Chapter 4

13 0 13
                                    

Shawn's POV

Pagkauwi ko ay agad akong dumapa sa kama. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos dahil lutang na lutang ako.

Kinapa ko ang cellphone ko at tinignan ang videos. Halos si Tamara lahat ang laman ng videos ko. Hobby ko kasi ang mag video at filming. Vine-video ko siya ng hindi niya napapansin. Pero minsan, nakikita niya at nags-smile naman siya at nagp-peace sign. Natutuwa akong kinukunan siya ng videos lalo na't di niya alam na vine-videohan ko siya.

Habang pinapanood ko ang mga videos niya, hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako na parang baliw. May kumatok sa pinto at umayos naman ako ng upo. Binuksan niya naman ito dahil hindi ko naman nilo-lock ang pinto.

"Oh ma" sabi ko kay mama na papalapit sakin at tumabi. Ngumiti siya sakin.

"Vinediohan mo na naman siya ng hindi niya alam" sabi ni mama at bahagyang tumawa. Napayuko naman ako dun sa hiya.

"Ma naman, di pa ba kayo sanay?" nag-aalinlangan kong tanong na sana hindi ko nalang tinanong.

"Hahahaha naku anak sanay na sanay na!" nanunuksong sabi ni mama. Pagtingin ko sa kanya ay taas-baba ang kilay niya. Napayuko nalang ulit ako sa hiya.

"Ma!" suway ko sa kanya. Tumawa naman siya pero biglang natahimik. Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin na siya sa isang picture fame. Picture naming dalawa yun ni Tamara nung mga bata pa kami. Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ng magsalita si mama.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanya yang nararamdaman mo anak?" tanong ni mama habang nakatingin parin sa picture namin ni Tamara.

"Hindi pa ako handa ma, natatakot ako" sagot ko.

"Natatakot kang masaktan o natatakot kang mawala ang pagkakaibigan niyo?" tanong ulit ni mama.

"Pareho" sagot ko habang nakayuko parin. "Pero mas natatakot akong mawala ang pagkakaibigan namin" pahabol kong sagot. Napabuntong hininga nalang ako. Iisipin ko palang na mangyayari yun, nasasaktan na ako.

Narinig ko ring bumuntong hininga si mama. "Bumaba ka nalang mamaya para maghapunan ha?" nakangiti niyang sabi sabay tayo. Ngumiti rin ako sa kanya sabay tango at lumabas na siya ng kwarto.

Tumingin ulit ako sa picture namin ni Tamara. Yan yung unang picture naming dalawa. Si mama ang nagpicture kaya hiningi ko ito agad sa kanya at pinadevelop. Ang cute namin nung mga bata pa kami. Parang kailan lang nung binubully ko siyang siopao dahil sa laki ng pisngi niya, pero ngayon, palihim ko na siyang pinupuri.

Para na naman akong tanga dito na nakangiting mag isa. Ang sarap kasing balikan yung mga panahong bata pa kami at sobrang kulit namin ni Tamara. Pero natapos ang pag iimagine ko ng magvibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at nagulat ako sa nakita kong nag message. Dali dali kong tinignan ang message.

From: Tamara

Hi Shawn! Pwede ka bang lumabas sa bahay niyo? May ibibigay lang sana ako.

Pagkabasa ko sa message niya ay bumaba na ako. Paglabas ko ay wala pa naman siya kaya naghintay muna ako. Kinakabahan na naman ako.

"Hi Shawn!" nabigla ako sa nagsalita. Pagtingin ko ay siya na pala yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hi Tamara!" nakangiting bati ko rin sa kanya at pinilit na hindi mautal. "Ano nga palang ibibigay mo?" tanong ko sa kanya.

"Ah oo nga pala pinabibigay ni mama, gumawa kasi siya ng mango float. Sinadya talagang damihan ni mama para bigyan kayo, ito oh" sabay abot niya sakin ng isang supot na may tapperware na naglalaman ng mango float. Kinuha ko ito at saka ngumiti.

"Salamat Tamara, pakisabi rin kay tita Ann salamat dito. Naku sigurado magugustahan nina mama at papa ito" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Naku wala yun noh alam mo naman yung mama mo at mama ko, para ng magkapatid hahahaha" sabi niya at tumawa. Tumawa rin ako kasi totoo ang sinabi niya. Para talagang magkapatid si tita at si mama, hindi pa kami pinapanganak ni Tamara ganun na sila.

"Tara pasok ka muna Tamara ipaghahanda kita ng meryenda" alok ko sa kanya pero umiling lang siya at nag wave ng kamay na nangangahulugang 'wag na'.

"Ahh hindi na dumidilim na rin kasi baka hinahanap na ako nina mama at papa" sabi niya.

"Gusto mo ihatid nalang kita? Ipapasok ko muna tong mango float sa loob tas ihahatid na kita sa inyo" sabi ko naman sa kanya.

"Wag na Shawn kaya ko naman eh ang lapit lang kaya nasa likod lang ng bahay niyo hahaha" sabi niya at tumawa. Ngumiti nalang ako. Ang gandang pagmasdan ng ngiti niya. Ang sarap ding pakinggan ng tawa niya.

"Oo nga pala hahaha sige mag ingat ka ha. Pakisabi nalang kay tita salamat dito" sabay taas ko ng supot. Ngumiti lang siya at tumango at nagsimula ng maglakad pero bago pa siya makalayo sakin ay tumingin siya ulit sakin at nakangiting kumaway. Kumaway rin ako sa kanya sabay ngiti. Tinignan ko siya papalayo sakin hanggang sa hindi ko na siya matanaw. 'Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ko sayo ang nararamdaman ko Tamara. Ayokong mawala yang ngiti mo sa paningin ko kaya mas pinili kong itago nalang ang nararamdaman ko para sayo' sabi ko nalang sa isip ko.



done*

hey guys! mag ingay naman kayo sa comment and don't forget to vote ❤ thank you guys love yah!

Chasing Your LoveWhere stories live. Discover now