CHAPTER 2

678 8 4
                                    

BERNA'S POV

Sasabay sana ako kina mom at dad  papuntang university. Paglabas ko wala na ang kotse ni Dad. Naiwan o Iniwanan? Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari araw-araw.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi man lang nila ako hinintay kaya napagdesisyunan ko na lang maglakad. Malapit na rin akong makapagtapos ng kolehiyo sa Marso kahit nasasaktan ako sa mga nangyayari ay masaya pa rin ako dahil maipagpapatuloy ko ang aking pagkuha ng medisina.

Pumasok na ako sa room at nandoon naghihintay ang aking bestfriend na si Lucy.

"Hi Bes! Good Morning. Kumusta ang bruhilda mong kapatid?" ngiti-ngiti niyang bati sa akin.

"Good Morning. Okay lang naman Bes. Nagkausap naman kami kanina."

"Nag-kausap o nag-away? Hay naku bes! Pag naging doktor ka umalis ka na sa buhay nila." gigil niyang sabi. Napakaswerte ko talaga at may bestfriend akong may malasakit.

Nagsimula na ang klase at marami akong nailista para sa mga gagawin kung naka-duty na sa isang kilalang hospital. Natapos na ang klase at napagkasunduan namin ni Bes na magmeryenda muna sa cafeteria.

Pagdating namin ay nandoon si Addy at ang mga alipores niya. Nakita niya akong pumasok kaya nilapitan niya ako.

"Well well! Look who's here. My evil ugly sister". panunuya niya.

"Pwede ba Addy. Pati ba naman dito sa school hindi ka titigil. Grow up!".

Hindi ko na sana siya papansinin at lalagpsan ng pinatid niya ang paa ko at natumba ako sa sahig. Napaigik ako sa sakit dahil sa pagkakasubsob.

Tinawanan niya lang ako at ng kanyang mga alipores. Nagkasagutan sila ni Lucy hanggang sa saktan siya ni Addy. Nagdilim ang aking paningin sa lahat ng pang-aapi niya at mga kasinungalingan.

Bumangon ako. Tinadyakan ko siya at sinabunutan ng todo.

"Hayop ka Addy! Sinira mo ang buhay ko sa kasinungalingan mo." gigil na gigil ako sa kanya.

"Wala akong pakialam! Buti nga sa iyo. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko!".

"Hayop! Hayop! Hayop! Mapapatay kita talaga!!!" hanggang sa nagsidatingan ang mga guwardiya ng school upang awatin kami.

Dinala kami sa guidance office at pinatawag ang aming magulang. Nang dumating sila mom at dad sa office, masasamang titig ang pinukol nila sa akin. Hindi ko lubos maisip bakit ako ang lagi nilang pinag-iinitan.

Pagkatapos ng nangyari ay nagmadali kaming umuwi sa bahay. Nasa sala na kami ng bahay at nakatayo ako sa kanilang harapan. Si Addy naman ay nakayakap kay mom.

"What's the meaning of this Berna? Bakit mo sinaktan ang kapatid mo!" sigaw ni dad.

"Dad because she defamed me and she hurt my bestfriend".

Linapitan ako ni mom at biglang sinabunutan. Napaigik ako sa sakit at napaluha sa ginawa niya.

"Wala kang karapatang saktan ang kapatid mo ng dahil sa walang kwentang bestfriend mo."

"Eloisa" pag-awat ni dad.

"Hindi sumosobra na ang babaeng ito. Lumayas ka dito! Lumayas ka sa pamamahay namin!".

"Mom please huwag niyo namang gawin sa akin to." tinulak ako ni mom at natumba ako. "Ayaw na kitang makita dito bukas? Naiintindihan mo ba!".

Wala na akong nagawa kasi pinal na ang desisyon ni Mom. Saan ako pupunta nito? Saan ako kukuha ng panggastos sa pag-aaral ko? Napatingin ako sa mga mukha nila Addy at Kuya Mason. Nginisihan lang ako ni Addy at si kuya naman ay malungkot. Si dad naman ay sinundan si mom patungong kwarto nila.

Madaling araw na ay palabas na ako ng bahay dala ang aking mga kagamitan at damit. Nakita ko si kuya nag-aabang at lumuluha. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.

"Kuya pasensiya kana sa lahat pero mahal na mahal kita. Napakasaya ko at naging kapatid kita." madamdamin kong pagkasabi.

"Mag-iingat ka. Hindi ko ito gusto pero hindi ko pa masasalungat ang desisyon ni mom pero kung kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako. Kunin mo itong bag may laman iyang 500,000.

"Kuya hindi ko ito matatanggap."

"Tanggapin mo na. Makakapag-ipon pa ako ulit ng ganitong halaga. Makakatulong ito sayo ngayon.". nagyakapan kami ulit ni kuya kahit papano ay may malasakit siya sa akin.

Nagpasalamat ako kay kuya at umalis na sakay ng isang taxi papunta sa bahay ng bestfriend ko. Sana patawarin na ako ni mom hindi ko naman sinasadya na saktan si Addy.

Nakarating ako sa bahay ni bes. Nagulat siya at ang kanyang mama dahil napasugod ako ng madaling araw at may mga dalang bagahe. Naikwento ko ang nangyari habang kami ay nagkakape at nagkaiyakan  dahil sa sinapit ko. Tinanggap ako ng mama ni Lucy at sinabihang pwede akong tumira doon kahit hanggang kailan ko gusto.

ADDY'S POV

Nagulat akong bigla sa desisyon ni mom kahapon pero nasiyahan rin ako dahil ako pa rin ang nagwagi. Siguro ay natutulog pa rin ang babaeng iyon sa kwarto niya at magmamakaawa naman kay mom. Hahampasin ko siya ng walis ngayon.

Nagulat ako sa pagkapasok ko ay walang bernang natutulog pati mga gamit niya ay wala na. Tinanong ko sila mom at nagulat din sila kasi hindi nila alam kung nasaan si  Berna.

"Umalis na siya. Pinalayas niyo siya diba? Bakit niyo pa hinahanap? Masaya na ba kayo?" iritadong sabi ni kuya. Ngayon ko lang siyang nakitang iritado sa amin.

Inirapan ko nalang si kuya at bigla siyang umalis na nakatikom ang kamao. Well, wala na akong pakialam kung nasaan na si Berna. Mabuti nga at wala ng sampid sa bahay. Napangisi nalang ako dahil sa akin kampi sina mom at dad and I ruined her life. Iyan ang mapapala ng mga taong gustong kalabanin ako.

Daughter's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon