro ko ang malaking round fountain sa gitna ng mall na ito. "Nasa mall kasi ako kaya malamang nagsa-shopping ako no!" 

Tara na nga. Libre kita. Alam ko namang gutom ka na naman eh. As usual, patay gutom ka kasi." nakangiti siya at alam kong nang-iinis siya. 

"Huy kung makapagsalita ka naman, akala mo kung sinong hindi malakas kumain. Sapakin kita diyan eh." nag-akto ako na babatukan siya ngunit umilag naman siya.

"Brutal! Tara, tayo na nga. Pasalamat ka, ililibre kita." Umakbay siya sa akin at kinaladkad ako papasok sa KFC.

"Eh sino bang may sabi sa iyong kailangan mo akong ilibre ha?!" pilit kong kumakalas pero sadyang malakas itong isang ito.

"Tss," Ayan na naman si Mr. Cold Guy. Kanina lang, ang hyper at ang kulit, tapos ngayon seryoso na nakakatakot. Tss. Moody.

Pero ayun, sumama na rin ako sa kanya. Total, libre naman niya kaya grab the opportunity!

"Humanap ka ng vacant, ako na ang mag-oorder." Sinunod ko lang siya. Threat kasi niya kaya magpapakabait ako. Haha! Deh, alam kasi niya ang paborito ko kaya wala lang akong angal.

Nakahanap na ako ng vacant table, katabi ng glass window. Umupo na ako at naghintay kay Jedrex.

Nag-enjoy lang ako kakatanaw sa kung anu-anong bagay na ginagawa ng mga tao sa labas. Naalala ko bigla yung text message kanina. Paano kung totoo yun at hindi prank? Baka sinadya talagang i-send yun sa akin? Pero para saan naman? Para magbabala? At nakakapagtaka na sinabi niyang maswerte ako. Anong connect dun? Sino ba yun? Ano bang ibig sabihi--

"HUY!" 

"AY! LEKAT KA ANG SWERTE MO!" Hindi ko napansin na nakaupo na pala sa katapat kong upuan si Jedrex at nakalapag na rin ang pagkain. Sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa text na yun.

Si Jed naman, humagalapak sa kakatawa. "HAHAHAHA! Ako maswerte? HAHA. Anong meron sayo ha, Ystef? HAHA."

"Jed naman eh! Bakit ka ba nanggugulat?!" tawa pa rin siya ng tawa. "Geh! Mamamatay ka na sana sa kakatawa diyan! Bwiset!" medyo napalakas ang boses namin kaya tinitignan kami ng katabi namin pero yung iba wala lang, maingay rin kasi dito at may kanya-kanyang trip ang mga kumakain.

"HAHAHA! Eh kasi-- HAHA. Kasi ano-- HAHA. ang epic ng mukha mo Ysteff kanina-- HAHA." patuloy pa rin siya sa pagtawa. 

"Ha. Ha. Ha. Grabe Jed no? Nakakatawa talaga. Sa sobrang nakakatawa ni hindi nga ako tumatawa." sarkastiko kong sabi sa kanya. Kainis. 

"HAHAHA-- sige na nga. HAHA-- hindi na ako tatawa ---HAHA. Wait." hinawakan niya ang bandang dibdib niya at pinipilit na tumigil sa kakatawa. "

"Argh! Kainis ka alam mo ba yun?" nag-iisip ako tapos bigla na lang gugulatin. Grr!

Sa wakas, natapos na rin siya sa kakatawa at umayos ng upo pero nakangiti pa rin. Tss. "Eh kasi kanina pa kita tinatawag, no response ka naman. Kaya ayun, ginulat na lang kita. Epektib nga eh!" Marahan akong tumayo, binatukan ko siya at umupo ulit. Nakakainis na eh. "Huy Ysteff bakit ka nangbabatok? Ito naman di na mabiro. Sige na nga, di na ako mang-aasar." hinimas niya yung parte ng ulo niyang binatukan ko.

Ang cute niyang tignan habang ang isang kamay niya ay naka gilid ng tenga niya kung saan ko siya binatukan. Tapos idagdag pa na naka-pout ang loko. Tss. Nagpapaawa siya. "Eh kasi palagi ka na lang nanti-trip eh!"

"Sorry naman. Ang seryoso mo kanina kaya ginulat kita. Ano ba kasi ang iniisip mo kanina? Ang kagwapuhan ko ba? Naku, sabi na nga bang mahal mo--" Aba umandar na naman ang kayabangan nitong isang ito. 

"ULOL! Ang hangin mo!" Babatukan ko na sana ulit siya pero nakailag siya.

Ihiharang niya ang dalawang braso niya sa akin. "Uy! Ang brutal mo! Joke lang kasi yun. Ang sakit na nga ng batok ko, tapos babatukin mo na naman. Aba, malapit ka nang makadalawa ah!" Umayos na lang ulit ako ng upo at siya naman, binawi na niya ang kamay niya na nakaharang. "Pero seryoso nga, ano bang iniisip mo kanina at spaced out ka?"

"Wala, may naalala lang ako." kinuha ko ang kutsara't tinidor at nagsimula na akong kumain. 

"Eh ano naman yun?" Kumain na rin si Jed.

"Prank text lang. Wag mo nang problemahin yun." I just flashed him a smile at nagpatuloy sa pagkain.

Kung 'di mo kami kilala, siguro pagkakamalan mo kaming magnobyo't nobya pero, darating din kami diyan. Haha. Sa ngayon, nanliligaw pa lang si Jedrex at masasabi ko talagang nag-eeffort siya para sagutin ko. At ako, mahal ko na siya pero tine-test ko muna siya. Mahirap na.

"I heard na may reunion daw tayo?" siya na ang nagbasag ng katahimikan. 

Tinignan ko siya at marahang tumango. "Oo, Sinabi sa akin ni Jaimie na sa isang island daw tayo." At oo, ka-batch kami noong highschool. Sadyang pareho lang kami ng university na pinapasukin namin kaya may communication pa rin kami.

Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain. Basta pagkain, malakas talaga ako. Haha.

"Sasama ka ba?" tanong niya.

"Yup. Ngayon lang kasi ang panahon na hindi ako masyadong busy. Eh ikaw?" Sagot ko atsaka tumingin ulit sa kanya.

"Kung sasama ka, sasama rin ako."  ngumiti siya sa akin. Nakikilig. >.< Siguro ang pula puka na ng pisngi ko. Napa-speechless ako at idinuko ang ulo ko para itago ang mukha ko. "Hala, asus si Ystef namumula. Yiiiee!" panunukso niya.

"Tse!" kumain na ulit ako. Tinawanan lang ako ni Vince at bumalik rin sa pagkain.

Napangiti na lang ako nang maalala ko ang classmates ko before. I'm so excited what will happen in our reunion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody Games: The Reunion [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon