Chapter 6

10 0 5
                                        

Shawn's POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng classroom at tulala. Nasa isip ko parin ang panaginip na yun. Habang iniisip ko ang panaginip kong yun ay parang binabalot ako ng takot. Pano kung ganon ang mangyari kung balang araw ay aamin ako kay Tamara? Ayokong mawala ang meron kami ngayon. AYOKO.

"Pst" may kumalabit sa akin kaya tinignan ko kung sino. Si Yvan. Tinignan ko lang siya. "Tulala ka?" tanong niya at tumingin ako sa kawalan.

"Wala" lang ang nasabi ko.

"Sakin mo pa talaga itatago tsk" sabi niya at seryosong nakating sa akin. Tinignan ko naman siya at kinwento ang napanaginipan ko kagabi.

"Bangungot lang yun Shawn, wag kang mag alala" sabi niya at tinapik ang braso ko.

"Pano kung aamin ako balang araw, ganun nga ang mangyari?" tanong ko at natulala.

"Siguro kailangan mo nalang tanggapin, normal naman siguro yung ganung reaksyon pag may umaamin diba?" sabi niya.

"Hindi, hindi yun yung inaalala ko. Pano yung pagkakaibigan namin? Ayokong mawala ang meron samin ngayon" sabi ko sa kanya sabay umiwas ng tingin. Hindi na nakasagot pa si Yvan dahil dumating na si Mrs. Leann. Hindi ko rin napansin na dumating na pala si Tamara. Sa sobra ko atang pag iisip ay hindi ko na napansin ang pagpasok niya sa classroom.

Nagsimula na ang klase pero lumilipad parin kung saan saan ang isip ko. Para akong baliw dahil pag may naiisip akong labag sa kalooban ko ay umiiling ako. Pasulyap sulyap nalang ako kay Tamara ng palihim. Hindi ko rin napansin na recess na pala. Damn!

"Anong gusto mong ipabili?" biglang tanong sakin ni Pier. Nasabi na siguro ni Yvan sa kanya kung bakit ang tahimik ko. Alam niyo naman si Yvan, sobrang daldal. Tumayo silang tatlo pero nauna ng lumabas sina Rizer at Yvan.

"Ah wag na hindi pa naman ako gutom" sabi ko nalang.

"Sure ka?" tanong niya ulit kaya sinagot ko nalang siya ng tango at matamlay na ngumiti. Umalis na siya at naiwan akong mag isa at tulala parin.

"Okay ka lang?" may biglang lumapit sakin at pagtingin ko ay nabigla ako. Si Tamara. Nakaupo agad ako ng maayos tsaka nginitian siya.

"A-ah ikaw pala T-tamara" nauutal kong sabi at pinilit na ngumiti habang ang kanan kong kamay ay nakahawak sa batok ko. Shit! bat ba ako nauutal. "O-okay naman bakit?" sagot ko.

"Napansin ko kasing tulala ka buong klase natin sa first at second subject" sabi niya ng may pag aalala sa mukha.

"Ahh may iniisip lang hahaha" pinilit kong tumawa para makumbinsi siya na okay lang ako. Ngumiti siya. Yang mga ngiti na yan, yan yung nagpipigil sakin para aminin ang nararamdaman ko. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Sure ka ha?" paninigurado niya sa akin. Nginitian ko siya at nagsalita.

"Oo naman hahahaha" sabi ko at ngumiti. Nginitian na naman niya ako. Take note: Yung matamis niyang ngiti.

"Ah sige balik muna ako sa upuan ko ha" paalam niya.

"Ah oo sige" sabi ko sabay tango. Bumalik na nga siya sa upuan niya at ako naman ay balik sa pagkatulala.

Tapos na rin ang recess at nakabalik na rin sina Yvan, Pier at Rizer. Nagsimula na ang klase namin at nakinig naman na rin ako sa mga teachers ko. Hindi ko nalang muna pinansin ang panaginip na yun dahil baka tama nga si Yvan, baka bangungot lang talaga yun.

Uwian na at kanya kanya na kaming apat na umuwi. Pagkarating ko ng bahay ay agad akong pumunta sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko. Napagod ata ang utak ko kakaisip sa panaginip na yun. Kumain ako ng maaga dahil gusto ko ng magpahinga. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang plato at saka natulog.



done*

Sorry for the late update guys, hope you like this! Love yaah! ❤

-@shannah_mae-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Your LoveWhere stories live. Discover now