Maid with Love (part 2)

14 0 0
                                    

Bumili ako ng dalawang cheeseburger sa isang malapit na fastfood chain dito at pagkabalik ko sa ospital, ay dali-dali akong pumasok sa room ni Eli. nagulat ako nang sandamakmak na schoolmates namin ang naroon. Nakita ko si Edward, at siya lang ang kakilala ko doon. Nandun din si Manang kaya siya na muna ang nag-aasikaso sa mga bisita.

Mabilis akong pumunta sa kusina para ihabilin kay manang ang cheeseburger na binili ko para kayEli, at dali-dali din akong lumabas para hindi na ako paghinalaan pa

"Irene!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Si Edward, lumabas din siya at tumabi sa akin sa bench na malapit sa room ni Eli

Kumakain ako ng cheeseburger nun kaya inalok ko siya kahit iisa lang yun. Tumanggi naman siya sa alok ko. "Bakit ka lumabas, Edward?"

"Wala kasing maupuan dun, saka nakita kasi kitang lumabas" 

"Hmm. Nakaka-OP kasi, saka baka mabuking ako kapag nakita nila ako dun. Alam mo na, puro fan girls pa naman ni Eli yung nandun. Baka ma-bully ako! Sayang ganda ko no!" natatawang sabi ko sa kanya, napatawa rin naman siya

"Maganda ka naman talaga, Irene." napatigil ako sa pag-kain at napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa akin. So, anong dapat kong isagot dun? mygoodnessssss

Agad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. Ang awkward pala pag may ibang taong nagsasabing maganda ako! Nakakaloka. "U-ummm, sa-salamat?" sabi ko at natawa na naman siya. Siguro naramdaman niya na na-awkwardan ako sa sinabi niya

"Mahirap ba yung pagiging personal maid ni Eli?" pag-iiba niya ng topic

"Hmm. Sobra! Ang kalat niya sa gamit saka ang dami niyang sinusuot na damit! Lalo na pag may practice kayo ng basketball, madalas tatlong set ng damit yung nilalaban ko! Tapos pag nasa bahay naman siya, utos ng utos! Kahit na nasa tabi niya na lang yung gamit, tatawagin pa talaga ako para ipaabot yun" natawa siya sa kwento ko

"Tapos nung unang araw ko dun, aba narinig kong sumisigaw, 'NASAN NA BA YUNG PINAPAABOT KONG TUBIG?' ba yung sinigaw niya?" ginaya ko ang boses ni Eli "Tapos nung inabot naman nung isa pang katulong yung tubig sa kanya, binuhos naman nya yun doon sa babae. Grabe gusto ko syang sabunutan nung mga panahong yun! Nakakaasar talaga! At hindi siya marunong magpasalamat saka humingi ng tawad! Asar!" dire-direcho kong kwento, kaya lalo naman siyang natawa

"Ang sarap mo kasama, Irene! Hindi nauubos tawa ko sayo eh!"

"Hmm, kayo naman ni Alisa, kumusta kayo?" pang-iintriga ko sa kanya

"Ahh. Magkapitbahay pa rin. Madalas nasa amin yun para makikain" sagot niya sa tanong ko

"Matagal na kaming hindi nagkikita nun. Sobrang busy kasi sa mansyon nila Eli, tapos ang sakit niya pa sa ulo. Pero bestfriend ko yung si Alisa. Sobrang thankful ako kasi nakilala ko siya nung napadpad ako dito sa Maynila"

Nagkwentuhan pa kami ni Edward. Medyo matagal din yun, tapos nakita na lang namin na nagsisi-labasan na yung mga nasa loob ng room ni Eli, kaya nagpaalam na rin si Edward sa akin. Nang makalayo na sila ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto para tulungan si Manang na maglinis

"Irene!" tawag sa akin ni Eli kaya agad akong lumapit sa kanya "Alalayan mo ako papunta sa CR" utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.

Bago kami makapasok sa CR, ay may binulong siya "S-salamat sa pagkain. Favorite ko yun" tapos agad niyang sinara yung pintuan. Naaninag ko pang medyo namumula yung tenga nya. Pakiramdam ko, nag-init yung pisngi ko

Ilan pang araw ng malupit na pagtatago ko sa tuwing may bumibisita ang dumaan. Ilang araw na rin akong absent sa school tulad ni Eli, at ngayon, discharged na siya. Pareho na kaming makakapasok kinabukasan

Sa Cliché na Mundo ng WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon