Sa Cliché na mundo ng wattpad, madalas, nababasa ang mga kwentong akala nati'y tayo ang bida. Iyong mga kwento na sobrang nakaka-relate tayo
Sa Cliché na mundo ng wattpad natin mababasa ang halos paulit-ulit na plot, pero patuloy pa ring tinatangkilik ng mga readers
Sa Cliché na mundo ng wattpad, madalas exaggerated ang description sa mga characters. Sobrang yaman, sobrang hirap. Sobrang ganda, sobrang gwapo at sobrang pangit. Sobrang talino, sobrang talented, sobrang hot, sobrang sikat, sobrang galing... basta lahat ng may 'sobra' at almost perfect na katangian, dito mo makikita
Sa Cliché na mundo ng wattpad, madalas maiimagine mo na ikaw yung babae, tapos kasing gwapo ng super crush mong artista yung lalaki
Sa Cliche na mundo ng wattpad mo madalas ginugugol ang oras mo, lalo na't wala kang magawa. Sinasabi mong 'ang cliché naman nito!', 'Nako, paulit-ulit yung plot!', 'Alam ko na ending nito!', pero patuloy mo namang binabasa at inaabangan ang susunod na chapter
Bakit nga ba Cliché ang mundo ng wattpad?
All Rights Reserved
May 2014