LUNCH*
Nagsitayuan na ang mga classmate ko pero ako ay nakaupo parin. Hinihintay ko kasing makalabas ang iba kong mga kaklase.
"Hindi ka parin ba makapaniwala?" tanong sakin ni Yvan. Mukhang seryoso siya. Tanging tango lang ang isinagot ko habang nakatingin sa kawalan. "Ako nga rin eh, nabigla rin ako ng makita ko ang pangalan niya sa list ng section natin" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Ba't hindi mo sinabi sakin?" tanong ko.
"Kasi ayokong mapressure ka. Baka kung ano ano na naman ang isipin mong mangyayari kapag nalaman mong kaklase natin siya. Baka hindi ka makatulog buong gabi at sa huli ay mapagdesisyonan mong wag nalang pumasok. Kilala kita Shawn, halos lahat ng umiikot dyan sa utak mo, alam ko, kaya hindi ko sinabi sayo" paliwanag niya.
Tama siya. Lahat ng sinabi niya ay tama. Ganyan ang epekto sakin ni Tamara. Napailing nalang ako sabay buntong hininga.
"Tara na" sabi ko sabay tayo at kinuha ang bag ko. Pumunta na kami sa tambayan namin. Oo may tambayan kami. Nakita namin yun ni Yvan nung tino-tour palang kami sa school na to kaya ayun, dito na kami tumambay. Wala masyadong tao rito kaya maganda ang pwesto nato para samin, idagdag mo na rin ang sariwang hangin dahil napapalibutan kami ng mga puno.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan rin sila. Nakatulala lang ako at hindi nakikinig sa kwentuhan nila. Hindi nalang nila ako pinansin at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Nung matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom.
Nang makapasok na kami sa classroom ay nakita ko si Tamara na nagbabasa ng paborito niyang libro. Harry Potter. Bahagya akong napangiti dahil naalala ko ang binili kong libro nung enrollment.
Pagkaupo ko ay pumasok na ang susunod naming teacher. Umayos na kaming lahat at tinuon ang atensyon sa aming guro. Habang nagkaklase kami ay palihim parin akong sumusulyap sa kanya. Gaya ng ginawa namin nung mga naunang pumasok na guro, ganun din ang ginawi namin ngayon. Pagkatapos niyang magklase ay pumasok na ang panghuling teacher namin. Ganun din ang ginawa namin at gaya rin ng ginagawa ko kanina pa, palihim parin akong sumusulyap kay Tamara.
Uwian na kaya nag ayos na rin ako ng mga gamit ko pero nabigla ako ng lumapit si Tamara sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang gustong gusto na niyang lumabas sa katawan ko.
"Hi Shawn" masayang bati niya sakin at nakita ko na naman ang matamis niyang ngiti. Shit!
"Hello Tamara" sabi ko naman sa kanya at sinuklian ang matamis niyang ngiti.
"Hindi talaga ako makapaniwala na magkaklase tayo. Nabigla ako kanina ng makita kita. Pero masaya ako na naging magkaklase tayo ngayon Shawn!" nakangiting sabi niya.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom. Nasa likuran lang namin sina Yvan, Pier at Rizer.
"Ako nga rin eh hahahaha. Masaya rin ako kasi naging magkaklase tayo ngayon" nakangiting sabi ko. Ngumiti muna siya sakin bago magsalitang muli.
"Ah sige Shawn una muna ako sa inyo ha? susunduin ko pa si Annika" sabi niya sabay hinto at humarap kina Rizer, Pier at Yvan na nasa likod. "Una na ako" paalam niya sa kanila ng nakangiti.
"Sige, ingat ka Tamara" sabi ni Yvan ng nakangiti.
"Ge" sabi ni Pier. Tumango lang si Rizer habang nakangiti.
Nung makaalis na si Tamara ay nagpatuloy na akong maglakad. Nakayuko ako at natulala.
"Pst! ang lalim ng iniisip mo ah?" tawag pansin sakin ni Yvan at inakbayan ako.
"Ah hindi wala to pagod lang" pagsisinungaling ko habang nakayuko parin na naglalakad.
"Samin ka pa talaga nagsinungaling" sabi ni Pier.
"Tss wag mo na kasi yun masyadong isipin" pagtukoy ni Rizer sa pagiging magkaklase namin ni Tamara. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Di lang kasi talaga ako makapaniwala" sabi ko habang nakatingin sa kawalan. "Ang tagal kong hinintay na maging magkaklase kami ulit" sabi ko habang inaalala kung kailan kami huling naging magkaklase ni Tamara. Grade 3 kami huling naging magkaklase at simula nung grade 4 hanggang grade 6, hindi na ulit kami naging magkaklase pero nagkikita parin naman kami sa school. Na miss ko siya sobra. Namiss ko ang childhood friend ko.
Nang makalabas na kami ng school ay kanya kanya na kaming umuwi.
done*
YOU ARE READING
Chasing Your Love
RomanceSi Shawn Marco Hidalgo ay isang simpleng lalaki na may gusto sa childhood friend niya na si Tamara Hernandez. Bata pa lang sila ay may gusto na si Shawn kay Tamara ngunit ni minsan ay hindi niya sinabi ang totoo niyang nararamdaman para kay Tamara...