BERNA'S POV
Pauwi na ako sa aming bahay dala ang isang magandang balita. Excited na akong ibalita sa mom at dad ko na nanalo ako sa yearly declamation contest ng advance technology university. Kasukuluyan akong kumukuha ng kursong nursing kasi gusto kong ipagpatuloy ito para sa kursong medisina. Pangarap kong maging doctor at makatulong sa mga taong nangangailangan.
Pagdating ko sa babay ay nakaupo na sila sa hapag para mag-dinner. Umupo ako sa aking pwesto at panay irap sa akin ng kapatid kong si Addy habang ang kuya ko naman ay walang imik.
"Mom and dad! I would like to tell you that I won the yearly declamation contest." masayang sabi ko.
"Wala akong pakialam Berna. Bakit hindi ka tumulad kay Addy at sa kuya mo na nanalo ng mga awards sa larangan ng siyensiya at matematiko." nagulat ako sa sinabi ni mommy at hindi man lang ako pinagtanggol ni dad. Hindi ko alam kung bakit hindi nila naa-appreciate ang mga achievements ko. Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nila para maging proud sila sa akin. Tumahimik nalang ako kasi wala naman silang pakialam.
"Mom hindi naman matutulad si Berna sa amin kasi wala siyang silbi sa pamilya natin at puro pagbabait-baitan lang alam niya." bwelta ni Addy sa akin at pinigilan naman siya ni dad.
"Addy! Just eat your food".
"Whatever Dad. Papanhik na ako sa room ko. Nawalan na ako ng ganang kumain". umalis na si Addy at nakita ko sa mom na tumingin sa akin ng look-what-have-you-done look. Nalungot ako kasi di ko naman intensiyon na sirain ang hapunan namin.
Si Kuya Raven ang panganay sa aming magkakapatid palagi siyang tahimik at madalas nag-aaral. Ako naman ang sunod sa aming magkakapatid. Gusto ko palagi kong napapasaya ang aking pamilya. Masaya ako kung masaya sila. Si Addy naman ang bunso. May pagka-spoiled brat hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan noon.
FLASHBACK
Naglalaro kami ni Addy malapit sa pool. Gusto niyang awayin ako at ihulog sa pool ang anak ng kasambahay namin.
"Ate Berna ihulog natin yung ugly girl dito sa pool. Makakaganti na rin ako sa pagka-epal niya".
"Huwag na Addy. Baka mapahamak siya at mapagalitan pa tayo ni Yaya at Mom."
"Ano kaba Ate! Hindi yan! Walang makakaalam ng gagawin natin. Naiinis ako sa babaeng iyan kasi nakikipag-ngitian siya sa crush ko."
"P-pero, A-addy." kinakabahan na ako sa mangyayari.
"Ayaw mo ba ate. Sige ako nalang ang tatalon sa pool." napasigaw ako kasi biglang tumalon si Addy sa pool at alam kong hindi siya marunong lumangoy.
"Tulong Yaya, Mom, Dad, Kuya! Si Addy nalulunod sa pool". tumalon si kuya sa pool para sagipin si Addy. He performed the CPR procedure.
Nandito na silang lahat at alalang-alala kay Addy. Tinanong nila siya kung ano ba ang nangyari. Nagimbal ako sa naging sagot ni Addy.
"Tinulak po ako ni Ate Berna. Bigla nalang po siyang nang-aaway." nakita ko ang pag-ngisi niya sa akin.
"Hindi po totoo iyan! Si Addy po ang tumalon sa pool kasi gusto niyang--".
Sumigaw si Dad "Tama na Berna. You're a dissappointment. Hindi ko alam na magagawa mo to sa kapatid mo."
Nasaktan ako sa sinabi ni Dad at nasampal rin ako ni Mom. Pinagsalitaan din nila ako ng masasakit na salita.
They comforted her and no one even bothered for me. Sa mura kong gulang ay napagkaitan ako ng pagmamahal ng dahil sa isang kasinungalingan.
Naalala ko na naman ang masamang alala na iyon. Nang dahil sa kasinungalingan ni Addy, nagalit silang lahat sa akin. Pero kahit ganyan ang kaniyang ginawa ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya kasi kapatid ko siya.
Pumasok na ako sa kwarto ko na malapit sa may maid's quarter upang matulog. Kinuha ko ang family picture namin. Sana dumating na ang panahon na maging masaya kami ulit. Nahiga na ako at pumikit na ang aking mga talukap na may tumulong mga masaganang luha.
Kinaumagahan, nagising ako dahil binuhusan ako ng malamig na tubig ni Mom.
"Gumising kanang maldita ka! Magprepare kana ng breakfast para sa amin dahil natutulog pa ang mga katulong." malamig na sabi ni Mom. Naiyak naman ako kasi ilang beses niya na rin nagawa ito sa akin at isa pa. anak niya ako pero bakit ginaganito niya ako. Hindi niya na ba ako mahal?
Bumangon na ako at pumunta sa kusina para ipagluto sila. Kumuha ako ng eggs, hotdogs, bacon at gumawa na rin ng fresh lettuce cucumber salad, fresh orange juice at sinangag. Nang matapos na ako, inilagay ko lahat ng pagkain sa may lamesa sa dining room. Nag-siupuan na silang lahat at kumain.
"Ano ba naman itong salad. Hindi masarap!" reklamo ni Mom. Nagtaka ako kasi paborito niya ang salad.
"Si Berna kasi ang gumawa Mom kaya hindi masarap". tawanan ni Addy at Mom. Si Kuya at Dad naman ay walang imik. Ngayong umaga ay hindi nila ako sinabay sa pagkain nila. Naghintay nalang akong matapos sila at tsaka kumain.
Kumaing akong mag-isa habang humihikbi. Nakakatawang isipin na nakatapos ako ng high school pero walang magulang na nagsabit ng medalya ko at sumabay sa akin sa stage para kunin ang aking diploma. Mas malala pa ay ganito rin ang sitwasyon ko araw-araw. Nasasaktan dahil sa pagpapasakit ng aking sariling pamilya.
Habang tahimik akong kumakain ay biglang dumating si Addy at sininghalan ako.
"Ano ka ngayon! Kung sinunod mo sana ako noon, hindi ka nganganga diyan. Sa susunod na kalabanin mo ako, mas malala pa ang gagawin ko sa iyo". galit niyang sabi at hinampas pa ako.
"Ano bang problema mo Addy!" singhal ko. Nginisihan niya lang ako at umalis. Sana mawala nalang ako. Hindi ko na ata kayang magtagal dito.
BINABASA MO ANG
Daughter's Life
General FictionSariling kong pamilya ang sumira sa akin. Bakit ba napakahirap makamit ng pagmamahal? Ginawa ko naman ang lahat para mahalin. Hindi pa ba ito sapat?