ONE

27 2 0
                                    

     IKAW ANG AKING BUHAY

Ikaw ang aking buhay sa bawat sandali, sa bawat gunita sana'y makita kang muli.

Sa mga araw ng paggising, sa araw ng huli kang nakapiling at sa mga panahong tayo'y natutulog ng mahimbing, sana —sana'y kaya pang ibalik ang lambing.

Ako, ikaw, tayong dalawa. Pareho tayong nag-akala na tayo na talaga, ngunit lumipas ang mga bukas, ang ibong malaya ay muling pumagaspas at tuluyang nawala ang mga magagandang bakas.

Pinilit kong ibalik, pinipilit kong ayusin ngunit mas pinili mong lumayo para maghanap ng ibang puso.

Sobra ka ng nahirapan, sobra ka ng nasasaktan kaya pala bigla mo nalang akong iniwan.

Akala ko noon may pag-asa pa, akala ko noon kaya pa pero ang lahat pala ay hanggang akala lang.

Ngayon —ngayong araw na'to, hawak ko na ang salitang pagsuko, nakatali na ako sa salitang pagkatalo at nakagapos na ang mga paa ko sa salitang wala na tayo.

Salamat sa lahat, paalam sa nakaraan dahil ito na ang wakas, ito na ang huling sakit na mararanas.

MAHAL NA MAHAL kita kahit wala ka na, kahit nasa piling kana ng iba at kahit hanggang ngayon umaasa parin ako sa salitang Mahal mo rin ako.

MAHAL, MAHAL NA MAHAL KITA, mga katagang hindi ko na masasabi pa ngunit para sa huling sandali, Mahal kita ang nais ko sayo'y ialay 'pagkat hanggang ngayon ikaw ang aking buhay.

100 Tula ng Hopeless RomanticWhere stories live. Discover now