Enemies na naging Lovers--- Eto yung cliché stories kung saan, may motto na 'nagsisimula ang lahat sa mga simpleng asaran'. Yung mga story na todo makagamit ng Caps lock at exclamation points. Madalas nagsisigawan ang mga bida dito, hanggang sa magkakaalaman na ng tunay na saloobin
"Mariah! Mukha ka atang sasagala ngayon? ano meron?" panimulang pambubwisit ng kaklase kong si Josef
"O ano nagandahan ka na naman sakin, ano?!" naiinis kong sagot sa kanya
"Aba! Nasobrahan ka ata sa make-up? Kapal ng mukha ah!" at ayon. Nagsimula na naman ang walang-katapusang bangayan naming dalawa sa classroom
Madalas kaming inaasar dahil sa pangalan namin, kahit na 'Maraya' naman ang basa sa pangalan ko, at 'Yosef' sa pangalan nya. Banal na couple daw kami. ugh
"JOSEF! LUMAYO KA NGA DIYAN SA TABLE!" sigaw ko nang makita ko siyang nakikipagharutan malapit sa table na pinaglalagyan namin ng mga gamit. May contest kasi per section ngayon, kaya nagkalat ang gamit sa classroom, at nagkataong nakapatong sa table lahat ng mahahalaga at babasagin
"Ang taray na naman nitong babaeng to! Ako na naman napansin mo!" sagot niya na medyo nakakunot ang noo
"Panong hindi ikaw ang mapapansin, eh lagi kang nagpapapansin?!" lalo akong nairita dahil siya pa yung nakakunot yung noo. Sigawan to the max
"Ang sabihin mo, Crush mo lang ako kaya nagpapapansin ka sakin!" sabi niya nang mayroong mapaglarong ngiti sa labi.
Nararamdaman ko ang titig ng lahat sa akin, nag-aabang kung anong pambabara ang isasagot ko para sa panibagong 'walang-katapusang bangayan'. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit, pero mas pinili kong manahimik. Nablangko ang utak ko, at hindi ko na alam ang sasabihin
"Ang feeler, grabe" sabi ko na lang at umalis ako sa classroom ng wala nang ibang sinasabi
Play ang pinaglalaban-labanan ng year level namin. Kami ang bahalang gumawa ng istorya, kaya ang naisip naming gawin ay lagyan ng twist ang ilang fairytales. Parang sleeping beauty na hinaluan ng snow white na ewan, pero lalaki yung bida. Ang gulo no?
Ganito kasi yung kwento:
Si Prince Charming ang pinaka-gwapong nilalang sa kaharian. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, all ages, walang pinipiling edad. Friendy siya at sweet, kaya naman maraming babae ng nag-aassume. Isa sa mga umasa ay iyong babaeng may pagka-mangkukulam. Todo pagpapaganda, tapos lalapit-lapit kay prince charming. AT dahil natural na sweet at friendly si Prince Charming, nakipag-kaibigan siya dito. Eto namang si Witch, umasa na sila na, tapos nakita niyang may ibang babaeng kasama si Prince Charming, nagalit. ayun nilason. True love's kiss daw ang makakapagpa-gising sa kanya. Dinala siya ni Witch sa isang liblib na lugar, at tanging yung may malakas na loob lamang daw ang makakapunta.
Ilang taon ang lumipas, napadpad ang isang adventurer sa kaharian. Maganda ito pero may pagkatomboy. Kasabay ng magara niyang gown na kumikinang dahil sa iba't ibang klase ng diyamante, ay nakasukbit sa likuran niya ang isang punong-punong mountaineering bag. Naisip ng mga kababaihan na baka ito na ang susi upang maibalik sa kanila ang friendly at sweet na Prince Charming nila, kaya ikinwento nila dito ang tungkol sa sumpa, at itinuro kung paano makararating sa kinalalagyan ni Prince Charming
Matapos ang pakikipag-laban sa iba't ibang elemento, nakarating din ang babae sa puso ng kagubatan, kung saan nandoon mapayapang nakahiga si Prince Charming. Maamo ang kanyang mukha at mukhang natutulog lang, Na-inlove siya dito, hindi dahil sa kagwapuhan nito, kung hindi dahil sa kwento ng mga kababaihan tungkol dito. Na-inlove siya dahil ngayon lang siya nakakita ng isang taong mahal na mahal ng nakararami. Hinalikan niya ito dahil iyon daw ang paraan para mawala ang sumpa, at himalang nagising si Prince Charming