TWO

18 1 0
                                    

                          AKO NALANG
   
Tungkulin kong pasayahin ka, sa t'wing sinasaktan ka nya.

Takbuhan ng matatamlay mong ngiti, hango sa sobrang pighati.

Taga-suporta sa mga bagay na gusto mo, mga bagay na dapat sya ang gumagawa at hindi ako.

Isa lang akong hamak na unan, sumasalo sa mga luhang, mga mata mo ang may lulan.

Eto lang ako, kaibigang kahit sobrang sakit ang nararamdaman, palagi pa'ring uunahin ang 'yong kapakanan.

Bakit ba di'mo sya maiwang mag-isa, kahit alam mong ikaw nalang ang lumalaban para sa inyong dalawa?

Hindi nya makita ang halaga mo, pero paulit-ulit ka pa ring nahuhulog kahit walang sumasasalo.

Nangakong hindi ka sasaktan ngunit madalas ka ng umiiyak at sya ang dahilan.

Minsan ka ng niloko ng harapan, marami ka na ring nalalaman pero hindi mo parin iniiwan.

Matuto kang tumingin sa tabi-tabi, nandito pa ako —naghihintay lang na ikaw ang magsabi.

Hindi na kayang maglihim pa, nahihirapan ng maging pangalawa sa puso mong nakatuon lang sa isa.

Hindi ko lang matanggap na kaibigan lang ako, walang karapatan sa katiting na pagmamahal mo.

Ako nalang sana sa halip na sya, nakikiusap sa puso mong bulag sa pagmamahal nya.

Kaya kitang ingatan na kahit kaila'y 'di nya nagawa, pasayahing sakanya'y dimo nadama at mahalin ng walang makakahigit pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Tula ng Hopeless RomanticWhere stories live. Discover now